CHAPTER 6

3.7K 72 1
                                    

for da update ang ferson for todayyyss videyyooooo, and advance Merry Christmas and happy new year to all!

Chapter 6

NAPAKAGAT-LABI pa din akong nakatingin kay Sir Samuel hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ba iyong tinutukoy niyang kanina.

"fuck!"mahinang usal niya.

bastos ng bibig ah..

Tumikhim ako kayat napatingin sa akin si Sir Samuel,"Sir, ayos lang ba kayo? Gusto niyo po bang ihatid ko na po kayo sa kwarto niyo at ng makapagpahinga na ho kayo doon."saad ko sa kanya.

Hindi pinansin ang pagmumura niya, nagsimula na akong maglakad palapit sa kanya para maalalayan siyang lumakad.

Ngunit itinaas niya ang kanyang kamay para matigilan ako,"Sabi ko wala iyong kanina."malamig na namang aniya sa akin.

Tumango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya para na din matapos na at makapagpahinga na siya dahil alam kong wala pang tulog si Sir dahil sa mata niyang papikit-pikt na.

"Tara na sir?"pagpukaw ko sa kanya ng tingin.

"No, I can manage."hahakbang na sana siya patalikod ng bigla siyang natumba.

"Hala, Sir!"malakas na sigaw ko kayat napatakip agad ako sa bibig ko.

Naghintay pa ako ng ilang minuto kung may nakarinig ba o may lalabas sa kanilang kwarto, nakahinga ako ng maluwag at lumapit kay Sir na siyang nakahiga na sa lapag at hawak ang ulo't pang-upo niya.

Napailing na lang ako at mahinang natawa,"Halika na Sir, tulongan na kitang pumanhik sa kwarto niyo."sabay kuha sa kamay niya at tinulongang tumayo.

"Masakit ba, Sir?"tanong ko ng nakahawak pa din siya sa ulo't pang-upo niya.

"Yeah, it hurts so bad."ingles niya sa akin.

Kawawang nilalang, inom ng inom mabilis naman palang malasing..

Nang makatayo ay halos matumba pa kaming dalawa dahil sa pagyakap niya sa bewang ko. Huminga ako ng malalim at ginayak na siya palabas ng silid naming mga katulong, nadaanan pa namin ang kusina na siyang walang ilaw kaya't natagalan kaming makalabasa dahil hindi ko makita kung saan kami lulusot sa dami ng pintuan.

"hayy!"anas ko dahil nakalabas na kami sa kusina pero agad din akong nanlumo ng mapagtantong hanggang sa tatlong palapag pa iyong kwarto ni Sir Samuel.

dito ko na lang yata siya ibababa, hindi naman niya malalaman e'

Iniling-iling ko ang aking ulo dahil sa iniisip, katulong ako ng mga Vious kaya dapat tulongan ko din si Sir kahit mahirap man alam kong kakayanin ko 'to.

"Sir, wag ho kayo magpapabigat ha kase aakyat pa tayo at saka may konsensya pa naman ako."pagdadaldal ko sa kanya kahit na nakatulog na siya sa balikat ko.

"I..like you..Ariana.."mahinang usal niya pero rinig ko pa din kaya't nanigas ang kawatan ko dahil doon.

Ay layk u daw? Ano yun?

Kunot-noong binalingan ko si Sir,"Ano ho iyon Sir? Ok lang ho ba kayo?"sunod na sunod kong tanong sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita ng ilang minuto kayat bumuntong hininga na lang ako't pinanhik siya pataas sa kwarto niya. Kahit hingal na hungal man dahil sa kanyang kabigatan ay inis ko siyang pabagasak na ipinahiga sa kama niya ng makapasok na kami.

"Salamt lord!"aniya ko at pabagsak ding humiga sa tabi ni Sir Samuel.

Ipinilig ko ang ulo ko saka huminga ng malalim,"Kapagod pala kapag ganito kalaki iyong bahay."mahinang saad ko.

Nilingon ko si Sir Samuel sa kanyang pwesto, at ngayon ay nakaharap na ako sa kanyang mukha kung saan makikita ang malalaki nitong pilik mata, matangos na ilong at ang kanyang mapupulang labi.

Makikita din sa mukha niya ang taliwalas, hindi makikita ang mga malamig at natatalim niyang tingin.

"Ang pogi mo naman Senyorito."mahinang bulas ko sa kanya.

Matagal kong tinitigan si Sir Samuel, dahil alam kong ito na lang iyong pagkakataon kong makita siya ng malapitan. Gusto kong hawakan ang kanyang mukha pero hindi ko kayang magawa dahil baka magising ko pa siya sa kanyang pagtulog. At may kung anong pumipigil din sa aking gawin iyon sa kanya.

Akmang babangon na ako para maka-alis at makatulog na din ng bigla niyang pinalupot ang kanyang mga kamay sa bewang ko. Hinila niya ako palapit sa kanya na naging dahilan upang mapasubsob ako sa kanyang dibdib.

"S-sir!"gulat agad na saad ko sa kanya pero mahina lang iyon.

"hmm"ungot niya.

Tatanggalin ko na sana ng mas lalo pa niyang hinigpitan iyon, kaya hindi ako nakawala sa kanya. Hindi ko din namalayang nakatulog sa ganon posisyon dahil sa pagtitig ko kay Sir Samuel.

rqueenious

My Innocent Maid (VIOUS SIBLINGS SERIES #1)✓Where stories live. Discover now