Chapter 6

247 19 0
                                    

Chapter Six.

Xyleneth PoV

"Ma'am saan po ito ilalagay?" tanong sa akin ng kasama ko sa pagbabalot ng mga regalo para sa mga batang bibisitahin ko sa charity na sinusuportahan ko noon pa

Napapangiti ako sa tuwing magflaflash sa mind ko ang mga ngiti ng mga bata after nila mareceive ang small gifts ko for them nakakatouch na magsabi sila ng thank you for what they received even though it is just a small thing

"D'yan nalang sa kahon na puro stuff toys at yung mga damit naman ay doon sa isang box sa kaliwa." Tugon ko sa kanyang tanong at itinuro kung saan niya ilalagay ang mga iyon

Tumango siya tsaka bumalik sa pagaayos ng mga damit at laruan na binili ko para sa mga bata

Nagbabalot ako ng mga ibang regalo para sa mga Madre na nagaalaga sa kanila ka-close ko na rin sila lagi ko silang kakwentuhan tuwing pumupunta ako doon lalo na yung mga ka-age ko doon katulad ni Mary ka-vibes ko rin yun magkasundo kami sa lahat ng bagay

"Xy, may kasama ka bang pupunta roon?" Napalingon ako sa nagtanong at nakita ko ang nakatayo at tumitingin sa ginagawa namin ibinalik ko ulit ang tingin ko sa aking gawain

"Meron naman, si Leigh tsaka kung sasama man si James, edi mas okay." Sagot ko

"Ano oras kayo aalis?"

Napatigil ako at lumingon sa kanya taka ko naman tong tiningnan at pinanliitan ng mata

"Gusto mong sumama, no?" Tanong ko nag-iwas ito ng tingin na ikinangisi ko

Nahihiya pa sa akin, grabe parang di kami magkapatid ah

"Sus, nahiya ka pang magsabi ate Ikaw tong mas matanda sa akin pero Ikaw tong napaka taas ng pride magsasabi ka lang naman ng 'xy, pwede ba akong sumama?' ganun lang di naman mahirap di'ba? Tsaka ate parang di mo naman ako kapatid at kadugo aba nahihiya ka pa sakin-"

"Oo na!" Sukong sabi nito na ikinangisi ko lalo "gusto kong sumama kase wala naman akong magagawa dito sa bahay wala din naman si James eh sabi niya sa akin kanina bago siya umalis hindi daw siya sigurado kung makakasama siya dahil sa dami ng ginagawa niya sa coffee shop kaya eto nagvo-volunteer ako na sumama since wala rin naman akong gagawin," Sabi nito tsaka nagpilit ngiti

Grabe parang natatae ang ngiti eh

Napangiwi naman ako sa mukha niya ngayon para kasing napipilitan lang eh o di kaya parang natatae na ewan dahil sa parang pilit lang ang ngiti niya sa akin

"Huy ano ba yan ate, para kang natatae pilit ang ngiti mo aba." Inis na sabi ko rito

Bigla namang akong natigilan ng tumawa ito

Weh? Si ate tumatawa? For real?!

Gulat ko naman itong pinakatitigan habang naiwang nakabukas ang aking bibig

"Anyare sayo? Para ka namang nakakita ng di-normal na bagay diyan." Masungit na ani nito

"Oo nakakita talaga ako at ayon!" Sabi ko at itinuro ang nakangiti niyang mga labi

Bigla na lamang nawala ang ngiti niya at lumakad palayo sa akin

"Bilisan mo na ang daldal mo masyado!" Sabi nito

Napangiti na lamang ako at tiningnan na lamang siya habang lumalakad papalapit sa mga kasama kong magbalot ng mga regalo

Kunwari pang cold eh magka-parehas lang naman tayo ng ugali tsk!

Nang matapos ko ang ginawa kong pagbabalot at paglagay nito sa isang malaking box ay tinawagan ko na si raine para makapaghanda na siya at masundo ko na.

First Love (Ongoing)Where stories live. Discover now