𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

12.4K 230 11
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・꙳・━━━━━━ ❜

🚫⚠️𝐓𝐑𝐈𝐆𝐆𝐄𝐑 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆!⚠️🚨

There are particular parts that may trigger your trauma or anxiety; if you cannot bear the scenes, please stop reading.

"Josh! Josh!" hinihingal na tawag ko kay Josh pagkarating namin ni Danish sa bahay. Napahawak ako sa frame ng pintuan at napaluhod dahil sa hingal sa pagtakbo malayo lang kay Travis. Si Danish ay maayos kong inilapag sa tabi ko na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin kung bakit kami kailangan tumakbo palayo kay Travis.

"Mommy, why are we running away from Travis? He just want to be my friend."

"N-no."tanging na tugon ko dahil hinihingal pa rin ako.

Kumunot ang nuo niya.

"Why not? He is so kawawa he is bulag."

"Danish, he is not blind! Nakakakita siya at papatayin niya tayo!"

"What's happening bakit ka nakaluhod sa may pintuan, baby?" lumabas mula sa kusina si Josh at lumapit papunta sa amin. Tinulongan niya akong tumayo.

"Please, umalis na tayo dito! Nasundan na niya tayo, please!"

"Baby, relax what is it, ha?"

"Si Travis! Si Travis nandito siya! Papatayin niya tayo! Papatayin niya tayo! Umalis na tayo!" Puno ng takot na tugon ko. Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Josh.

Nanginginig ang kalamnan ko at binabalot ng takot ang buong sistema ko. Lahat ng takot na naradaman ko noon lahat ay bumalik.

Ibubuka sana niya ang kanyang bibig ngunit hindi niya natuloy ng marinig namin ang malamig na boses na iyon.

"Cullen, hindi ko akalaing ikaw ang tra-traidor sa akin."

Mabilis akong humakbang at nagtago sa likuran ni Josh. Hinila ko si Danish at kasama siyang itinago sa likuran ni Josh.

"Mommy, why are we hiding?" Hindi ko pinakinggan ang tanong ni Danish, tinakpan ko ang bibig niya gamit ang nanginginig kong kamay.

"Villamor, what are you doing here?"

"Taking back whats mine, Cullen."
Malamig na boses na ani ni Travis na mas lalong nagpakaba sa akin. "Taking back my wife and my son." dagdag na ani nito. Mula sa likuran ni Josh ay nakikita ko pa rin ang malamig na titig ni Travis at ang dahang-dahang pagtagilid niya sa kanyang ulo at ang dahan-dahang pagkabinat ng kanyang labi upang magpakawala ng nakakakilabot na ngiti. Naisiksik ko sa likod ni Josh ang aking mukha para hindi makita si Travis. Ang kamay ko na nakahawak sa damit ni Josh ay nagiging mahigpit ang pagkakahawak dahil sa kaba.

"Hi, honey, come to me and let's go home." tawag ni Travis sa akin.

"Umalis ka na, Villamor." mariing ani ni Josh.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Travis. Ang tawang iyon ay nakaka-kilabot ang sunod na narinig ko ay ang pagkasa ng baril.

"Come on, Danice. Don't make me wait because I might fucking blow your fucking lover's head off if I get pissed."

Mas lalong nanginig ang kalamnan ko sa narinig na sinabi ni Travis. Naramdaman ko ang paghawak ni Josh sa kamay ko.

Biglang kumawala si Danish sa hawak ko, tumakbo at pumagitna.

"Hey, Travis, why are you holding a gun?" tanong niya kay Travis.

"D-Danish!" tawag ko sa anak ko akmang hahabulin ko siya ngunit pinigilan ako ni Josh.

Hindi nakinig si Danish sa pagtawag ko humakbang pa siya lalo palapit kay Travis.

"Danish, come here kiddo." tawag ni Josh sa anak ko pero kahit kay Josh ay hindi nakinig si Danish. Nakita ko ang paglawak ng ngisi ni Travis habang nakatingin sa anak ko, nanatiling nakatutok sa amin ang kanyang baril.

"Come here, buddy." tawag ni Travis kay Danish. Huminto sa paghakbang si Danish.

"Why are you pointing your gun to my parents?" inosenteng tanong nito.

Nawala ang pagngisi ni Travis. Nanlisik ang mga mata nito at nag igting ang pangang tumingin sa gawi namin.

"Your parents?" mariing sambit ni Travis. "Oh you are the parents, ha?"

Nanlalamig na ang buong kalamnan ko habang nakikita ang mukha ni Travis. Maging si Josh ay alam kong kinakabahan na rin dahil nanlalamig at na te-tense na rin ang kalamnan nito.

Nakita ko sa likuran ni Travis si Avy may hawak-hawak siyang baril na nakatutok sa likuran ni Travis inilagay niya sa labi niya ang daliri niya palatandaang ayaw niyang maging maingay ako, dahan-dahan ang naging paghakbang niya.

"Put your gun down, Villamor." Saad ni Avy ng nasa tapat na siya ng likuran ni Travis itinutok niya ang kanyang baril sa likod ng ulo ng lalaki. Nakita kong natigilan saglit si Travis ngunit kalaunan ay tumawa ito ng bahagya.

"Put your gun down, baby." may isang lalaking biglang sumulpot sa likuran ni Avy at tinutukan siya ng baril. Nanlaki ang mata ni Avy at rumihistro ang gulat sa mga mata nito. "Naputukan na kita kanina, gusto mo bang maputukan ulit?" nakangising ani ng lalaki.

"Wakeem, you're fucking traitor!" Mas tumawa ang lalaki.

"Come on, Avy, put your gun down mainipin pa naman ako."

Imbes na ibaba ay biglang umikot si Avy at pinaputukan ang lalaki ngunit naiwasan ng lalaki ang pagpapaputok ni Avy. Napapikit ako sa sobrang takot sa sunod-sunod na putok ng baril, napasalampak ako sa sahig. Nanginginig. Naitakip ko ang aking mga kamay sa aking tenga.

At nang mawala ang putukan ay saka ko pa lang naalala si Danish. Mabilis kong naibuka ang mga mata ko ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko at pakiramdam ko'y nabagsakan ako ng mundo ng makitang nakahandusay sa lupa ang anak ko naliligo sa sariling dugo sa tabi nito'y duguang katawan ni Josh. Sa unahan ay nakandusay rin ang wala ng buhay na katawan ni Avy naliligo rin ito ng dugo sa tabi ng bangkay nito ay nakatayo ang lalaking bumaril dito.

"No! No! Danish! Danish!"

Kahit nanghihina ay mabilis akong bumangon at patakbong tumayo. Nagkadapa-dapa ako't nagka subsob.

Nangmakarating sa katawan ng anak ko ay mabilis ko iyong niyakap at dinala sa kandungan ko.

"B-baby. . .  Baby. . . wake up, please! Danish. . . A-anak." marahan kong tinapik ang pisngi ng anak ko nagbabakasakaling ibuka niya ang mga mata niya. Ngunit kahit na anong gawin kong pagtapik kahit na anong gawin kong pakiusap na imulat niya ang mga mata niya ay nanatili pa rin siyang nakapikit at wala ng buhay.

"Condolences for your lost, honey."

Mabilis akong napalingon kay Travis ng magsalita siya. He was grinning like a devil.

"Hayop ka! Napakasama mo! Wala kang puso!" puno ng galit na sigaw ko.

Humakbang siya palapit sa akin at umuklo hinawakan niya ng mariin ang panga ko na nagpa-igik sa akin.

Ngumisi siya. Binitawan niya ang panga ko at biglang umigkas ang palad niya sa pisngi ko. Namanhid ang pisngi ko at bumaling sa ibang direksyon.

"Iyan ang kabayaran sa pag tra-traidor mo sa akin, Danice, tumakas ka sa akin at dinala ang anak ko, hindi pa naging sapat sa 'yong sumama ka sa kabit mo pinaako mo pa sa kanya ang anak ko!"

"Hindi mo siya anak! Isa kang demonyo!"

Isa pa uling nakakabinging sampal ang pinakawalan niya dahilan para masubsob ako sa lupa. Hinawakan niya ang likod ng buhok ko at bigla iyong hinila pakiramdam koy matatangal ang anit ko sa lakas ng kanyang pagkakahila.

"You are the one who killed my son, Danice. And I will make sure that you pay for it! I will make your life a living hell again. I am a demon, right? Then you'll taste the torment of the demon, honey."

AVYANNAHLAVELLE

𝐀𝐁𝐔𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐈𝐅𝐄 (𝐎𝐍𝐄) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن