Kabanata 17: Tulong

15 2 0
                                    

Tulong

"Anong hitsura ng ika-limang Sylpari?"

Habang inaakyat nila ang burol, binasag ni Kalen ang katahimikan. Sa gilid ng dinadaanan nila ay iba't ibang klase ng bulaklak na malago ang pagtubo, masaya pang sumasabay sa hangin ang mga ito. Marahil ay dahil may kasama silang Aquarian at Terran.

"Mukha siyang taga-Veridalia." Nagsimula na namang tumaas ang dugo ng Terran nang si Diego ang sumagot. Nang makita ang reaksyon ni Kalen, kaagad na napamaang si Diego. "Totoo naman, ah!"

Kaagad na nagtago kay Elio si Diego nang hambaan siya ng patalim ng Terran. Malakas na lamang na napabuntong-hininga si Elio samantala, nanatili namang walang imik si Dylan sa unahan. Napatingin sa kaniya si Elio, mukhang malalim ang kaniyang iniisip.

Nang tuluyan silang makaakyat sa burol, kaagad na bumungad sa kanila ang pamilyar na tanawin. Kitang-kita ang usok na lumalabas sa tsimeneya ng kaniyang bahay. Sa paligid nito ay ang mga puno. Walang pinagbago sa kapaligiran.

Ang tahanan ng ika-limang Sylpari.

"Mabuti naman at nakabalik kayo."

Napalingon silang apat sa kanilang likod nang marinig ang isang tinig. Bumungad sa kanila ang isang babaeng nakasuot ng kulay lilang balabal, may bitbit itong takuyan na naglalaman ng prutas. Nakangiti ito sa kanila habang tinatanggal ang parte ng balabal na nakatabon sa kaniyang ulo kaya nagpakita ang kulay rosas nitong buhok.

"Lumineya." Yumuko ang lahat, maliban kay Kalen. Nataranta ito at mabilis na napayuko rin nang mapansin ang ginawa ng mga kasamahan. "Nagagalak akong muli kang makita."

"Tumuloy kayo. Sa mga hitsura niyo pa lamang ay tiyak na marami kayong iku-kuwento."

Ganoon nga ang kanilang ginawa. Tumuloy sila sa tahanan ng Sylpari ng Diwa at katulad dati, pinagsilbihan na naman sila nito ng tsaa at tinapay. Napangiti si Elio sa kaniyang loob nang muling malasahan ang tsaa na gawa ng Sylpari.

Katulad ng inaasahan, hindi na nagpaliguy-ligoy si Lumineya at kaagad silang tinanong tungkol sa kanilang sadya. Ang nagsalita ay si Elio. Sinalaysay niya ang pagbabalik ng kaharian ng Prolus at Valthyria, na hindi naman lingid kay Lumineya. Isinalaysay niya rin kung paano nawala si Adam at bumalik bilang isa sa mga kalaban. Ipinaliwanag niya kung paanong nasira ang diwa ng lalaki.

"Ang dahilan kung bakit kami naririto ay dahil nais naming humingi ng tulong sa iyo, Lumineya. Bilang Sylpari ng Diwa, alam kong malawak ang kabatiran mo sa mga bagay na ganito." Kung kailangang lumuhod sa harap ng Sylpari ay tiyak na gagawin iyon ni Elio para lamang maisalba at maibalik si Adam.

Huminga nang malalim si Lumineya at napatingin sa malayo. Ito ang kinatatakutan niyang kapangyarihan sa lahat ng elemento. Ang elemento ng kadiliman.

"Isang maalamat na Valthyrian ang gumawa noon sa kaniya. Si Lumen."

Ang bawat bansa at kaharian ay may itinuturing na pinakamalalakas. Sila ang madalas na sumailalim sa Sambuhay. Katulad na lamang ni Helena, na nagmula sa Nimbusia. Ni Lumen na nagmula sa Valthyria; si Kiarra na nagmula sa Prolus. Ang kasalukuyang Sylpari ng lupa at tubig. At si Magnus ng Ignisreach. Sila ang mga maalamat na elementara ng kaniya-kaniyang bansa.

Lahat sila ay may malawak na kaalaman sa kanilang elemento at nagagawang magamit ang mga ito sa pinakamalakas na paraan. Katulad na lamang ng ginawa ni Lumen. May kakayahan siyang palakasin ang anumang itim na enerhiya sa loob ng nilalang katulad ng takot, pagsisisi, at lungkot. Sa sandaling yumabong na ang mga ito, magagawa niyang wasakin ang diwa ng isang nilalang hanggang sa maging kapanalig niya ito; hanggang siya na lamang ang pakinggan nito.

Veridalia Academy 2: ReturnedWhere stories live. Discover now