Tumango-tango ang psychiatrist habang siya naman ay napapahilot na ng noo.

"Hindi ko masasabing medaling solusyona ang sakit mo Diana dahil ang problema natin dito ay hindi talaga iyong paghawak nila. Kung iisipin at aanalisahin nating mabuti you have extreme trust issues." Napatingin siya dito. "You have problems trusting the opposite gender because of what happened to you. You thought na kapag hahawakan ka nila-- no, your subconscious made that fainting and pain as your defense mechanism against the pain. You don't want to feel the same pain you felt before kaya mas pinili nalang ng utak mo na mawalan ka ng malay keysa masaktan. You trust people of the same gender, people whom you think yiu are safe with, am I right?" tumango ulit siya because she's making sense. "In order for you to get rid off this phobia is when you learn to trust guys. Now tell me, na inlove ka na ba noon?"

Agad siyang umiling. "No, I didn't."

"That answers, try to open up your heart. Try to trust someone, kahit na hindi muna inlove agad-agad."

"Paano ko gagawin iyon kung iyong mga lalaking nanliligaw sa akin kapag nalaman ang tungkol sa kalagayan ko ay sinasabihan akong freak." Napakamot siya ng ulo ng maalala ang mga walang kwentang lalaking iyon maliban sa isa dahil iyon mas freak iyon keysa sa kanya, wala yatang pakialam kung ilang beses niyang sabihin na hindi niya ito trip pakasalan. Sa puso't diwa nito ay feel na feel nitong tinatawag siyang mapapangasawa nito. Minsan ay pinapatulan nalang niya dahil habang tumatagal ay nawawala na ang special meaning ng kasal sa kanya, pakiramdam niya ay nagiging parang laro nalang ito dahil sa lalaking iyon.

"You are no freak Diana, at darating din ang lalaking makakatanggap sa iyo at tutulungan ka."

"Sana pala hindi ako nagpunta dito at hinintay ko nalang dumating ang taong iyon, bakit kailangan pa niya akong tulungan kung nandito ka naman at binabayaran ka." Inis na pakli niya, she doesn't want to be rude or anything pero talagang inaantok na siya kaya ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa.

"That's not what I mean, don't worry we are going to rid off this phobia but as of now-." Sabay silang napatingin sa pintuan ng biglang bumukas iyon. Hindi siya umalis sa kanyang pwesto ganoon din ang doctor basta lang silang nakatingin sa pintuan. "Sino iyan?"

"Food delivery doc." Kumunot ang noo niya sa pamilyar na boses na iyon.

"Oh, come in." bumukas ang pintuan at muntik na siyang magroll ng eyes ng makita ang bagong dating. "I am in the middle of a consultation."

"Ipinahatid ni Almiro--." Dumako ang tingin ng bagong dating sa kanya. "Diane."

"Diana Rose."

"Hi, Diane." Iniwas nalang niya ang tingin mula dito dahil kahit na anong sabihin niya ay palagi pa rin siya nitong tinatawag na Diane kahit na tinatama niya iyo. Matigas ang ulo!

"You knew my patient?" natatawang tanong ng doktora.

"Yup." Mabilis na sagot nito. "I know her she's my fiancé-."

"Shut up will you?" asar na baling niya kay Warren bago binalingan ang doctor. "I am sorry mabilis talaga akong mairita kapag wala pa akong tulog." Hingi niya ng paumanhin dito. "Sa tingin ko babalik nalang ako sa susunod na araw kapag hindi na ako bangag." Pinilit niyang isipin na hindi nag-eexist si Warren at kinuha niya ang kanyang mga gamit. She already made the payment prior her arrival kaya pwede na siyang umalis kung kailan niya gusto.

"Pagpasensyahan mo na ang brother-in-law ko Diana he's really playful."

"I know, I knew him." Aniya at binalingan si Warren. Wala naman itong ginawang masama sa kanya. "Sorry kung nasigawan kita."

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now