CHAPTER 153

68 3 0
                                    

A/N: Hi girls! Sobrang tagal kong hindi nakapag-update kadahilanang busy sa school at sa real life events!

Hoping you all are still waiting for my updates, my girls!❤️

Truth

Azie's POV

Humikab ako bago hayaan ang katawan kong matumba sa kama ni Chana.

"Azie, I am really sorry. Hindi ko naayos lahat para sa'yo." She keep on mumbling. Umiling ako bago tumayo at lumapit sa kaniya habang nakaupo siya sa harapan ng computer set niya.

"Chana, sobrang dami mo nang naitulong. I really appreciate you, alam kong nahihirapan ka na pero tinutulungan mo pa rin ako." Tumingin ako sa in-open niyang file.

Doon ko nakita ang mga pictures at kung ano-ano pa.

Humarap siya sa akin.

"Umupo ka, ipapaliwanag ko sa'yo ng mabuti."

Lumunok ako bago umupo sa kama niya, kinakabahan pero alam kong hindi matatapos ang nasimulan kung hindi ko haharapin.

Kasama ko si Xandrei... Alam kong tutulungan niya ako.

Napangiti ako sa naisip ko, umiling ako bago tumingin sa kaniya.

"Ang illegal business ng pamilya niyo, hindi sa pamilya niyo technically nag-start illegal business." Panimula niya. "Your family is a well-known business tycoon in the business industry. Walang kahit na ano ang p'wedeng umakusa sa inyo na meron kayong illegal business ngayon, if you are wondering where this one started... Here..."

May binigay siya sa aking picture.

Pinagmamasdan ko lahat iyong habang nagsasalita siya. "You could tell that it's a partnership. Your family disagreed about that, merong tinuturing anak ang Lola at Lolo mo na tinulungan nila noon, kahit labag sa loob nila. And that business, yan ang outcome."

Nakita kong magusot ang hawak kong picture, hindi ko pala namalayang humigpit na ang pagkakahawak ko rito.

Ang picture na binigay ni Chana, si Lola at Lolo ito. May kabataan pa ang itsura nila at may kasama silang babaeng maganda.

Hindi si Mommy ang babae, pero pakiramdam ko ay nakita ko na siya. Mukhang kilala ko at nakita ko na, pero hindi ko maalala kung saan.

"That girl, mayaman ang pamilya niya pero nalugi ang negosyo nila. Pinasok ng pamilya nila ang maduming paraan para lumago ang negosyo, at yun ay sa tulong ng pamilya mo kahit labag sa loob nila." Dagdag niya.

Hindi ko naiwasang makaramdam ng galit.

"Anong pang nalaman mo?"

"Meron pa." Huminga siya ng malalim. "Hininto na nila ang illegal business... Pero may ibang nagpapatakbo nito, sa ilalim ng pangalan niyo."

"Ano!?" Napatayo ako, mabilis kong nasapo ang noo ko.

Nasa ilalim ng pangalan namin? Kung gano'n, kami ang magkakaproblema kahit hindi na kami ang nagpapatuloy.

"Hanggang doon lang ang nahanap ko. Alam kong alam mo naman kung gaano kahirap humanap ng impormasyon tungkol sa mga nabaong kwento, tsaka napakadelikado."

Ngumiti ako sa kaniya. "Maraming salamat, Chana. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Niyakap ko siya.

Niyakap niya rin ako pabalik. Hinimas niya ang likod ko na para bang hinahayaan niya akong umiyak sa balikat niya.

The Bad Boys Section (Part II) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon