Chapter 8

240 20 0
                                    

Chapter Eight.

Sky's PoV

Habang papalapit ako sa kanila ay nadatnan ko silang nagtatawanan at nagkukulitan.

Mukhang nagkakasiyahan sila dinig ko ang matinis na boses ni xyleneth mas dinaig pa ang microphone.

"Bakit di ka sumali sa kanila?"

Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko. Nang mapagtanto kung sino iyon ay sumama naman bigla ang timpla ng mukha ko.

Ano ba naman yan, nandito pa din 'to?

I rolled my eyes and ignored him. I just focused to the kids who are enjoying the toys that xy bought for them.

Nang magtagal ay naisipan ko munang maupo.

Buti nalang pala sumama ako papunta dito dahil nagkaroon ako ng chance to help and also to make them happy even in small things.

Napangiti naman ako nung makita ko ang mga batang nasisiyahan dahil sa mga natanggap nilang regalo.

"I hope that these kids will never ever be hurt by this cruel world. They're so precious, cruel world don't deserve these little angels." I told to myself while looking at them

Ayan tuloy namimiss ko na ang childhood ko hayy...

Xyleneth is a soft hearted person Hindi man minsan halata dahil nga minsan may parang sayad siya sa harap ng iba. Iniiba niya ang sarili niya sa trabaho. Iniiba niya ang personal life sa trabaho at hindi siya gaanong kadaldal sa ibang tao pero kapag nakasundo mo siya dun ka makakakita ng taong may kakayahang maging armalite ang bunganga

Habang nagmumuni muni at nagiisip ay may naramdaman naman akong mabigat na dumagan sa katabi ng inuupuan ko. Nilingon ko naman iyon.

"Ikaw na naman?"

Ngumiti ito at kumaway. "Hello. We meet again, don't you think that we're destiny to be together?"

Inirapan ko naman ito. Napabuntong hininga na lamang at hindi na siya kinausap.

Walang saysay kung sasayangin ko ang laway ko sa lalaking 'to.

Hinayaan ko lang siyang magdaldal at kung ano ano lang ang gawin dahil wala naman akong pakialam.

Mga ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko ang dami niyang ginawa na kung ano ano para lang makuha ang atensiyon ko ngunit bawat galaw niya ay hindi ko na lamang pinapansin at nagisip na lamang ng kung anu-ano.

Nagulat naman ako ng biglang itinaas ng mokong ang paa niya sa lamesa at nilapit sa mukha ko.

Ang kapal naman ng mukha nito!

Nilingon ko naman ito at sinamaan ko ito ng tingin at tinulak ang paa niyang malapit sa mukha ko gamit ang aking dalawang kamay.

"Ibaba mo nga yang paa mo! Ang dumi dumi ng paa mo tapos ilalapit mo pa sa mukha ko." Inis na sabi ko sa kanya sabay tinaliman ng tingin

Natawa naman ito at kaagad din napalitan ng seryosong ekspresiyon ang mukha niya

"Buti naman pinansin mo na ako," sabi nito at inayos ang upo niya sabay baba ng paa niyang pinatong niya kanina

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now