"Of course! Pero kase number one fan ako ng love team niyo eh... Tsaka isa pa, noon pa yun. Past is past dapat di na binabalikan."

"Yun nga eh, past is past dapat di na binabalikan kaya sa tingin mo babalikan ko pa ang heartbreaker na yon?"

"Why not di'ba? I mean, I know you still loves him." Nakangising aniya

Sarap mong sabunutan kung alam mo lang

"What the heck are you saying?" Naiirita nang tanong ko

"I don't love him anymore. So, stop shipping us because that's not gonna be happen."

"Oh sige na, ikwento mo na ang naganap sa inyo kanina."

"Tsaka na, inaantok na ako." Pagod kong sabi sabay humikab

"Hep!" Pigil niya sa akin "hindi ka matutulog ngayong gabi, ikukuwento mo ang lahat lahat sa akin. Hindi ako makakatulog no!"

Napairap naman ako at binalewala na lamang ang pinagsasabi niya. Tumayo ako at kinuha ang bag ko para makapagpahinga na

"Bukas na. Pagod ako ngayon. Maraming ginawa sa opisina, hayaan mo muna akong magpahinga." Bakas sa tono ng pananalita ko ang pagod at antok

Ngumuso naman ito at hindi na ako muling kinulit pa.

"Psh! Sige na nga! Dapat bukas kumpleto ang kwento mo ah? Walang bitin, kulang o Kahit sobra man lang." Nagtatampong sabi niya

Tumango na lamang ako at nagtungo na paakyat sa kwarto. Nang mabuksan ko ang kwarto ko ay kaagad akong dumiretsyo sa aking higaan at ibinagsak ang katawan ko dahil sa pagod.

Hay salamat makapag pahinga na rin!

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata dahil sa antok ay bigla na lamang lumitaw ang kaniyang mukha sa aking isipan. Bigla naman akong napaupo at inis na napakamot sa aking nagulong buhok sa pagkakahiga

"Ano ba naman yan! Matutulog na nga lang ako Ikaw pa rin ang pinapakita ng isip ko." Saad ko, kausap ang sarili

Hindi ko makalimutan kung paano niya ako tingnan kanina, para bang sobra siyang natuwa at nasabik sa aking mukha base sa pagkakakita ko sa kislap ng mga mata niya nang kami ay magkatitigan. Para bang tumigil ang mundo at kami nalang ang tao nung mga oras na iyon sa tagal ng pagkakatitigan ko sa kanya para sa akin ay napakatagal na ng pagtitigan na iyon kahit na ilang segundo pa lamang ang lumilipas.

Puno ng pagtatanong ang aking isipan ngayon matapos ko siyang makitang muli makalipas ang siyam na taon. Lalo siyang gumwapo at naging matured ang dating niya kahit noon pa man. Napakalaki na ng katawan niya na mapapaghalataan na maalaga na siya sa kaniyang katawan at healthy lifestyle ang peg.

Wala masyadong pinagbago sa kanya, ganoon pa rin ang mga labi niya na kulay pink na Rosas, mga matang kulay tsokolate at para bang nangungusap tuwing titigan mo ito napakaganda kaya hindi ko kayang titigan ng ganoon katagal. Ang mga nagbago lamang sa kanya ay ang paglaki ng kanyang katawan na parang alagang alagang gym at ang tangkad niya na halos hanggang balikat niya lamang ako.

Parang naging kdrama ang ganap sa akin kanina, nang makita ko ang mukha niya halos lahat ay muling nagflashback sa aking isip at mga alaalang matagal ko nang gustong makalimutan ngunit hindi nangyari, Kahit gusto ko mang kalimutan pero ang nakaraan ay parati pa rin akong binabalikan.

Ipinikit ko na lamang ulit ang aking mga mata upang makatulog at Kahit nasa ilang minuto ay makalimutan muna kita at sana mapagtanto ko na panaginip lang ang mga nangyari kanina lang. Ayoko nang masaktan muli sa pagibig. Naoakahirap nang magtiwala ulit sa mga tao lalo na sa mga bunganga nilang sanay na sanay na sa mga matatmis na salita na ipinapakita lamang nila kapag nanliligaw lamang sila. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at marinig ipinikit ang aking mga mata upang ibahin kung sino ang nasa aking isipan.

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now