Mas mabuti ng siya nalang ang magresolba sa kanyang sariling problema, it might hurt other people pero alam niyang saglit lang iyon.

 

 







            NAPATINGIN siya sa mga sulat na nasa kanyang harapan, palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang tiyahin na kanina pa umiiyak. Napapikit muna siya bago muling binasa ang sulat na iyon and she got the same reaction from herself, galit siya, naiinis siya, sino bang may matinong isip na hindi sabihin sa kanya kung mga nangyayari sa pamilya nila?

            "Bakit ngayon niyo lang ito sinabi sa akin?" seryosong tanong niya sa dalawang tiyahin na nagtutulakan na kung sino ang magpapaliwanag sa kanya. "Seryoso po ako."

            "Hindi na namin sinabi Diana kasi akala namin hindi seryoso pero talaga palang seryoso ang may-ari ng Acher Chains of Restaurants na kukunin nila ang lupa at bahay natin para gawing restaurant."

            Napabuntong-hininga siya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang bahay na naging tirahan niya sa loob ng maraming taon ay mawawala nalang sa kanila ng ganoon nalang and worst gagawin pang restaurant.  Her aunts love the place, ito nalang ang tanging bagay na meron ang mga ito and she can't afford to lose this place because it means breaking her tita's heart.

            "P-pwede naman tayong tumira sa ibang bahay-."

            "No tita Rosenda, this place is ours. How dare the owner of this restaurant said that he owns this place." Napatingin ang mga ito sa kanya. "Don't tell me they really own the place?" maang na tanong niya, hindi sumagot ang dalawang tiyahin niya. "Kailan? Kailan... hindi ko maintindihan tita Rosenda, tita Rowena. Paanong naging sa kanila ang bahay na ito samantalang isang dekada naman tayong nakatira dito?"

            "Naibenta namin ang bahay Diana."

            Kumunot ang noo niya sa sinabi ng tiyahin. "Kailan at para saan?"

            Hindi niya lubos maisip na ibebenta ng kanyang mga tiyahin ang bahay at lupa, parehong may mga trabaho ang dalawang tiyahin niya. They were both teachers and they have income too at nagbibigay din siya ng panggastos sa bahay nila kaya hindi niya talaga maisip kung saan napunta ang perang pinagbentahan ng bahay nila.

            "Matagal na itong naibenta, kailangan namin ng pera sa pagpapagamot sa iyo noong bata ka pa at mas mahalaga ka sa amin keysa sa bahay na ito." Nag-init ang gilid ng kanyang mga mata sa sinabi ng tita Rowena niya.

            "Magkano po ba naibenta ang bahay?"

            "Two million pesos hindi pa kasama ang interes diyan, matagal ng naibenta kaya mababa pa ang bilihan ng mga panahong iyon pero ngayon kasama na ang interes kulang-kulang aabot ito ng dalawampung milyong piso."

            "Bakit ngayon lang nila pinaalam sa atin at hindi agad tayo inabisuhan?" Natahimik uli ang dalawang tiyahin niya. "Kailan pa kayo nasabihan?"    

            "Isang taon na ang nakakaraan binigyan nila kami ng oras para mabayaran ang pagkakasangla ng lupa. Hindi na namin sinabi dahil hindi rin naman namin mababayaran ang lupa dahil sa laki ng halaga."

            "At mas pinili niyong ilihim ito sa akin?"

            "Dahil ayaw ka na naming maabala pa Diana, makakabili din naman tayo ng bagong lupa at makakapagpatayo ng bagong bahay."

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now