Little Lighthouse

94 2 0
                                    

cw: mention of death

"DRRIIING DRIIINGGGG!"

5am, December 30.

Tunog yun ng alarm ni Jeonghan from his phone na nasa bedside table niya. Sign na ng pagsimula ng panibagong araw niya. Dahil bata pa, gusto niya pa sanang i-extend ang tulog niya kahit ilang minuto lang. Pero, pag hindi siya bumangon, alam niyang ang kapalit non ay ang pagpasok ng Mama niya sa kanyang kwarto para mahila siya patayo at palayo sa kanyang kama.

"DRIIING DRII—"

Sa huli, walang nagawa ang binatilyong si Jeonghan. Tinigil na niya ang alarm bago pa nito masira and kanyang eardrums. Bumangon na siya, sinuot ang tsinelas, at pupungas-pungas na tumayo at nagpunta sa kanilang banyo para mag-shower. Ginising din ng maligamgam na tubig ang kanyang diwa kaya't pagkakatapos maligo at magbihis ay dumiretso siya sa kitchen ng kanilang cafe at munting hotel. Nakita niya roon ang kanyang Mama at ilan pa nilang kasamang empleyado na maaga pa lang ay busy na sa paghahanda ng mga agahan at iba pang kakainin ng kanilang mga guests. He made his presence felt when he reached and hugged his mother from behind.

"Good morning, my dear boy. Were you able to sleep well?" Tanong ng kanyang mama na ngayon ay humarap sa kanya para ibalik ang yakap niya ng isang mainit ding yakap. Tumango-tango ang bata habang bahagya niyang kinusot ang mata at mahinang naghikab. Even at thirteen, Jeonghan's mother still finds him and his gestures cute kaya she pinched his cheeks, got up at nagpunta sa may kitchen counter nila pansamantala. Pagkabalik kay Jeonghan ay may dala na itong baso ng gatas at plato ng pancakes.
"Kain ka muna breakfast anak, bago mo gawin ang task mo ha? Iwan muna kita dyan. Medyo marami tayong guests ngayon dahil malapit na ang New Year kaya maraming dapat asikasuhin."
"I understand po, Mama. Cheer up, I got this po! I love you po!" Masayang sagot ni Jeonghan habang kinakain ang pancake na gawa ng kanyang ina.
"Hay naku, ang bait talaga ng anak ko! Take care of yourself. Call me or Manang Seony if there's any problem. I love you! Balik na ko sa ginagawa ko ha?" With a final kiss and hug, bumalik na rin ang mama ni Jeonghan sa kanyang ginagawa habang naiwan siyang tinatapos ang kanyang breakfast.

*****

The Little Lighthouse

Pinangalan ito ng tatay ni Jeonghan sa kanilang munting hotel-cafe na sinimulan niya with his wife few months before Jeonghan was born. Little Lighthouse dahil sakto ito na nasa sentro ng siyudad ng Davao, at nagsisilbing short stop-over ng mga bakasyonista doon. It started as a small bed and breakfast house and cafe for a few people, until it grew and has established to be one of the few go-to hotels or cafe of people coming in to their province. Their four-storey hotel not only boasts of superb service however simple their accommodation and amenities are, but also the quality and taste of the food in their cafe - especially their desserts.

Kilala ang mama ni Jeonghan bilang batikang pastry chef sa bansa na may kabi-kabilang awards and recognition under her name. But upon discovering that she was already conceiving baby Jeonghan, she and her husband decided to stay in their hometown para doon niya isilang at nangakong palalakihin nang may buong pagmamahal at pangangalaga ang magiging anak nila. Doon na rin dinala ng kanyang ina ang talento niya sa kanilang itinayong cafe at hotel. Baon ang kanilang savings, hard work, perseverance, and a bit of luck, they were able to make a fortune enough for them and Jeonghan's future in a short span of time.

But unlike those cakes that Jeonghan's mom have baked, not everything in their lives is sweet and tasty. Dumaan din sila sa isang matinding pagsubok. The day after his seventh birthday, his father left them so suddenly due to heart attack. Even though they were fortunate enough na ipagpatuloy ang buhay nilang mag-ina dahil sa mga naipundar nilang mag-asawa para sa pamilya, life hasn't and will never be the same as before.

Hindi rin nagtagal ang kanilang pagluluksa at pangungulila dahil may Little Lighthouse pang naghihintay sa kanila. At dahil malaking bahagi ito sa mga alaalang iniwan ng kanyang ama, nangako silang mag-ina na pangangalagaan nila ito nang magkasama. Kahit malungkot, unti-unti rin silang bumangon mula sa mga nangyari dahil sila ay magkasama at magkaagapay. Jeonghan's mother took the responsibility of managing their business. Doon na rin sila nagsetup ng separate room katabi ang hotel upang makatipid sa gastusin at hindi rin masyadong mapabayaan ng mama niya si Jeonghan. Ramdam ni Jeonghan ang hirap ng responsibility ng mama niya kaya at an early age, he learned to become independent to support his mother. And during his free time from school, he also helps in their hotel which his mother greatly appreciates. He's been continuing this until now that he is at age thirteen, lalo ngayon na bakasyon sila.

*****

Pagkatapos niyang mag-breakfast at hugasan ang kanyang mga pinagkainan, agad naman siyang pumunta kung nasaan ang mga rooms ng kanilang hotel. This was his usual task na vinolunteer niya sa Mama niya - ang i-oversee ang bawat floor para siguraduhing maayos, malinis at walang kalat ang mga aisle nito, bumati sa mga guests na makakasalubong niya sa kanyang pag-iinspect, siguraduhin na ma-assist sa mga taong sakaling humingi ng tulong sa kanya, at siguraduhin na walang nakagalaw o nakapasok sa mga unoccupied rooms. Mukhang mahirap pero para sa friendly at mahilig makihalubilong katulad niya, gusto niyang gawin iyon at nag-eenjoy siya. No one forced him, tulong na lang daw sa mama niya na halos wala na ring pahinga sa pag-manage ng kanilang business.

He normally starts from the first floor and this day was no different. He was already looking forward to end his task in satisfaction dahil wala namang siyang na-encounter na aberya o problema so far. Until he reached that one room at the far end of their topmost floor that peaked his curiousity.

Bahagyang bukas ang pintuan kaya nakasilip ang liwanag na nanggagaling sa loob ng silid na iyon. May narinig siyang boses ng isang babae na tila balisa. 'Mukha pa nga atang galing sa pag-iyak,' bulong ni Jeonghan sa kanyang isip. Aalis na rin sana siya dahil hindi naman siya ang type na nangingialam sa business ng mga matatanda hanggang sa nagulat siya sa mga sumunod niyang narinig. CRASH!

The Sweetest ThingWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu