Chapter 12

177 16 3
                                    

Chapter Twelve

Natapos ko na ang gawain ko. Nag stretch ako ng katawan nang matapos ko iyon, mga daliri at ang legs ko na pagod na sa kakaupo at ang likod ko na buong hapon na nakasandal lamang sa swivel chair.

"Sa wakas tapos narinnnn!"

Tinawagan ko si Harold at sinabing pumunta sa opisina ko. Wala pang ilang minuto ay nakarating na siya

"Harold tapos ko na," nakangiting sabi ko

Nagulat naman si Harold.

"Lahat p-po?" Gulat na tanong niya

Tumango ako.

"Oum, lahat." Natatawang sambit ko

Halata talaga sa mukha ni Harold ang pagkagulat. Kinuha ko ang mga dokumento at mga papeles na tapos ko ng pirmahan.

"See? It's all done!" Masayang sabi ko

Napangiti naman si Harold sa akin. Lumapit ito at binitbit ang mga papel ng walang kahirap hirap.

"Nakakatuwa naman kayo ma'am, ang bilis niyo lang po ito natapos kung ako siguro ang gumawa paniguradong bukas pa matatapos." Biro pa niya

"Sus, Antagal ko ngang natapos, pagpipirma pa lang ang ginagawa ko inabot pa ako ng hapon."

Alas Quatro na ng makatapos ako sa trabaho ko. Sinabi sa akin ni Harold na ipinapapunta ako ni dad sa office niya.

Hindi na ako nagabala pang magayos at dumiretsyo na ako papunta sa opisina ni dad. Sumalubong sa akin si Harold na nasa harapan ng opisina ni dad. Lumapit ako upang tanungin kung nasa loob ba si dad.

"Harold, naandyan ba si dad?" Tanong ko

"Yun nga po sana ang sasabihin ko sa inyo, wala po ang daddy niyo may meeting pa po siya,"

Tumango naman ako.

"Pero, ang sabi nman po ng daddy niyo sa lob na daw po kayo maghintay kase po may darating din po na magiging business partner niyo."

"Business partner?"

Tumango ito.

"Iyon po ang sabi ng daddy niyo,"

"Wala bang sinabi si dad kung sino yun?" Tanong ko

Umiling naman ito.

"Wala po eh, ang sabi lang ay maghintay na lamang po kayo sa loob at baka daw po dumating ang business partner niyo." Sagot nito

"Sige, Salamat Harold."

Ngumiti ito sa akin at umalis na. Pumasok na ako sa opisina ni dad at umupo muna sa couch habang naghihintay.

Malaki ang opisina ni dad kumapara sa opisina ko dahil dalawa sila dito ni mom. Ayaw ni dad na paghiwalayin ang opisina nila dahil madali niya lamang mamiss ito. Minsan natatawa na lamang ako sa inaasta ni dad kase minsan nagseselos siya kapag may nakikipagtawanan kay mom

Napaka selosa ni dad. Ang kwento ni mom sa amin ay napaka possessive at seloso ni dad noon kahit hanggang ngayon pa din naman. Hindi maiwasan na hindi mapuri si mom na maganda dahil Kahit na nasa 50s na siya ay litaw na litaw pa rin ang ganda nito, kaya naiintindihan ko si dad.

Kaya hindi na nakakapagtaka kung kanino nagmana ang mga kuya ko pagdating sa pagiging seloso at pagiging possessive ng mga yun.

Ang dalawa kong kuya ay single pa din at wala pa sa isip na magkaroon ng girlfriend dahil ayaw nila sa commitment kaya medyo playboy. Ang isa naman ay mayroon pero mukhang nagkakalabuan dahil nagiging cold na ang babae sa kanya. Sa lahat ng mga girlfriends ng mga kuya ko ni-isa ay wala akong nagustuhan kase lahat ay gusto lamang ang yaman at itsura ng mga kuya ko.

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now