Chapter 10

221 14 0
                                    

Chapter Ten.

Kanina pa ako dito sa labas dahil sa hinihintay ko ang driver na ipinadala ni dad. Magdadalawang oras na ata akong nakaupo rito kakahintay sa driver

"Bat wala pa rin?" Inis na tanong ko sa hangin

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung nagchat na ba ang kaibigan kong si Hannah. Sabi niya kase kahapon ay sasamahan niya ako sa first day ko as a CEO of our company

Ayoko talagang sundin si dad kaso ayaw ko rin namang pag-awayan namin ito dahil lang ayoko pero di ko naman maiwasang di mainis Kay dad lalo na kapag binabanggit niya ang tungkol don tuwing kakain kami, at kung magkasama kami

Palagi niyang pinapaalala sa akin na ilang araw nalang kailangan ko nang maging seryoso sa trabaho which is ginagawa ko naman talaga Kahit sa pagtuturo.

Business ay napaka seryosong bagay lalo na ang pagiging CEO ng kompanya. Ikaw Ang magdedesisyon at Ikaw Ang mamamahala ng buong kompanya na pinamamahalaan mo.

What if...ipakasal ako sa anak ng business partner ni dad?

No! Di ako papayag! ayoko! It's a big no!

Hindi naman siguro gagawin ni dad yun, diba?

Habang iniisip ko ang mga bagay na pwedeng mangyari mayamaya ay dumating na ang pinadala na driver ni dad. Walang pasabi sabi ay binuksan ko ang pintuan ng backseat at doon umupo.

"Kuya, Tara na po." Sabi ko nang hindi man lang ito tinapunan ng tingin

Hindi kami masyadong makausad dahil sa sobrang traffic hindi na makadaan ang ibang mga sasakyan dahil sa malaking truck na nasa bandang harapan.

"Ma'am, mukhang matatagalan po tayo bago makarating doon." Sabi ni kuyang driver habang nakatingin sa harap

Kumunot naman ang aking noo dahil sa pamilyar na boses na narinig.

Teka lang, bakit parang pamilyar ang boses na yun?

Lalapit na sana ako para tanungin at tingnan ang mukha ni kuyang driver nang tumunog ang cellphone ko sa tabi ko. Nagaalinlangan akong Kunin iyon pero tumunog na naman kaya wala na akong nagawa kundi sagutin ang tawag na iyon

"Hello-"

"Nasan ka na? Kanina pa ako dito. Ang tagal tagal mo aba!" Bulyaw sa akin ni Hannah

Napairap naman ako sa hangin dahil sa kanya.

"Traffic dito."

"Bilisan mo na kanina ka pa sa akin hinahanap ng mom mo."

"Oo na. Papunta na nga eh."

"Sige na babush na muna, may tumatawag sa akin." Pagkasabi niya non ay ibinaba na niya ang tawag

Nauna na pala siya pero di man lang nagsabi

Nawala na sa isip ko ang dapat kong gawin kanina. Umusad na ang traffic at umandar na kami ni kuyang driver para syempre makarating agad

"Kuyang driver, bago ka lang ba? Paramg ngayon lang kase kita nakita." Basag ko sa katahimikan ng paligid

Nabubugrong ako kaya naisipan ko na lamang na kausapin si kuyang driver. Baka kase akalain niya nangangain ako ng tao kaya hindi niya ako kinakausap man lang.

Kase di'ba mayroong driver na madaldal? Katulad na lamang ng driver ni Hannah.

"Opo, ma'am. Dalawang linggo pa lamang akong driver," sagot namn ni kuyang habang nagmamaneho

Pamilyar talaga ang boses ni kuyang driver, saan ko ba narinig?

Tumango naman ako "Kuya, nagkita na ba tayo noon?" Kuryosidad na tanong ko

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now