Chapter 4

279 21 0
                                    

Chapter Four.

Sky's PoV

Nandito na ako ngayon sa bahay umuwi ako ng maaga dahil pinauwi ako kaagad ni mom may sasabihin daw ito sa akin na importanteng na bagay.

nakaupo ako ngayon dito sa sofa habang hinihintay si mom dahil sa importante na sasabihin ni mom

ano kaya ang bagay na yun?

"mom?" tawag ko

wala pang isang minuto ay dumating na si mom kaya agad akong tumayo para salubungin siya ng yakap ngunit nang yayakapin ko palang sana siya ay nakita ko ang seryosong ekspresyon nito kaya napatigil ako at umatras ng kaunti mula sa kanya

bakit? may ginawa ba ako?

"Ba't ganyan ka makatitig, mom?" takang tanong ko rito

yung titig niya kase parang nilalamon ako at yung titig na yun parang gusto rin akong lunukin

lumakad naman ito papunta sa akin ngunit nilagpasan niya ako at umupo sa sofa na inupuan ko kanina naglakad na rin ako papunta sa kanya at umupo sa tabi niya

"Nak, totoo bang tinakot mo yung ka-date mo?"

Nanlaki naman ang mata ko at nagiwas tingin. Itinuon ko ang atensiyon ko sa katabi kong halaman.

"Ang ganda naman ng halaman mo, mom sobrang healthy. Parang gusto ko na din tuloy maging plantita." pagiiba ko ng usapan

Aba nagawa pa ngang isumbong ako matapos 'yon?

Buong akala ko ay maililiko ko ang usapan ngunit nang tiningnan ko ito ay nanatili ang seryosong ekspresiyon sa kaniyang mukha.

"Tigilan mo 'ko, Skyleigh. Di mo ako madadaan diyan sa mga halaman,"

"Ihh, mom naman kasi... di'ba, I already told you na I don't want to date or meet someone anymore? Wala naman akong natitipuhan sa mga nirereto mo eh,"

"Kahit na, you shouldn't do that. Nang dahil sa ginawa mo ay nahimatay pa." sermon niya

Sa edad kong 'to nasesermunan pa din ako hayss

"It's not my fault If he's scared to white lady." Natawa ako

Ngunit kaagad din napawi nang makita ang seryosong mukha nito. Napatikom ang bibig ko dahil doon.

Napailing na lamang ito sa akin.

Tumango naman ako bilang pagsang ayon. Napangiti naman ako nang may maisip ako. Umayos ako ng upo medyo lumapit ng kaunti kay mom.

"I'll never do that again, promise. Basta ba hindi niyo na ako i-s-set ng date, deal?" nakangiting tanong ko

Ngumiti naman ito sa akin at buong akala ko ay sumasang ayon siya sa sinabi ngunit dahan dahan niyang inabot ang kaniyang tsinelas.

Oh sh*t! Run!

Kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto ko.

"At talagang nakipag deal ka pa sa aking bata ka!" bulyaw niya

Thank goodness 'di ako naabutan dahil kung nagkataon sa tanda kong to may latay pa ako nang tsinelas ng mom ko.

Ang kulit kulit ng mommy ko kahit kailan talaga.

***

"Leigh, dumating na pala ang kumare kong si isabel actually kakabisita ko lang doon nung isang araw." ani mom

napalingon naman ako dahil roon. The name sounds familiar, though.

"Sinong isabel, mom?" tanong ko habang nakatingin kay mom na kasalukuyang nagdidilig ng mga anak niya ang kanyang mga halaman na pinkamamahal niya

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now