CHAPTER 13

3.2K 56 0
                                    

NOTE: mas papabilis ko na iyong mga weeks niya dito para na din makapunta na tayo doon sa part kung saan madudurog ang damdamin ni Madeline kaya speed na us sa chapter na 'to!

Chapter 13

FOUR WEEKS has passed, at tinutoo nga ni ma'am Sandra na may magiging tuitor na magtuturo sa amin ni Misty. Pinagamit niya ang kanilang library na siyang nasa pangatlong palapag at siyang naging classroom namin sa loob lang ng apat na linggo na ang nakalipas. Sa unang pagtuturo sa akin ay sobra akong nanghihina sa daming mga numero at salitang hindi ko naintindihan.

Math at English daw iyon, help nanghihina katawan ko!

Parang mabibinat ang katawan ko dahil sa isang araw pa lang na iyon ay ang dami ng pinagawa sa amin. Sandamakmak iyong hawak niyang mga papel kapag pumupunta siya dito. Mabuti pa si Misty at alam na daw niya iyong ibang itinuturo sa amin.

kainggit naman sana ako din..

At sa apat na araw iyon ay isang beses lang umuwi ulit dito si sir Sage kaso may kasama nga lang siyang babae at walang iba kundi si...

Ma'am Faith, ang kaibigan niya daw pero kung makakapit sa kanya ay parang tuko.

Sa araw na ding iyon ay hindi nagtama ang mga mata naming dalawa. Na para bang wala ako doon, na hindi niya ako kilala at nararamdaman ko ding iniiwasan niya ako. Masakit. Dahil sobra ko siyang namiss at gustong makita ng ganito malapitan at pati na din mayakap ulit.

may girlfriend na siya Madeline, magtigil ka!

Naalala ko iyong sinabi niya sa akin noong nalasing siya. Sinabi niyang gusto niya ako. At iyong paghalik niya sa akin noon, ano iyon? Wala lang sa kanya? Ganon ba siya sa lahat ng babae?

isa lang ba ako sa naging babae niya?

Kumirot sa banda kung nasaan ang puso ko kapag nainisip iyon, na sa lahat ng babae ay kaya niyang gawin iyong ginawa niya sa akin. Nalaman ko din kay Misty ang mga bagay na iyon dahil sobra akong na curious talaga. Buti na lang at hindi na siya nagtanong ng kahit ano.

At dapat daw ay kapag hinalikan ka ng isang lalaki sa labi ay siya dapat iyong nobyo o kasintahan. Hindi ko naman na sa kanya kwinento iyong nangyari sa amin ni sir Sage dahil baka kung ano pa iyong itawag niya sa akin at saka nahiya akong magsabi.

dahil hindi ko naman nobyo o kasintahan si sir Sage..

Baka sabihin niya pa kay Tiya Meling at pagalitan niya pa ako, sabay ipatapon ulit sa probinsya namin.

"Madeline?"pagpukaw ng pansin sa akin ni Erickson.

Tama kayo, lalaki ang naging tuitor naming dalawa ni Misty. Matangkad din siya, may matangos din na ilong, malalaking pilit na mata at medyo mapupula din ang labi kaso mas gwapo pa din talaga si sir Sage.

Napailing na lang ako dahil sa pagkukumpara sa dalawa,"Yes sir?"nahihiyang tanong ko ng tumingin ako sa kanya.

Hindi pa kase talaga ako sanay na magsalita sa salitang english pero sabi naman ni sir Erickson ay wag ko na daw madalihin dahil matututo din naman ako.

sobrang bait niya...

Ngumisi siya,"Sabi ko naman sa inyo, Erick na lang tawag niyo sa akin."saad na naman niya ulit.

Paulit-ulit niya iyan sinasabi sa aming dalawa ni Misty, pero dahil nga siya nagtuturo sa amin ay nahiya naman kaming tawagin siya sa kanyang pangalan.

"Sorry, Erick."paumanhin ko.

"Ayan! much better!"kumislap pa ang kanyang mga mata.

Wala ngayon si Misty kaya't ako lang iyong tinuturoan ni Erick. At saka alam naman na din daw ni Misty iyong susunod na ituturo sa amin kaya't sinabihan niya si Erick kahapon kung pwedeng wag na lang siyang pumunta ngayon at gusto niya daw tumulong ngayon sa kusina.

Pumayag naman siya at sinabing bibigyan na lang siya nito ng susunod na gagawin namin para sa lunes, friday ngayon kayat sa Monday ulit iyong schedule namin sa kanya.

"Ikaw talaga,"asik ko sabay tingin ulit sa binigay niyang question na ngayon ay nasa math na ulit kami.

Malako din pala ang isang 'to hindi gaya ni sir Sage na siyang sobrang sungit akala mo naman pasan niya buong mundo...

rqueenious

My Innocent Maid (VIOUS SIBLINGS SERIES #1)✓Where stories live. Discover now