Prologue

143 73 175
                                    

Konnichiwa! This is Gin :-)

Please be advised that this book contains explicit content and some tender moments. While the content is light and suitable for most audiences, discretion is still advised. Enjoy :D

LOVE TRAPPED
Prologue


“Dito Shine! Dito ka magtago! Bilisan mo, ano ba 'yan,” naririnig kong nagp-panic na sigaw ni Dafnie.

“I-I'm coming!” natataranta kong tugon habang nahihirapang tumakbo dahil sa heels kong suot-suot, sobrang taas ng heels huhu. Hinahawakan ko rin ang palda ko sa kadahilanang medyo mahaba-haba ito na lagpas hanggang tuhod ko. Hindi rin naka-pony tail or what 'yung buhok ko, nakalugay lang ito at hanggang bewang ko.

“Bilisan mo naman. Shine, mahuhuli ka talaga niyan. Dito. D-dito ka pumunta.” At may tinuro siyang lugar hindi ko pa naman mabigyan ng pansin ‘yun dahil nangangalay ‘yung mga binti ko habang papalapit sa kaniya.

“W-Where should I go?” hingal na hingal kong tanong nang mapuntahan ko na siya.

Agad naman siyang napasapo sa kaniyang noo na bakas ang inis. “Ang sabi ko rito ka dumaan.” Inayos niya pa muna ang suot niyang color gray na sweater at tinuro niya ang daan papunta sa isang hallway na hindi ko alam saan patungo. “Dito ka pumunta, tumakbo-takbo ka lang pagkatapos n’on may makikita kang ibang daanan, punta ka sa right side may makikita kang malaking cabinet, doon sa loob ng cabinet doon ka magtago. Doon ka magtatago dahil imbakan ng mga libro 'yun at imposibleng hanapin ka r’on nila dahil hindi ka naman mahilig magbasa ng libro.”

What?! Nakuha niya pa talaga akong insultuhin sa ganitong situation.

I raised my eyebrow at her. I cross my arms in front of her at inayos ang tindig ko. “As if naman sa’yo na—” She cut me off, nagulat na lamang ako nang bigla niyang hawakan ng madiin ang magkabilaan kong braso at tinitigan ako ng seryoso sa muka. “Shine makinig ka, kailangan mo ng umalis. Ito, take this.” At inabot niya sa akin ang isang face mask kumunot naman ang noo ko bilang tugon sa ginawa niya. Face mask? Ano naman use nito, saan ko 'to gagamitin?

“T-Teka nalilito ak—” Hindi ko na lamang natuloy ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa kabilang parte ng hallway. Biglang nanumbalik ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang mga bodyguards ni papa na papunta na rito. Bumilis ang pagtibok ng aking puso. T-They're following me.

“S-Shine, umalis ka na kasi.” Bigla na lamang niya akong tinulak papunta sa hallway.

Without second thoughts, automatikong gumalaw ang aking mga paa palayo sa lugar na 'yun. Napagtanto ko na lang ang sarili ko na tumatakbo rito sa may pasilyo na sinabi ni Dafnie na puntahan ko. I'm still nervous, hindi ko alam kung anong mahahantungan ko rito sa pasilyo na 'to, kung anong nasa end nito hindi ko pa naman kasi kabisado ang lugar.

Ito ang first time na makapunta ako rito, masyadong malawak at malaki ang building mahirap kabisaduhin. I'm with my papa sinamahan ko siya dahil may appointment siya with Mr. Chan the CEO of this company and because of me na sumama kay papa binigyan niya ako ng offer na maging model ng ir-release nilang new beauty product this April—yes! They produce beauty products but I refused to accept that offer for some valid reasons that's why I'm escaping from this shit kaya pinapahanap ako ni papa.

And also, after kong malaman na andito pala nagtratrabaho 'yung mokong na Samuel na 'yun I regretted my decision na sumama pa ako kay papa. I'm afraid na baka mag krus pa ang landas namin, tiyak ikakamatay ko 'yun. Ayoko na siyang makita pa.

Love Trapped [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon