Chapter 26 - Behind that Door

Start from the beginning
                                    

Isang malutong na sampal sa kaliwang pisngi ang inabot ko. Ang sakit!

"Darating na siya mamaya. Siya na ang bahalang kumausap sa'yo at sumasakit lang ang ulo ko." Iniwan na ako ng dalawa.

Huminga ako ng malalim. Ano ba 'tong gulo na napasok ko?

Inilibot ko ang aking paningin sa kwartong kinaroroonan ko. Tama ang ikalawang hinuha kong nasa Archeion ako. Bagaman madilim, naaaninag ang mga bakal na haligi ng mga shelf na kinaroroonan ng mga folders.

Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko pero tulad ng mga kamay ko, nakagapos din ang mga iyon. Idagdag pa ang kumikirot ng sugat ko.

I hated it when I'm helpless.

Minuto ang lumipas, bumukas muli ang pinto ng kwarto. Mula sa kinauupuan ko, hindi makikita ang pinto dahil nahaharangan ng mga nakahanay na shelves. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbagsak sa sahig at pagdaing ng kung sino pati na rin ang muling pagsara ng pinto.

Naalarma ako.

"Apollo?"

Walang sumagot.

"Apollo?" O baka si... "Justin?"

Wala pa ring sumagot bagaman may dumadaing sa sakit.

"Sinong andiyan?" Tanong ko muli.

"A...aaa...aani-ckaa..."

Natigilan ako ng marinig ang boses na iyon. Hindi kaya..."Tito Louie?"

Hindi na ito sumagot. Marahil siya nga.

Sinubukan ko umusod patungo sa kinaroonan ng pinto. Alam kong malaki ang mga Archeion sa bawat distrito ng Psyche kaya nahirapan akong makarating agad sa may pinto. Kung tatayo naman ako, delikado dahil madilim at hindi ko kabisado ang kwarto. Baka kung ano lang ang mangyari sa akin kaya nagtiyaga na lang ako sa pag-isod.

"Tito?" tawag ko ulit. Umungol ito bilang sagot.

Siya 'yung kaibigan ng totoo kong ama na pinagkatiwalaan ng paintings niya.

"Tito, bakit ka nila dinala dito? Anong kailangan nila sa'yo?"

Isod pa. Bwisit kasi. Wala man lang pwedeng pangputol ng tali. Puro papel lang ata laman ng kwartong 'yon, eh.

Konti na lang, malapit na ako sa kabilang bahagi ng kwarto. Naaaninag ko na ang isang bulto ng lalaking nakahiga at maingat na nagpapabiling-biling sa sahig.

"Tito Louie, anong ginawa nila sa'yo?"

Sa wakas, nakarating din ako sa paanan niya. Mahina ko siyang sinipa sa binti. "Tito? Please stay conscious."

It looked like he was badly hurt.

The door flew open again. Nagulat pa nga ako. Three men entered, spotted me and yanked me up.

"Hey!" protesta ko.

Hinila ako nung isa dahilan para muntik na akong matumba.

"Ano ba?!" bulyaw ko rito. "Paano ako makapaglalakad ng maayos eh, nakatali mga paa ko!"

"Eh, 'di bubuhatin kita." At 'yun nga ang ginawa ng siraulo. Isinampay ako nito sa balikat nito. "Ang gaan mo lang naman pala, eh." Dagdag na komento pa nito.

Hindi na ako nagsalita. Pakiramdam ko kasi lalabas lahat ng kinain ko.

Inilabas nila ako ng Archeion. Naiwan sa madilim na silid si Tito Louie. Narinig kong isasara na sana ng isa ang pinto nang may maramdaman akong mabilis na hangin.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta bigla na lang napamura ang isa. Ang lalaking may hawak naman sa akin ay nagpapilig-pilig ng katawan na para bang may hinahanap.

"Gago, nahihilo ako!" bulyaw ko sa kanya.

Hindi ko alam kung malaki ang galit sa akin ng lalaki dahil bigla na lang ako nitong inihulog sa sahig.

"Argh!" Patihaya akong bumagsak kaya naipit talaga ang braso ko, pero buti na lang at hindi tumama ang ulo ko sa sahig.

Nang maka-recover, tsaka ko lang napansin na mag-isa na lang ako sa labas ng hallway. Wala na 'yung tatlong lalaki at naiwang nakabukas ang Archeion.

Maingat akong bumangon at pinakiramdaman ang sarili ko. Bukod sa nahihilo ako, masakit ang mga braso dala ng pagkabagsak, kumikirot ang ramdam kong nagdurugo ng sugat at nanlalata na ang nagagapusan ng lubid, pero okay pa naman ako.

Ibinaluktot ko ang mga tuhod ko patungo sa may dibdib at inipit sa pagitan ang ulo ko upang mawala ang pagkahilo.

"Ayos ka lang?"

"Ay, shit!" napabalikwas ako dala ng pagkagulat. Tinapunan ko ng masamang tingin ang bagong dating. "Do you love to see me die because of shock?!"

Hindi ko maaninag ang reaksiyon ni Alexander bagaman hindi siya sumagot.

"Stop staring and get me out of these ropes," utos ko.

Tumalima naman ito at mabilis na inalis ang tali sa mga kamay ko. Hinimas-himas ko muna ang mga braso at kamay ko bago pinagkaabalahang alisin ang tali sa mga paa ko.

"You look like a damsel in distress."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Sang-ayon ako sa sinabi niya, pero hindi na ako nagsalita pa.

Natanggal ko na ang tali sa mga paa ko. Tinulungan naman niya akong makatayo.

"Sandali. Si Tito Louie."

Binalikan ko si Tito Louie. Mukhang hindi na siya gumagalaw.

"Tito," tinapik-tapik ko siya sa pisngi. Umungol ito bilang sagot. "Ilalabas ka namin dito."

Yumukod na rin si Alexander at tinulungan akong itayo si Tito Louie. Isinampay ni Alexander ang kanang braso nito sa balikat niya at inalalayan itong makatayo.

"Ilabas mo siya rito," sabi ko.

"Paano ka?"

"Ako nang bahala sa sarili ko."

"Wala kang armas," giit ni Alexander.

"I have been in worst situations several times unarmed. Kaya ko na buhay ko," katwiran ko naman.

"You can't be saved by your arrogance."

Pinilit kong manatiling kalmado. Wala ring mararating kung magpapadala ako sa inis.

"I'll be okay. I still need to find Justin and Apollo. Especially Apollo. He's in danger," sabi ko biglang naalala ang tinutukoy ko.

"Everybody's in danger. Nothing's special about him," biglang pumait ang tono ng pananalita nito. "Okay. Do whatever you want. Tutal matigas naman ulo mo, eh."

I felt Tito Louie reached for my arm. Inilipat ko sa kanya ang atensiyon ko.

"P-pain...tings..."

Kumunot ang noo ko. Anong tungkol sa paintings?

"We'll go first then," wika ni Alexander na tila balewala sa kanya ang sinabi ni Tito Louie.

Hindi ko na siya pinigilan. Mas mahalagang makaligtas muna si Tito Louie.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid pagkaalis ng dalawa. Armed with bravery, stupidity and arrogance (according to Alexander), I carefully walked to the bend of the hallway. However, I was sent flying to the wall by something fast and I was held suspended by that thing.

"Are you trying to escape?"

Inabot ko ang mala-bakal na kamay ni Michael na nakasakal sa leeg ko. Pangalawang beses na 'yon sa araw na iyon na nasakal ako, ah. But at that moment, I was really choking.

"Don't worry. I won't kill you now,but my Master will."

Agent Night (Tagalog |  Complete)Where stories live. Discover now