"Kasalanan ko po"

"Vans, wala kang kasalanan"

"Hmmm basta mag-uusap tayo mamaya"Turo sa akin ni Uncle.

"I'm so sorry Nike, hindi ko kasi napansin"Lapit niya sa akin.

"It's okay Vans. Ako naman ang may kasalanan eh, nagpumilit ako"

"Kahit na, may kasalanan din naman ako"

"Kung ayaw mo magpatalo, pareho tayong ma
y kasalanan"Tapik ko sa balikat niya.

"Uhhh. Pwede ko ba mahiram mamaya ang kotse mo?"

"Bakit?! Anong gagawin mo? Baka nakakalimutan mo na muntik na tayo maaksidente kung hindi ka pa nagpreno"

"I know but somehow it makes me happy,"

"Happy?"

"Yeah."

"If that's what you really want then go ahead, always remember that it's not just a normal car." I reminded. "The car key is in my bag"

"Thanks"

"Be careful"Iniwan ko siya doon para lumabas muna, hindi pa naman tapos si Uncle sa ginagawa niya eh. Babalik na lang ako kapag hinanap niya na ako.

That girl is amazing, i can't believe he beat Sunday. Iba siya, iba siya sa lahat. Gusto ko pa siya makilala at maging kaibigan, close friend kumbaga.

Ayon matapos ang sermon sa akin ni Uncle Riku ay umalis na kami sa shop dahil ang ingay niya, ako lang naman dapat aalis pero hinila ko si Vans

"Sorry uli ah"

"Parang 'yon lang"

"Kahit na"

"Ayan hindi ka na naman papatalo"Tusok ko sa tagiliran niya na ikinaatras naman niya.

"Ano ba!"

"Gusto mong kumain muna?"Tanong ko sa kaniya.

"Sige ba! Where?"

"May alam ako!"Hila ko sa kaniya.

"Tayka!"

-

"Oh ano, masarap ba?"Tanong ko.

"Yummy!" Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya, puno ng ramen itong bunganga niya, para na siyang siopao. "Parang magiging paborito ko na toh!"

"Madalas ako dito kapag walang pasok" Wika ko. "Alam mo..."

"Hmmm?"

"Ikaw pa lang ang unang babae I mean kaibigan na dinala ko dito"

"Weh? Girlfriend wala ka 'non?"Saad niya kaya nasamid ako.

"Tubig"

"Oh"Abot niya.

"Wala akong oras para diyan saka isa pa kung gugustuhin ko man magkaroon ng girlfriend ay marami akong fans na pagpipilian" Paliwanag ko. "Pero....Wala akong balak"Dugtong ko.

"Ah ganon?"

"Tsaka nga pala bukas na lang kita tuturuan sa school,"

"No problem!"

"Parang mas gusto mo na lang kaharap yang ramen kaysa sa akin ah?"Biro ko.

"Bariwjwj! Thiksnsnzm ramnnnn is relll gdksksn"Napahalakhak ako ng malakas dahil sa kaniya.

"Ano?! Lunukin mo nga muna yan!"

"I said, this ramen is really good"

"AHHHH"

Endless Race Where stories live. Discover now