"Charry, you're so noisy..." Reklamo ni Raya na nakahiga pa rin.

"Damn it. Get out!" Savannah yelled. Nakahiga pa pala tapos ang isang bruha lang ang nag-iingay.

"Si Frey ang ginigising ko hindi kayo," natatawang sagot ni Charlotte.

"Ano?" I asked.

"Anong ano? Saan ka pumunta kagabi? Hindi ka namin nakita. Nag-antay kami nila Sav sayo hinanap ka pa namin kasama si Ma'am Vivien." Sagot nito.

"Yes, where was you last night? We're so damn worried." Dagdag ni Sav.

"Don't tell us you're with Ma'am Rhea?" Raya asked.

"Omg wait! Wala si Ma'am Rhea kagabi tapos ikaw rin so... so it means?" Charlotte asked. Her wide eyes bore on mine.

I quickly rise from the bed upon hearing Charlotte's words. Apparently, they were unaware of my absence last night.

"I was with her." I answered. Bahagya namang lumaki ang mata niya pero ngumingisi.

"What the - so anong ginawa niyo? May lambingan bang naganap may ano ba hehehehehe..." Sabi nito. Parang bata lang na excited makinig sa storya ng matatanda.

"Manahimik ka nga. Wala naman, nag-usap lang kami." I reasoned. Napangiwi naman siya sakin.

"Talaga? Usap lang?" natatawa nitong tanong, "As in usap lang?"

"Oo."

"Bakit ang tagal mo nakabalik dito?"

"Kasi gusto ko."

"Gusto mo ang alin? Yong ano ba..." Natatawang sambit niya.

Binato ko siya ng unan para hindi na makasalita pa nang binato niya rin sakin ang unan pabalik. Charlotte playfully starts hitting me with a pillow, accompanied by laughter. Natatawa narin sila Savannah at Raya, who are still groggy.

After a while, we all leave the room and make our way to the dining hall for breakfast. Tumatawa kaming nakarating sa hall kasi may pinag-usapan kami habang pababa.

Nasa malayo pa lang ako ay ramdam ko na ang mata na nakatitig sakin. Nakakatusok. It's there that I notice her, her gaze intense and almost angry, fixed upon me. Galit na galit siyang nakatitig sakin. Nasa food section siya distributing trays for students para sa breakfast. Bahagya akong napatigil at kinabahan pero agad naman akong kinuyog ni Charlotte papunta aa kanya para kumuha ng tray.

Maingat niyang binigyan ng tray si Savannah, sunod si Soraiya tapos si Charlotte. Nang ako na ang bibigyan niya ay hindi siya kumilos, tinaas niya lang ang isang kilay niya habang nakatitig sakin. Inilahad ko ang kamay ko pero hindi niya ako binibigyan kaya ako na ang kumuha pero natigilan ako nang tinampal niya ang kamay ko.

"What's your problem?" I abruptly asked.

"What? What do you mean what's my problem?" balik niya sakin. Her arms crossed. Tumingin ako sa paligid, marami nang student ang kumakain pero buti walang nakakapansin samin.

"Ikaw, pahingi na ako ng tray." I responded.

"No way," she coldly replied.

"Please..." I begged. Tiningnan ko siya with my puppy eyes pero ayaw talaga. "Bahala ka pag nagutom ako at mamatay kasalanan mo, mumultuhin kita at ang magiging anak mo, magiging apo mo, at ang mga magiging apo mo sa tuhod."

She sighed in defeat at binigyan ako ng tray pero padabog. Bahagya akong natawa habang nakatingin sa kanya, ang sungit talaga. Kinindatan ko siya at ngumiti ako but she just rolled her eyes at umiwas ng tingin sakin.

Pumunta ako sa table nila Charlotte habang dala ang breakfast na kinuha ko.

"Akala ko ba nag-usap kayo? Bakit ang sungit pa rin niya sayo?" tanong ni Charlotte habang kumakain.

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now