CHAPTER 21

2.9K 50 0
                                    

Chapter 21

HANGGANG ngayon kinakabahan pa din ako sa posibilidad na totoo ang sinabi ni Sir Shawn sa akin. Dahil mismong sa labi ni Sage lumabas noon isang araw na magpapakasal siya doon sa babaeng linta.

Pero heto ako’t naging boyfriend siya ng wala sa oras.

At higit sa lahat bakit hindi man lang sinasabi sa akin ni Sage about dito? Or sasabihin ba niya talaga sa akin? Shout i confront him?

“Ah! Fuck, bakit ko ba iniisip ‘to?”inis na ibinato ang walis.

“Baka masira iyan, ang mahal pa naman.”tinis ng babae sa likod ko.

Agad naman akong humarap,“Ma’am Mage!”gulat at agad na yumuko sa kanya.“Pasensya po,”nahihiyang kinuha ko ito.

“Got a problem? Kanina ka pa tulala diyan.”tanong niya.

“Nakoo Ma’am, wala ho.”agad na ani ko sa kanya.

“Just call me, Mage masyado kang pormal.”saad niya sa akin.

“Ganon naman po dapat diba? K-kase katulong lang kami?”tanong ko naman.

“Yes,”mahinang usal niya.“But we treat you all as our family too.”sabay tingin sa mata ko.

It warm my heart on what she said, kung ikukumpara ko silang tatlo? Siya ang magiging paborito ko sa lahat. Kahit boyfriend ko pa kuya niya.

Dahil ang Kuya Shawn niya ay may pagmalamig at mailap sa mga tao, depende rin ang kinakausap, at hindi ko pa siya nakitang may kaibigan na dinala dito. At ang Kuya Sage naman niya ay playboy kumbaga since nakita ko na siya dating may dinalang babae at mga barkada niya.

Habang siya naman ay nasa pagfocus ang pag-aaral. Kayang makihalubilo sa iba't-ibang tao mapa-matanda, bata, o kahit sino na pwede niyang kaibiganin.

“Huh, excuse me may gagawin pa pala ako sa loob.”saad ko nang masyado ko na siyang inobsebahan.

Hindi ko din napansin na kanina pa pala niya ako tinitignan. I was imagining things about her. But I can’t deny that she was really gorgeous! Para siyang living barbie doll. Mas naging kamukha niya din si Sir Lucas kesa kay Ma’am Sandra.

“Oh, hey! There you are!”boses ni Sage agad ang bumungad sa amin.

Agad namang nakakunot-nood si Mage,“What? Are you prefering to me?”ani niya sa kapatid.

“No—”i cut him off.

“Aba syempre naman ma’am—Mage pala.”utal na harap ko sa kanya.“Nakalimutan ko palang sabihin sayo na hinanap ka ni Sa—Sir Sage.”i composed myself para hindi maging pilit ang ngiti ko sa harap nilang magkapatid.

“The heck!”bulong na saad ni Sage buti na lang ako lang ang nakariing iyon.“Mom needs you in the office, ”bored niyang saad dito.

“Ooh? okaayy, see you then later Arianna.”malambing ang kanyang pagkakasabi.

Tumango naman ako bago sumagot sa kanya, “Sige, Mage pasensya na ulit.”humalakhak lang ang naging tugon bago niya kami tinalikurang dalawa ni Sage na hindi pa umalis.

Agad naman niyang hinap ang bewang ko sabay halik sa labi ko. Kaya simamaan ko siya ng tingin na ikinangisi niya lang.

“I’m jealous...”mahinang usal niya. “Your baby is jealous...”he emphasize the word.

Agarad namang nanghina ang mga tuhod ko. Kayat agad kong inilagay sa kanyang batok para makakapit ako, buti na lang at naka-alalay ang kanyang kamay sa bewang ko.

“You.. don’t have to be jealous, because I am always yours, b.. baby...”mahinang usal ko.

He froze a bit,“I love you, Mi Arianna.”malambing ang boses niyang bulong sa tenga ko.

“His going to married a few months from now, so be ready..”

Kaagad na sumagi sa isip ko ang sinabi ni Sir Shawn sa akin. Pero agad ko ding binalewala iyon ng mas higpitan pa niya ang yakap sa akin.

Don’t think to much, Arianna. Sasabihin niya din sayo kung ano man iyon. Hintay lang. You should trust him so he would trust you also.

“Maria!”malakas na sigawni  Tiya Meling ang nakapagpahiwalay sa aming dalawa.

Hindi pa dapat siya aalis kung hindi ko lang siya itinulak papalayo sa akin. Agad ko din kinuha ang walis na nasa kapag namin kanina. Pasimple pa akong nagwawalis na hindi man lang pinagtuunan ang masamang timpla ni Sage sa likuran ko.

“Tsk! Istorbo.”inis niyang bulong na agad ko siyang tinignan at ngumisi.

“Oh, Maria nandito ka lang pala—Señirito, magandang umaga.”mababakas ang gulat sa mukha nito.

“Magandang, umaga din Nay. ”mahinahin na ang boses.“Thanks for the help, Arianna.”baling naman sa akin.

Napakunot naman ako sa noo, thanks sa help? ni wala naman akong ginawa. Baliw ba siya. Hindi ko na siya natanong ng wala na siya sa harapan namin ni Tita Meling.

“Hindi mo daw sinasagot mga tawag ng mama mo?”tanong nito na siyang nakapagpatigil sa akin.“Aba Maria, hindi porket nakapagmaynila ka lang ganyan na ugali mo.”tuloy niya.

Ansakit. Parang pinunit ang puso ko sa kanyang sinabi.

“T—tiya... hindi naman po sa ganon..”mahinang usal ko.

“Kung hindi ganon e ano? sabihin mo sa akin Maria!”nagtitimpi ang kanyang boses.

“Busy lang ho ako, Tiya. Wag po kayong mag-alala at tatawagan ko sila mamaya.”usal ko.

“Siguraduhin mo lang, magpasalamat ka at alam kong palagi ka naman nagpapadala ng pera, kahit papaano.”saad niya sa akin.

“Opoo..”mahinang ani ko agad sa kanya.

Iniwan na niya ako sa labas. Dahil madami pa daw siyang aasikasuhin sa loob. Kabilang na doon si Misty, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap kahit nasa iisang bahay lang kami.

Nang maggabi na ay agad akong nagligo at nagbihis ng simpleng dress lang. Hindi siya ganon kaganda kagaya nung babaeng Kasama ni Sage noong pumunta sa bahay nila.

Nakakahiya man pero heto lang kase ako. At saka bumagay naman sa kutis ng balat ko, at buti na lang din humiram na kaagad ako kay Misty kanina. Simpleng pulbo lang at kunting liptint na red, strawberry flavor.

Alam ko sa oras na ito ay nasa kanya-kanyang kwarto na ang mga kasambahay. Ang mga Vious naman ay kanina pa nasa kanya-kanyang kwarto. Buti na lang at nangtext sa akin si Sage na siya na daw pupunta sa kwarto ko para kunin.

Isang oras. Hindi ko alam kung darating pa ba siya o hindi. I already texted him again pero hindi siya nakapagrepy hanggang ngayon.

Just more minutes, Arianna baka late lang...

Dalawang Oras. Para akong nawawalan ng pag-asa, kung pupunta pa ba siya o hindi. Sisipot ba o ano na? Hanggang sa namumuo na lang ang luha ko. Ni kahit isang text man lang hindi man ginawa.

Tatlong katok ang bumuhay sa akin. Agad ko naman pinunasan ang luha ko at binuksan Ang pintuan ng kwarto ko, and there he was the man I was waiting for 2 hours.

Agad nawala iyong pangamba ko at pati na din galit sa kanya. Hindi ko na agad sinayang pa at agad siyang sinuggaban ng yakap.

“Yo.. your.. late ... ”singhot na ani ko sa kanya.

“Sorry, love. I’ll explain. ”sabany halik sa noo ko.

rqueenious

My Innocent Maid (VIOUS SIBLINGS SERIES #1)✓Where stories live. Discover now