Maybe we really not meant to be with each other. Baka tama nga sila na pumasok lang kami sa buhay ng isa’t-isa para may matutunan kami sa buhay at lesson na wag padalus-dalus kung saan masaya ka sa una. Mas mabuting tignan, at siguruhin mabuti na iyang saya na iyan ay habang buhay ng maipaskil sa labi mo.

Napakagat na lang ako sa labi para hindi malaglag ang mga luha sa mga mata ko. Ang saya niya, kaya niyang ngumiti doon na para bang walang kasalanan. Kaya niyang ipakita na hindi nga talaga ako karapat-dapat sa isang katulad niya.

Ang unfair...

“Misty,”tawag ni Tita Meling ang nakapagpalingon sa akin sa kanila.

“Po?”mahinang tanong niya kaagad makikita din sa mga mata niya ang pag-iyak.

Dahil may kasama ding babae ngayon si Sir Shawn. Hindi ko alam kung sino ‘yun dahil ngayong araw ko lang siyang nakita na may naiuwing babae.

Baka girlfriend? Tsk, magkapatid nga talaga silang dalawa ni Sage! Mga mapanakit.

“Pumunta kayo sa palengke ni Maria, at bumili kayo nito.”sabay bigay ng papel sa kanya.

“Huh... pwede po bang si Aya na lang ang kasama ko Tiya?”tanong nito hindi man lang ako tinapuan ng tingin.

Napalingon naman sa akin si Tiya at napataas ang kilay kaya kaagad akong napaiwas ng tingin sa kanya.

“Sige, bilisan niyo lang.. ”iyon lang ang narinig ko bago sila lumabas ng kusina.

Kaagad ko naman nilinisan ang mga naiwang pinggan na kelangan hugasan sa lamesa para mamaya ay kunti na lang ang gagawin namin.

Hanggang ngayon ay busy pa din kami dahil kelangan daw ay presentable lahat ngayon dahil nandito ang pamilya Asuncion.

Medyo nakikita ko na din ang pagod sa mga mata nila pero syempre trabaho naming lahat ng to. We’re really create full kase mababait silang lahat kaso mapanakit naman dalawang anak nilang lalaki.

Mabilis pa sa alaskwatro kaming napasulyap sa pintuan. Hindi namin inaasahan si Sir Shawn na pupunta dito.

Napatikhim pa siya dahil nga nakatingin kaming lahat sa kanya.“I need Madeline with me...”saad niya sa malamig na boses.

Napakagat naman ako ng labi, sabay tayo ng tuwid sa kanya.“S—sir...bakit po?”utal ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagit pagkos ay tumingin siya kay Tiya Meling.“Can i have Madeline for a minute, Nanay?”paki-usap niya pa sa Tiya ko.

“Hindi mo ba hihintayin si Misty, may pinabili lang ako sa kanya sa palengke—”he cut her off.

“No. I want Madeline to insist me something..”saad nito kaagad.

Wala ng nagawa si Tiya kundi tumango na lang sa akin.

Kaagad naman akong tumalima ng tumalikod na siya’t lumabas sa kusina. Ayoko din namang magalit din siya sa akin pero inaalala ko si Misty kapag nakita niya kaming dalawa baka iba pa isipin non sa akin.

Ngayon pa man na may hindi kami pagkakaintindihan. Fuck! Ano ba ‘tong mga nangyayare sa buhay ko, para naman nasa telenovela. Ano ‘to! Magiging kontrabida ba ako sa dalawa. Jusko naman...

“Sir—”he cut me off.

“Don’t talk, just follow me.. ”malamig niyang saad sa akin.

Kinginaaaaa! Pwede bang dinggin niya muna ako kung ano sasabihin ko...

Hindi na lang ako nagsalita. Masama pa naman tabas ng dila niya. Nakakasakit din minsan kapag binubuka niya bibig niya sa akin.

Hindi ko namalayang lumabas na pala kami sa main door ng mansion nila. Kahit kating-kati ang bibig ko para magsalita ay itinikom ko ng sobra. Pumunta kaming dalawa sa kotse niyang kulay blue na mustang.

“Get in side.. ”saad niya na hindi man lang ako pinagbuksan.

Bakit sino kaba? Katulong ka lang niyan baee wag magimahinasyon...

Kaagad akong tumalima at pumasok sa passenger seat. Hindi pa din nagsasalita kahit nakalayo na kami sa bahay nila basta nandoon lang ako at nakatingin sa labas.

Nanlaki naman ang mata ko ng maalalang iniwan niya yung babaeng kasama niya kanina. Tangina baka magsapukan sila ni Misty. Bahala na nga lang, may sarili akong problema nu.

Ilang oras pa biyahe naman ng makita ko na kaagad ang Mall nilang pag-aari. Oo sa kanila ang SMV Mall kung saan pangalan nilang magkakapatid iyan. Mismong si Sage ang nagkwento sa akin.

Sage na naman! Move-on na bae, para kang tanga.

“Get out of the car, and follow me...”saad na naman niya ng nasa harap kami mismo ng mall.

Hindi man lang inilagay sa parking lot. At talagang sa iba pa niya ipapagawa. Mga mayayaman talaga. Kapag madaming pera talaga hindi na kelangan gawin ang mga ganito iyong babayaran mo na lang talaga sila..

Kaagad kaming pumasok at pinagtitinginan n siya ng mga babae. Para naman ang nanliit sa sarili ko kase hindi pa maayos ang damit ko kase naka pang-maid pa akong damit, kaya agad kong ibinaba ang ulo ko at sumunod sa kanya pero kaagad din napahinto ng mabangga ko ang kanyang likod kaya mabilis na napatayo ako’t umawang ang labi ko siyang tinignan.

“Pasensya po sir—”

“Halika dito sa tabi ko,”malamig niya lang saad sa akin.

Sinunod ko naman ang sinabi niya.“How are you and Sage?”saad niya sa katahimikan namin na papunta na kami sa 4th floor.

Napalingon naman ako sa kanya pero nasa harap pa din ang tingin niya. “Okay lang po... Sir.”mahinang pahayag ko.

“I told you before right, na ikakasal na siya.”paalala pa niya sa akin.

“Oo naman po, but i didn’t expect this Friday na pala ‘yun.. ”pilit pangmgiti ang ipinaskil ko sa labi.

“So what now? Hindi mo ba siya ipaglalaban, o kaya pwede kayong magtanan..”ani pa niya wala na ang malamig na tinig niya kanina.

Napailing naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko po iyon naisip at mas lalong hindi ko iyon kayang gawin lalo na’t mayaman din ang mapapangasawa niya at heto lang ako isang dukha..”pati salitang lumalabas sa bibig ko ay nasasaktan ako.

“Hindi mo tunay na mahal ang kapatid ko kung ganon.”himid niya ang pagdududa sa tuno pa lang.

“Mahal ko ‘yon.. ”saad ko na may ngiti. “Hindi ko iyon gagawin dahil lang sa hindi ko siya mahal kundi, may nauna na sa akin dati pa... Isa lang din ako sa naging babae niya para sa pangangailangan niyang init ng katawan.... Alam mo totoo lahat ng sinabi ni Ma’am Faith—”he cut me off again..

“Faith? You mean Violina, why? What did that bitch told you?”nakakunot-noo siyang nakatingin pa din sa harapan.

Natahimik ako kaagad dahil sa kadaldalan ng dila ko.“Haaa? Wala po sir...”kaagad kong saad sa kanya.

Doon lang siya lumingon sa akin.“You should be careful with that bitch, and don’t go near her she is a psychopath.”saad niya sa malamig na tinig.

venomoustail

My Innocent Maid (VIOUS SIBLINGS SERIES #1)✓Where stories live. Discover now