Chapter 2

302 27 0
                                    

Chapter Two

Sky's PoV

"Leigh, halika dito, your Tito Lucas wants to see you."

Hindi pa rin natatapos ang birthday celebration ng kaibigan ni dad. Nakaupo lang ako dito kanina pa nang tawagin ako ni mom

Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan ni mom

Nang makalapit ako kay mom ay agad ko itong tinanong "bakit daw?" tanong ko

Ngunit wala akong nakuhang sagot at tanging ngiti lamang ang kanyang itinugon sa tanong ko

bakit kaya?

nakita naman ako ni tito na nasa tabi ni mama kaya nginitian niya ako, nilapitan ko naman si tito

kinuha ko ang kamay ni tito para magmano " hello po." bati ko

natawa naman sila sa ginawa ko, bakit may nakakatawa ba sa ginawa ko?

"Leigh, masyado pa akong bata para sa mano" biro ni tito

natawa naman ang ibang bisita.

"nakasanayan ko na po kase," aniko

"No problem, hija," sabi ni tito

"Dalagang dalaga ka na talaga nung huling kita pa namin sayo ay bata ka pa lang, ngayon ay napaka ganda mo pa rin lalo na ngayon. It's been 10 years, Napakatagal naming nawala at napakarami na ring nagbago."

Ngumiti na lamang ako.

yeah It's been ten years since they left, and there's someone pop in my mind the one who left me 10 years ago. The one who used to be important to me.

nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa naging buhay ko at kung ano ano pa. Matapos iyom ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina.

Habang magisa ay napaisip na lamang ako bigla.

kamusta na kaya siya? ayos na kaya siya? o baka may bago na?

Ano bang pakialam ko kung meron na siyang iba? Bahala siya, buhay niya naman 'yon!

nabalik ako sa ulirat nang may tumapik sa akin, hannah

umupo ito sa tabi ko "Uy, besh ba't nakatulala ka?" tanong niya

di ko namalayang nasa tabi ko na pala siya, para namang kabute 'to kung saan saan sumusulpot

"Ay gaga, ba't ka umiiyak?"

huh? umiiyak ako?

tumalikod ako at hinawakan ang mukha ko, gagi may luha nga, ba't naman ako umiiyak?

kaagad ko namang pinunasan ito gamit ang palad ko. Mukhang bumabalik na naman ang problema ng mata ko.

"Anong pinagsasabi mo? hindi ako umiiyak," katwiran ko

"At ako pa talaga lolokohin mo?" taas kilay nitong tanong

"Leigh, kilala na kita simula pa nung bata pa tayo kaya wag mo kong maloko loko dyan." sabi niya

napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kanya, hayst

"Yung mata ko nga kasi 'yon, bumabalik na naman eh,"

Umayos na lamang ako ng upo. Biglaan namng sumama ang pakiramdam ko.

"Hannah, hawakan mo nga yung leeg ko kung mainit ba,"

Ginawa naman niya ang sinabi ko.

"May lagnat ka!"

Ahh, kaya pala pakiramdam ko masama pakiramdam ko ay may lagnat pala talaga ako.

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now