Chapter 41: Axel

Comincia dall'inizio
                                    

Baka may binili lang or what. I need to stop over-thinking. Masyado na akong nagiging imaginative. I need to relax.  Nahiga ako sa sofa at naghintay kay Pio habang nanunuod ng TV. 

Nakatulog pala ako dahil nagising ako sa tunog ng kaluskos sa pintuan. May sumususi  dito at sa tingin ko ay si Pio na iyon. Tiningnan ko ang relo at mag-aalas sais na. Hihintayin ko sanang siya na ang magbukas ng pinto dahil tinatamad pa akong bumangon pero ang tagal kasi kaya pinagbuksan ko na siya. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Pio na bakas ang gulat pagkakita sa akin. Nakasuot siya ng cap na binili ko sa kanya at sa kaliwa niyang kamay ay may hawak siyang box ng cake at sa kanan naman ay may hawak siyang tali... no, kadena... Aso? There, I saw the cutest dog I've ever seen in my life. It was a white fluffy dog. Napanganga ako.

"Alex, akala ko mamayang gabi pa ang dating mo?" Bati niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi. Agad naman pumasok ang aso pagbukas ko ng pinto at sinundan ko ito ng tingin. Ang cute!!!

"Inagahan ko ang uwi kasi... uhm. Ano 'to? Kaninong aso 'yan?"  Excited na tanong ko sa kanya.

"Sa iyo."  Sagot niya kasabay ng malaking ngiti.

"Ha?" Tanong ko ulit kahit naintindihan ko naman. Sa akin? Bakit?

"Binili ko para sa iyo. Hindi ba gusto mo ng aso?" Sabi niya. And I remembered...  Gusto ko rin magkaro'n ng alagang aso. Sabi ko noong nakakita ako ng aso na karga-karga ng may-ari sa kanya habang namamasyal kami.

"Naalala mo pa 'yon?"

"Oo naman." Ngiti niya sa 'kin at inakbayan ako.

"Ikaw talaga..." At niyakap ko siya. Ang bango niya... Hmmm.. "Salamat." Hinalikan ko siya sa pisngi at saka ko hinabol ang aso na ngayon ay may sinusundang amoy sa kusina. Tumigil ito sa tapat ng cabinet at saka tumahol at ginalaw galaw ang maliit niyang buntot.

Sinundan siya ni Pio at inilabas mula sa cabinet ang bag ng dog food.

"Gutom na siya." Pio grinned at me then proceed to put some dog food on a little bowl. Agad naman itong kinain ng maliit at cute na creature.

"Anong itatawag natin sa kanya?" Tanong ko kay Pio.

"Ikaw? Anong gusto mo? Lalake siya." Sagot niya habang hinahaplos ang aso sa ulo nito habang kumakain. Ang liit pa niya kaya over sa ka-cute-an.

"Uhm.. Browny, Boogey, Whitey. Haha. Ampanget! Wala pa akong maisip. Ikaw?"

"Naisip ko kanina Axel. Parang pangalan mo lang pero baliktad ang letra." Sagot niya. He beamed at me.

"Nice one, Pio! Axel. Cute! Sige. Axel na lang."

Axel. Our baby dog. Hihi.

Atlas, all my doubts about Pio faded  into insignificance. Nag-sorry din naman siya dahil nagsinungaling siya noong tinanong ko siya about sa tahol ng aso na narinig ko kagabi. He said that he felt bad lying to me but he really wanted to surprise me so he did what he did. I forgave him. After all, ang cute ng surprise niya. Ang tagal ko na talagang gustong magkaroon ng alagang aso kaso baka hindi ko naman maalagaan dahil nga nagtatrabaho ako. At least ngayon alam kong may mag-aalaga sa kanya dahil nandito si Pio. Pero pa'no pag-wala na siya.....

No. No. No. Don't go there. Erase that thought.

Nag-sorry rin ako sa kanya dahil pinagdudahan ko siya kaagad. It was wrong for me to doubt him when all this time he's been doing all these things for me. Ang swerte ko talaga...

What did I do to deserve a man like Pio?

Bigla kong naalala..

"Pio, alam mo bang may nakita ako kaninang dalawang engkanto noong pauwi ako."

"Talaga? Nakita ka?" Lumingon siya sa akin. Nagluluto kasi siya ng hapunan namin habang ako naman ay nakaupo lang dahil ayaw niyang tulungan ko siya. Hawak-hawak ko lang si Axel dahil nababali pa ako sa kanya. He's like a baby. A baby bear!

"Hindi naman." Naalala ko 'yong transformation ko at natawa ako sa sarili ko. "Papunta sila sa ibang direksyon."

"Hmm.. Mabuti naman kung ganoon." Sagot niya habang patuloy sa pagluluto. Ang bango! Hindi pa rin ako makapaniwala na ang galing-galing na ng Prinsipe kong magluto. Talo pa ako.

"Oo nga eh, sobrang kinabahan ako kanina kasi akala ko sasakay sila do'n sa bus na sinasakyan ko."

"Huwag kang mag-alala. Hindi nila tayo mahahanap. Hindi ko naman ginagamit ang kapangyarihan ko hindi ba?"  He reassured me with a smile.

"Eh pa'no kung mahanap pa rin tayo?"

"Alex, huwag mo nang isipin iyon. Alam ko na ang gagawin ko 'pag nangyari iyon." He aswered and I was shocked to hear that.

"Ano?" Tanong ko agad.

Hindi siya sumagot. Hindi ba niya narinig o ayaw niyang sagutin?

"Luto na. Kain na tayo?" Humarap siya sa akin at ngumiti.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora