"Pero ayokong umalis dito tita Rosenda. Dito na ako lumaki marami tayong ala-ala dito." Dito siya nabuhay at dito siya muling nakabangon sa pagkawala ng kanyang mga magulang. Dito siya nagkaroon ng pamilya kaya ayaw niyang mawala ang tanging bagay na naghohold sa kanyang mga alaala at sa mga memories na pwede niyang masabi na masaya. This is their place, her place and she can't afford to lose this kahit na magmakaawa pa siya sa harap ng may-ari ng Acher's ay gagawin niya.

            At iyon nga ang gagawin niya.

            "Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ng tita Rowena niya ng kuhanin niya ang bag na nasa kanyang tabi.

            "Sa Acher's gusto kong makausap ang may-ari ng restaurant na iyon, magmamakaawa akong hindi na nila kunin ang restaurant. Bibilhin natin ito."

            "Pero wala tayong ganoon kalaking halaga Diana mas mabuti pang umalis nalang tayo dito at magsimula ng bagong buhay."

            Umiling siya, "Hindi pwede, hindi pwedeng mawala ito sa atin. I have savings hindi man ganoon kalaki pero pwede na rin iyong pangunang bayad. I have friend tutulungan nila ako."

            "Sa panahon ngayon Diana wala ng magpapahiram ng ganoon kalaking halaga kahit kaibigan mo pa."

            Isang maliit na ngiti ang ibinigay niya sa kanyang tiyahin. "Trust me tita meron, my friends will. They are different and I can rely on them sa mga oras na tulad nito. You should have trusted too tita Rowena, tita Rosenda. Hindi ko kayo pababayaan para saan pa at pinalaki niya akong kayang lampasan ang lahat ng pagsubok." Kahit na may pagsubok pa siyang pinagdadaanan ngayon mas uunahin pa rin niya ang kapakanan ng mga tiyahin niya keysa sa kanya, they are her only family.

            "Kakausapin ko ang may-ari ng Achers para bigyan niya tayo ng palugit, hind ako makakapayag na sirain niya lang ito at gawing restaurant niya."

            Inis na pakli niya at lumabas na ng bahay. Agad siyang pumara ng taxi at sinabi kung saan sila pupunta, mabuti nalang at nabanggit ng mga tita niya kung saan ang main office ng Achers. Mabuti nalang at ni minsan ay hindi pa siya kumain doon dahil isusuka na niya ang mga pagkain na kinain niya.

            Pagdating nila sa main restaurant ng Acher's ay agad siyang napaismid ng makita na ang daming customers doon. Kung wala siguro siyang ganitong delima for sure magugustuhan din niya ang Achers kaso ngayon kahit na ang maganda ang classy na design ng restaurant na iyon ay sa paningin niya ay ang sama.

            "Good morning ma'am." Masayang bati ng guard sa kanya. Kung sana pagdating niya sa bahay ay nakatulog agad siya at hindi siya sinalubong ng problema malamang good na ang magiging morning niya kaso kung hindi pa siya ang nakareceived ng letter of eviction na iyon ay malamang pag-uwi niya bukas ay wala na ang bahay nila.

            "Nandito ba ang owner ng Acher's?" she asked.

            "May problema po ba ma'am?"

            Nagkibit-balikat siya. "Problema? Malaking problema, gusto ko siyang kausapin dahil magrereklamo ako." Kung ang mag-eskandalo ang tanging paraan para makausap niya ang may-ari ay gagawin niya.

            "Ma'am, pasok po muna kayo. Tatawagin ko muna ang manager namin."

            "I want to talk to the owner." Talagang binigyang diin niya ang bawat salitang sinabi niya.

            "Dito po muna tayo." Binuksan nito ang pintuan para sa kanya, ayaw niyang maguilty dahil sa panghaharass niya sa guard pero ayaw din niyang masayang ang pagpunta niya dito. Ayaw niyang pabalik-balik.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon