Chapter Twenty-three

Start from the beginning
                                    

Ngayon na may iniisip ako, nariyan siya para pawiin kahit papaano ang kung ano mang gumugulo sa utak ko. He's there to assure me that everything will be fine even if my thoughts were tightly tied like a knot.

But now, one thing is for sure. Sa magulong mundo, siya ang nag-iisang sigurado ako.

I let go of the hug and smiled at him. This time, it's true. "I'll be okay, Jai."

He caressed my cheek, in one swift move, he kissed my forehead. "Dahil ginulat mo ako sa yakap mo." He chuckled.

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang. Bumaba na ako at nagpaalam na sa kaniya. Nang tuluyang makapasok sa gate ay doon niya lang binuhay ang makina ng kotse.

He beeped thrice before driving away, just like he always does.

I felt like I am the luckiest woman. To have him is like hugging the clouds, or finally reaching the stars, or sitting on the top of the moon.

Nang makapasok ako ay agad na hinanap ng mga mata ko si mommy. Wala siya sa living room o kahit sa kusina. I knocked on their room but there's no response. Kumatok ako sa pinto ni Reneil para tanungin sana kung alam niya ba kung nasaan si mommy pero wala ring sumagot doon.

Back garden . . .

Doon naman siya laging pumupunta.

Nagpalit muna ako ng komportableng damit bago pumunta sa likod ng bahay. Hindi nga ako nagkamali at naroon siya, nakaupo sa bench at malayo ang tingin.

"Mommy . . ."

She turned her gaze at me. "Anak? You went home early. Bakit?"

I shook my head. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya. Hawak ko sa kanang kamay ang cellphone ko.

"How are you, mommy?" I asked her and put my head on her shoulder.

Nagsalubong ang kilay niya. Marahil ay nagtataka kung bakit ako nangangamusta kahit araw-araw naman kaming nagkikita.

"I'm fine, anak. Why'd you ask?"

She held my arm and rubbed it like she's hugging me. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Liar.

Eyes don't lie.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit. Doon ko napagtanto na matagal na niyang alam pero mas pinili niyang manahimik para hindi mag-iba ang tingin namin kay daddy. So that we will still see him as the perfect and respected man of the town.

"Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin, my . . ." naluluha ko nang sabi. "Kakampi mo ako."

Nagtataka pa rin siya sa sinabi ko pero maya-maya ay bumagsak ang mga balikat niya.

"I love your dad, Kylei," she uttered. Her eyes started to water. "So much . . . but it's breaking me. I love him to the point that I never told anyone because I don't want his name to be ruined. Gano'n ko kamahal ang daddy mo. Mas pinili kong masaktan nang tahimik."

"My, he doesn't even try to hide his affair. He's putting his own name on shame while you were protecting him."

"Sa akin pa rin naman siya umuuwi. Sa atin pa rin. 'Yon ang mahalaga sa akin."

Pinagmasdan ko ang ina na tumatangis para sa lalaking mahal niya. Mahal na mahal niya ang tatay ko kahit alam niya sa sarili niyang umuuwi ito hindi dahil mahal pa siya kundi dahil para lang matawag pa rin kaming isang pamilya.

If this is what they call love, then I don't want it.

Hindi ganito ang pagmamahal. Nakakaubos ang pagmamahal na alam nila para sa isa't isa.

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now