Ng kompleto na kami ay nag pasya na kaming bumili ng pagkain. Isa isa kaming tinanong nila Gerone at Gavin... sila kasi ang nakatoka ngayon na bibili ng pagkain namin.

I was about to tell my order ng sumingit si Wise.

"Drin! Wag ka ng mag order, I cook for your lunch!" nakangiting sabi nito. Agad na nag ngitian yung mga g*go kong mga pinsan at kapatid. Tinignan ko lang naman si Wise.

This is not the first time that she cooked for me, and this is not the first time that I didn't eat the food that she cooked for me.

"Sinigang na baboy sa akin. Bilhan niyo na din ako ng mountain dew" tipid na sabi ko sa kambal na sila Gavin at Gerone. Napatingin naman sila Gavin at Gerone kay Wise na tumahimik.

"Err-okay eh ikaw Drei?" tanong nong kambal kay Drei. Napatingin ako kay Drei ng hindi ito nag salita. Nakita kong nakatingin ito kay Wise.

"Wala akong order"

"You're not going to eat?" kunot noong tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin saglit bago tumingin ulit kay Wise.

"I preferred what Wise 'cooked' for you. Is that okay with you Wise na ako na lang ang kakain ng niluto mo para sa 'kapatid' ko? Para naman hindi masayang yung effort mo this time" pag papatama sa akin ni Drei. Nairita ako sa sinabi nito. Lahat kami nagulat sa inakto ni Drei.

This is the first time na ginawa niya ito.

"S-sure" tipid na sabi ni Wise na nakayuko.

"Just think na ako si Drin. Magkamukha naman kami diba?" dagdag pa ni Drei. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Drei-pero binabangga na niya ako. Bakit dinidepensahan niya ang babaeng ito?! His just giving her a false hope! I'm giving Wise a cold treatment para tantanan na niya ako at hindi na masaktan pero patuloy nilang binubuyo sa akin si Wise!

Tulad ng sinabi ni Drei, siya nga yung kumain nong niluto ni Wise, na para sa akin. Nilabas nito yung lunch box. Umuusok pa iyon at biglang umalingasaw ang mabangong amoy ng ulam. Naikuyom ko yung mga kamao ko.

Sinigang na baboy iyon-paborito kong ulam. Napatingin ako sa sinigang na baboy na nasa harapan ko at nasa harapan ni Drei, hindi ko maiwasang ipagkumpara yung dalawang ulam na pareho lang naman pero bakit tingin ko mas masarap yung nasa harapan ni Drei?

Pinanuod ko si Drei habang kinakain nito yung niluto ni Wise. He keeps on saying na masarap iyon, at pinapatamaan niya ako. Alam kong hindi nag sisinungaling yung kapatid ko. Masyadong maselan sa pagkain si Drei, maarte ito at kung hindi masarap yung pagkain ay hindi nito pipilitin kainin yung pagkain. Lalaitin pa nito ang pobreng pagkain at itatapon pa sa basurahan.

"Kung alam ko lang na ganito ka kasarap mag luto Wise, sana pala ako na lang kumain nong mga nauna mong niluto para sa kapatid ko" sabi ni Drei habang patuloy lang ito sa pagkain.Nakailang bili na ito ng extra rice dahil kulang daw yung kanin na baon ni Wise. Pati yung extra rice na nasa plato ko ay kinuha nito. hindi ko tuloy maiwsang isipin na ganun na ba talaga kasarap yung luto ni Wise para mapakain ng ganyan karami si Drei?

"Grabe Drei ha! Nakailang kanin ka na!" reklamo ni Gerone ng pati yung extra rice nito ay kinuha ni Drei ng walang paalam

"you can't blame me dude. Kung ganito naman kasi kasarap yung ulam mo mapapa 'extra rice' ka na lang talaga!" nakangising sabi ni Drei.

"Tsk patikim nga ng luto ni Wise, hindi ko maiwasang ma curious" sabi ni Gerone

"Sure, para ma judge mo na din. I want to say na mas masarap siyang mag luto kesa sayo kaso baka mag tampo ka" pang aasar ni Drei kay Gerone. Culinary arts kasi yung course ni Gerone at sa aming lahat, siya yung pinakamasarap na mag luto.

Out of my LeagueWhere stories live. Discover now