CHAPTER 11

3.4K 59 0
                                    

Chapter 11

NAKATULALA ka na naman diyan, Madeline!”boses ni Tiya Meling ang nakapagpagising sa diwa ko.

Bumuntong hininga ako,“Sorry, Tiya.”saad ko sa kanya.

“Ikaw ha, gumagaling na sa pagsasalita ng ingles na wika dito sa Manila.”nanunudying aniya sa akin at wala na iyong galit na mukha.

“Opo, magaling po kase iyong nagtuturo sa akin.”salaysay ko sa kanya.

“Eh iyong inialok ni ma’am sa inyo, napag-isipan niyo na ba?”tanong niya bigla sa akin.

Dahil nga wala si Misty ngayon at siya ang naatasang mamalengke sa bayan na dapat sana ay sasama ako sa kanya, iyon nga lang ay walang kasama sa kusina si Tiya Meling kaya ako narito ngayon.

“Napagisip-isipan ko na ho siya ng mabuti Tiya,”saad kong aniya.

“Mabuti kung ganon, dahil kahit ano man ang iyong pasya ay nandito lang ang Tiya Meling mo na plagi kang susuportahan.”madamdaming aniya sa amin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa kanyang bewang,“Salamat ho ng sobrang sobra Tiya,”namamasa ang matang anas ko sa kanya sabay subsob ng mukha sa balikat niya.

Mahina niyang tinapik ang balikat ko,“Kelan kayo pupunta kay ma’am Sandra?”tanong niya.

“Hinihintay ko na lang po si Misty, Tiya.”nakangiti ng baling ko sa kanya.

Tango ang ikinublit niya sa akin na siyang bilang sagot niya, hindi na namin namalayan ang oras. Yun nga lang ay hindi pa dumadating si Misty na siyang kinabahan namin sa loob ng mansion.

Hindi pa naman namin sinasabi sa mag-asawa Vious dahil baka natagalan lang o na traffic sa daan papunta dito. Wala pang minuto ay may narinig kaming sasakyan na pumarada sa harap ng mansion kaya’t wala kaming sinayang na oras ni Tiya Meling at pumunta na sa labas kasama ang iba pangkatulong.

Nakita naming lumalapas na si Misty sa passenger seat at binubuksan naman iyon ni sir Shawn.

oo iyong asawa niya daw, kinikilig na naman ang ante  na iyan.

Nang palabas na siya ay nagtama ang aming mga matang dalawa, at ng makita niya ako ay ngumisi siya’t makikita sa kanyang mga mata iyong kilig at pagkislap ng kunin ni sir Shawn ang kamay niya.

Sabay pa kaming napailing na dalawa ni Tiya Meling dahil sa naging turan niya. So Sir Shawn ang bumitbit lahat ng mga napamili ni Misty papunta ngayon sa kusina, hindi rin ako makalapit-lapit dahil may pinaguusapan yata silang dalawa na Sila lang din naman iyong nagkakaintindihan.

Ang ibang katulong ay mabilisang lumisan kanina ng si sir Shawn pala iyong dumating, kaming dalawa na lang ni Tiya Meling ang naghintay sa dalawa. Tutulongan na sana namin siya sa pagbuhat ng tumanggi ito at siya na lang daw.

Hindi rin sila mapaghihiwalay na dalawa, pero ng makapagpaalam na si Sir Shawn dahil may kelangan pa daw siyang taposin at gawin sa itaas ay agad ko naman nilapintan si Misty, sabay batok sa kanya agad.

“Grabeng talandi, ang meron ka!”saad ko.

“Sweet niya nu?”sabay hagikgik pa na akala mo hindi nasaktan sa pagbatok ko.

“Kanina pa kaming nag-aalala dito tapos lumalandi ka naman pala sa labas.”kunot ang noong turan ko sa kanya.

Bigla siyang napasimangot,“Nagtext kaya ako sayo,”at tinaasan pa ako ng kilay.

“Wala iyong cellphone ko, nalaglag sa kubeta.”pilit na ngiting aniya ko sabay kamot sa batok.

“Yuck! Baka mamaya nilagay mo iyon sa bigas ha, kadiri Madeline.”parang nasusuka ang mukhang saad sa akin.

“Hindi ako ganon at saka binasura ko na e’”nanlulumong ani ko.

hindi ko pa man din natatawagan si mama at mga kapatid ko baka mag-alala pa ang mga iyon.

“Bili ka na lang ng bago,”sabay kuha na ng tubig sa ref.

“Oo, at saka nga pala nakapagisip-isip ka na ba iyong alok ni ma’am Sandra sa atin?”naalala ko iyong usapan namin ni Tiya kanina.

“Oo!”kislap na matang saad niya.

Hindi na namin sinasayang ang pagkakataon na iyon ng sabihin niya sa akin na gusto niya iyong alok ni ma’am Sandra. Medyo hindi siya nakakapagisip noon dahil baka daw ay may kapalit itong ibinibigay sa amin pero dahil nga mas matayog ang pangarap niyang makakuha ng diploma at trabaho na din para mas matutostusan pa ang pangangailangan ng pamilya namin.

sana ay tama itong tinahak naming desisyon, ikaw na  ho lord ang gumabay sa amin ni Misty.

rqueenious

My Innocent Maid (VIOUS SIBLINGS SERIES #1)✓Where stories live. Discover now