2

1.7K 29 2
                                    

Monday na naman, gladly walang gig kahapon kaya nakapag pahinga talaga ako kahit konti bago ako nag aral. Ngayon may 8 hours sleep ako kaya maganda ang mood ko.

Katatapos lang ng first class ko at mamaya pang 2:30 next class ko. 10am palang kaya pupunta muna sana ako sa comlab para mag laro kaso naispatan ko si Sae na kumakain magisa sa canteen. I guess 'yung mga tropa n'ya hindi taga ditong school.

"Sae!" tawag ko sa kan'ya. Nilingon naman n'ya ako tapos kumaway s'ya. Lumapit ako sa kan'ya then naupo ako sa harapan n'ya.

"Bakit nakasimangot ka?" tanong ko. Kunot noo kasi s'yang kumakain ng ice cream.

"Bad trip e na late ako kanina sa first class ko." sabi n'ya.

"Bakit? Saan kaba galing?" tanong ko.

"Sa Sogo." haluh?!

"Eh? Anong oras ba first class mo?" tanong ko.

"7:30." sagot n'ya.

"Ha?! Ang aga mo naman sa Sogo." grabe naman 'yon bwena mano sila sa Sogo?!

"Yun lang daw free time n'ya e. Umalis ba naman ng hindi ako ginigising ayan na late ako." ang laki ng problema n'ya.

"At least naka pasok ka parin. Late is better than absent." napatango tango s'ya.

"Tama." tapos sumubo uli s'ya ng ice cream.

"Anong oras next class mo?" tanong ko.

"Mamaya pa hapon." sagot n'ya.

"Tara laro tayo bilyar." aya ko sa kan'ya.

***

Nandito na kami ngayon sa gym, habang nag aayos kami ng tako at mga balls e nag kukwentuhan kami.

"Marunong ka mag bilyar?" tanong n'ya saakin.

"Oo naman. Lagi kami naglalaro nito ng mga Kuya ko." sabi ko. Pinunasan ko 'yung cue na gagamitin ko. Ang dulas naman neto.

"Oh~ Kaya. Ako natutunan ko 'to kasi tinuran ako ng nung mga nakakainuman ko saamin." kainuman? Kung magsalita s'ya parang 30+ something na s'ya.

"Maaga kang mamamatay, ang lakas mo mag yosi tapos nag iinom kapa." mukhang nabatak rin yata s'ya haha joke lang.

"Hindi 'yan, lola remedios lang 'to sapat na sa hangover." sabi n'ya. Nung maayos na namin ang balls ay nagsimula na kaming mag laro.

"Speaking of alak, balita ko ba-ban na daw alak sa mga tindahan sa pasig ah?" wala nakita ko lang sa fb. Posibleng fake news s'ya pero wala na nasabi ko na ito kay Sae na ngayon ay gulat na nakatingin saakin.

"Eh? Totoo ba?" tanong n'ya at tumango ako. "Grabe sinisingil na talaga tayo ng mundo." natawa ako sa sinabi n'ya. Anong konek no'n sa mundo?

"Mukhang dadayo ka na kapag gusto mo makipag shot." sabi ko. Magaling s'ya mag pool ah.

"Shot? Hindi ako namamaril ha!" muntik ko na s'ya mabatukan ng tako ko.

"Inom kasi ibig ko sabihin." grabeng utak 'yan pang kriminal talaga!

"Ahh. Okay lang naman saakin, hindi naman ako madalas mag inom sa Pasig kasi malakas radar ng papa ko sa lugar na iyon. Kaya minsan nadayo pa ako ng San Juan at Caloocan para uminom." grabe naman nadayo pa ng ibang syudad. Nasabi n'ya rin na pulis papa n'ya, siguro strict iyon kaya nadayo pa s'ya ng inom.

Nag tuloy tuloy kami sa paglalaro.

"Nga pala, nung nakita kita sa Oranbo nung nakaraan.. Anong ginawa mo doon bakit gabi na nag lalakad kapa?" tanong n'ya. Ako dapat mag tanong, bakit sila pagala gala sa Oranbo tapos mga nag s-skateboard sila kahit madilim na.

Fall | Itoshi Sae - Blue Lock (Tagalog)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα