Bahay, Kubo, at Munting Babuyan

102 1 0
                                    

"May Imbentoritis ka, Rosanna."

Sa apat na salita lang na ito ni Doktora Tino nag-umpisa ang unang problema ni Armando sa kanyang 33 years sa mundo.

"Imbentoritis po?" tanong ni Rosanna, halos hindi na makapagsalita sa takot.

"Huwag kang mag-alala, Rosanna. Mainam na na-diagnose natin agad ito. May gamot sa Imbentoritis. Basta inumin mo 'tong irereseta ko sayo for six months, walang problema," ngumiti si Doktora Tino kay Rosanna para gumaan ang pakiramdam nito, bago magsulat muli nang mabilis sa reseta.

"Six months po? Dok, ibig nyo pong sabihin hindi po ako pwedeng magtrabaho for 6 months?" nag-aalalang tanong ni Rosanna. Paano na lang ang pag-aaral ni Archie?

Inayos ni Doktora Tino ang salamin niya at tiningnan si Rosanna. "Oo. Kailangan mong magpahinga. Saka, nakakahawa ang Imbentoritis kaya hindi ka talaga dapat humalo basta-basta sa mga tao, lalo na sa mga bata na wala pa sa edad na dose. May kasama ba kayong bata sa bahay?"

"Opo. Yung anak po naming lalaki, 10," sagot ni Rosanna sabay lingon kay Armando. Kumunot ang noo niya dahil ngayon lang niya nakitang humaba ang guwapong mukha nito.

"Huwag ka munang dumurot sa anak mo para safe siya." Iniabot ni Doktora Tino ang reseta kay Rosanna. "Heto ang reseta. Tuloy-tuloy lang ang pag-inom for 6 months. Walang hinto. Saka magpahinga ka."

Matapos magpasalamat si Rosanna kay Doktora Tino, lumabas sila ni Armando ng clinic nito. Habang naglalakad palabas ng Margaret Tino Medical Center, palingon-lingon si Rosanna kay Armando, nag-aalala. Hanggang sa nakalabas silang dalawa, hindi pa rin umiimik at tila pahaba nang pahaba ang mukha ni Armando.

"Ando, sobrang haba naman na nyan. Baka sumayad na sa sahig yung baba mo." Tinusok ni Rosanna sa pisngi si Armando para paikliin ang mukha nito. "May gamot naman sa Imbentoritis."

Napugik si Armando. "Babe, hindi naman yun ang inaalala ko. Narinig naman natin si Doktora Tino."

"Ayun naman pala, e! Bakit humaba na nang ganyan ang mukha mo?" tanong ni Rosanna, mahaba ang nguso.

"Babe, 6 months kang hindi pwedeng magtrabaho. Pano naman ako? Pano na 'yung beer ko?"

"Ay! Ikaw talaga," humagikgik si Rosanna nang parang high school.

***

Sumapit ang pangalawang problema ni Armando sa buhay pagkalipas lang ng dalawang buwan.

"Ando, bakit ganyan na naman ang mukha mo?" tanong ni Rosanna nang makitang mahaba ang mukha ng pinakaguwapong lalaki sa mundo niya.

Nagkamot ng batok si Armando at huminto sa entrada ng kubo nila sa likod-bahay, kung saan nakatira si Rosanna mula noong ma-diagnose na may Imbentoritis ito. "Babe, nanggaling kasi 'ko sa ATM sa kanto. Yung balance natin dalawang libo na lang kaya kinuha ko na lahat."

"Ha? Ibig mong sabihin naubos na yung pera natin?" nanlaki ang mata ni Rosanna.

"Oo, Babe. Wala na. Saka yung dalawang libo mismo wala na rin. Pinambili ko na ng isang banig ng gamot mo saka beer."

"Si Archie? May baon pa ba siya?"

"Hanggang bukas na lang, Babe. Wala ka na ba talagang naitabi dyan?"

Tumango si Rosanna at nagka-crisis nang parang tanga. Wala na silang pera, apat na buwan pa siyang kailangang magpahinga at uminom ng gamot. Wala nang baon si Archie sa makalawa at si Armando siguradong malulungkot dahil wala nang malalaklak.

"Babe? Pano na tayo?" tanong ni Armando.

Nabalik si Rosanna sa reyalidad. Sa lalim nang iniisip, below sea level na ang utak niya kanina. "Ando, ano kaya kausapin ko si Doktora? Baka pwede naman na 'kong pumasok. Anong tingin mo dun?"

Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)Where stories live. Discover now