Blind

2.8K 8 0
                                    




Audrey


Dali-dali akong tumakbo papunta sa counter ng hospital kung saan nagbabantay ang isang nurse. Hinihingal at halos mangiyak-ngiyak pa akong humarap sakaniya.




"K-Kiel Timothy F-Fierro. I-I'm his girlfriend." I muttered. Nag-uunahan na ang luha sa mga mata ko kaya halos manlabo na ang paningin ko. A middle aged woman immediately typed something on the computer.






"Room 375 po, Ma'am." Puno ng concern ang tingin niya saakin, naawa siguro dahil halos mangiyak-ngiyak na ako ngayon sa pagaalala sa boyfriend ko. Mabilis akong nagpasalamat bago tinakbo ang room 375.








"Love? Love?" Napahikbi ako nang makita ko siyang nakahiga sa hospital bed at halos ang daming nakakabit sa katawan niya. Mabilis akong nagpunta sa gilid niya bago ko siya tinitigan. He was sleeping peacefully. Patuloy ako sa pagiyak nang tahimik. I couldn't contain my emotions dahil sa pagaalala.






"Mr. Kiel Fierro." Pumasok ang isang doctor bago ako pinasadahan ng tingin. Naiilang man ay hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin.







"You are his?"





"I-I'm his girlfriend po, Doc." Mahina kong saad. He gulped. Parang natauhan.







"Malakas ang impact ng aksidente sakaniya, lalong lalo na sa mga mata niya. There is a high possibility of him, being blind. Masyado kasi itong napuruhan." Saad niya sakin. Napalunok ako.







"M-May pag-asa pa po ba siyang makakita kung sakali? O-Or ilang percent po kaya ang tyansang magising siya nang nakakakita pa rin?" I hopefully asked. Patuloy na nakatitig kay Kiel.








"We can't still say that since he isn't wake up yet, at para sa unang tanong mo, maybe we can find a donor kung sakali." Tumango na lamang ako.







"I have to go, I'll tell our nurses here to check on him, every hour. Just push the red button there if you need something." Itinuro niya pa ang pulang button sa gilid na uluhan ni Kiel. Tumango ako bago lumingon sakaniya at nagpasalamat. He was still staring at me intenly na ikinailang ko.





Pagkalabas niya ay agad akong humila ng upuan sa gilid at tinabihan siya. Kiel is my boyfriend for almost seven months. He wasn't my first boyfriend, but he became my world and the best when we became together. Mabait siya at talagang masasabi mong greenflag. I sighed.







"Kiel? Kiel?!" Humahangos na pumasok ang mommy ni Kiel kasama ang kapatid nitong bunso na si Kite. Mariin akong niyakap ni Tita at humagulgol sa balikat ko. Napaiyak na lang din ako.







"Oh god, Thank you for calling me immediately after you found out what happened to my son, anak. I'm so worried about him." Naiiyak na sabi ni Tita Kyla. Hinaplos ko siya sa likuran para mapakalma siya kahit papaano at siya na muna ang pinaupo ko sa upuan ko kanina.







"Is Kuya Kiel okay, Ate?" Puno ng kainosentehang tanong ni Kite. I smiled at her painfully. Hinila ko siya para yakapin at buhatin.







"Your kuya will be okay soon, baby." Mahina kong bulong sa bata. I kissed her forehead too.  Hindi pa man tinatanong ni Tita Kyla pero sinabi ko na agad ang sinabi sakin ng Doctor kanina. Maraming koneksyon ang pamilya ni Kiel kaya paniguradong kung sakali man ay makakahanap agad siya ng Donor pero patuloy pa rin akong humihiling na sana ay nakakakita pa rin siya pag-gising niya.







****



Ilang linggo na ang lumipas, hindi pa rin siya nagigising. Tahimik kong tinahak ang room niya, nakasuot pa rin akong uniform dahil kakagaling ko lang sa school. We are both 3rd year college student, Kiel was taking up Mechanical Engineering while I am taking up Tourism. Mahirap imanage ang time pero palagi akong sa hospital na gumagawa ng mga paperworks na kailangan sa klase. Hindi naman na nagkumento sila mommy dahil kahit mismo sila ay nagaalala kay Kiel.







"Hi, love. I'm back." Mahinang sabi ko pagpasok. Ibinaba ko ang bag ko sa table, ipinalipat siya ni Tita sa isa sa malaking room dito sa hospital. There is also a sofa bed here kaya talagang kahit papaano may space ako pag dito ako matutulog. May cabinet din kaya dun nakalagay halos lahat ng gamit ko.






I leaned to him and kiss his forehead. "I'm gonna eat muna love while I am still making chika to you okay?" I softly said. Lumayo ako at pumunta sa table para kumuha ng makakain.







"You know what, I got the highest score kanina sa isang major namin. It wasn't that hard naman kaya wala akong mali." I smiled at him, alam kong naririnig niya ako kaya patuloy ako sa pagkwento kahit alam kong di siya sasagot. "Sometimes I'm missing you being clingy or before diba sinusundo mo po ako sa labas ng room namin after dismissal niyo? I kinda miss those na love." I pouted. Hinalo ko ang chocolate drink na tinimpla ko bago at kinuha ko rin ang cheese bread bago umupo ulit sa tabi niya.








Ganito lang ang routine ko sa mga nagdaan na linggo. Hinding-hindi ako magsasawa na maging ganito hanggang sa magising si Kiel.







Bumukas bigla ang pinto at naabutan ako ni Doc Philip sa ganoong pwesto. I smiled at him a bit, before looking at my Kiel again.









"I'm really amazed, Miss Martinez. Parang araw araw ka na yatang nandito." He joked. Philip Zapanta is his name. Kaya pala siya familliar dahil isa sa mga professor before sa University namin ni Kiel. He was kinda feeling close to me but hindi ko nalang pinapansin.









Nginitian ko na lamang siya at hindi umimik. "Hindi mo man lang ba ako kakausapin?" He smiled again. Nagiging uncomfy na ako sakaniya nitong mga nakalipas na araw. One time i caught him staring at my legs and chest while still trying to explain what was Kiel's condition. Naiilang ako at nababastusan pero wala akong magawa. Ayoko ng gulo besides as long as hindi niya ko hahawakan, wala akong pakialam. Si Kiel ang priority ko ngayon.










"Any improvements po kay Kiel, Doc?" Hindi ako makatingin sakaniya.








Naramdaman kong papalapit siya sa pwesto ko. Halos ang masitayuan ang balahibo ko sa katawan ng hawakan niya ako sa balikat. "Relax." Bulong nito. Mabilis akong tumayo at lumayo sakaniya. Natatawa naman itong tumingin sakin.









"Stop what you're doing." Mariing sabi ko. Nanginginig pa rin sa pandidiri. He chuckled. "Calm down, Drey."








"Stop calling me Drey." Mahinang sabi ko. Only Kiel can call me that.  Hindi ko na siya pinansin pa hanggang sa may pumasok na nurse at ipinatawag siya. Hindi na rin ako nagkiming kausapin pa.









"Babalikan kita mamaya, Audrey." Yun lang at umalis na siya.








My sight became cloudy as tears falling from my eyes. I held Kiel's hand. "L-Love.. wake up ka na please, alis na tayo here. I'm so scared of that Doctor. I'm trying to be strong lang but nababastusan na ako sakaniya." Hikbi ko. Pakiramdam ko kahit titig palang ng Doctor na yon ay talagang nahahalayan na ako.








Yumuko ako at patuloy na umiyak. Ilang minuto ang tinagal ng iyak ko hanggang sa makaramdam ako ng may humahaplos sa ulo ko. "K-Kiel?" Mahinang bulong ko at tinignan siya. Ganun na lang ang pagiyak ko nang makita ko siyang may malay ngunit diretso lang ang titig niya.









"L-Love? W-Why.. B-Bakit madilim? B-Bakit wala akong makita?" Namumuo na ang mga luha sa mata niya.









Oh my god, Kiel..





End of Part 1

RANDOM STORIESWhere stories live. Discover now