Kabanata 14: kaibigang Alister

6.9K 280 30
                                    

Hindi nagawang sabihin ni Apa na natitiyak na niya kung sino 'yung apat na lalaking nakita niyang pumatay sa babae.

Sabi kasi ni Ada sa kanya ay huwag na iyong isipin pa upang hindi sila madamay, kung kaya nagsawalang kibo na lang siya. Susundin niya ang sinabi ng kaibigan upang hindi magalit sa kanya. Ayaw niyang umiyak itong muli habang pinapalo siya ng walis. Bukod sa masakit ang mapalo ay ayaw na niyang makita itong umiiyak.

"Ang galing natin, Apa. Ang dami nating kalakal na napulot Madami tayong maibebenta kay Mang Gule bukas ng umaga, medyo malaki-laking halaga rin ang mga ito idagdag pa ang isang sako nating mga lata.", natutuwang sabi ni Ada kasabay ng pagsenyas.

Tuwang-tuwang tumango rin si Apa. Tinutulungan nito ang kaibigan sa pagbaba ng mga sakong may laman at kinalimutan na ang iniisip.

"Ay naku, Apa! Nakalimutan ko, ubos na nga pala ang gamot ko. Pwede mo ba akong ibili doon sa botikang itinuro ko sayo?", senyas ni Ada. Nakalimutan niyang bumili dahil sa pagmamadaling maiwasan ang grupo nila Rex.

Tumango naman si Apa, kaya agad na isinulat ni Ada ang pangalan ng gamot niya at kung ilang piraso. Iniabot na rin niya sa kaibigan ang balat ng gamot upang kung hindi maintindihan ng tindera ang sulat niya ay mapagbibilhan pa rin si Apa.

"Mag-iingat ka, ha. Umuwi ka kaagad. Huwag ka na gumala pa.", senyas ni Ada.

Nakatawang tumango si Apa at patalon-talon pa-ng naglakad. Nakabili naman ito ng gamot at gaya ng bilin ni Ada ay dumiretso na sa pag uwi.

Nasa loob na ng sementeryo nang may humarang sa kanyang daraanan.

Madilim sa lugar na iyon kaya hindi niya agad namukhaan ang mga nakapalibot sa kanya kung hindi pa nagsindi ng sigarilyo ang isa.

Si Rex!

Agad na natakot si Apa!

Naalala ang ginawang pagpatay ng mga ito sa babae.

"Aae..., eaa..., aeea!", tangi nitong nasabi.

Nagtawanan ang grupo at ginaya pa ang pagsasalita ng pipi.

"Nakita mo kami, di ba? Nakilala mo kami kaya kung makatingin ka ay parang may magagawa ka.", tanong ni Tootchie.

"Panyero, bingi ang kinakausap mo! Putangna! Lakas din ng trip mo ah.", nagtatawang sabi ni Rudolf.

Nagtawanan din ang dalawa pa. Napakamot naman sa ulo si Tootchie nang maalalang bingi nga rin pala ang kinakausap na pipi.

Umakmang tatakbo si Apa kung kaya agad na hinablot ni Jericho at inundayan ng malakas na suntok sa sikmura!

Nasaktan si Apa ngunit nagpilit pa ring makahulagpos sa mga nakahawak sa kanya.

Dahil sa kapapalag ay nasiko niya ang mukha ni Tootchie kung kaya magkasunod na sapak sa mukha niya ang ibingay nito!

Bagsak sa lupa ang pipi. Kahit nahihilo ay nagsikap pa rin makatakas kahit pagapang.

"Aba, talagang makulit ang piping ito mga panyero. Tumatakas!", nakangising sabi ni Rudolf at pagkatapos ay pinagtatadyakan ang nakadapang si Apa. Nakakuyom ang palad nito at hindi binibitawan ang gamot ng kaibigan.

"A...d-da.., aae...., eaa!", sambit nito.

Nagtawanan ang apat.

"Tangna panyero, nasasabi pala nito ang pangalan ni kuba!", natatawang sabi ni Jericho.

"Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig ano? Kapag nagtitirahan kaya ito at saka si kuba, ano ang itsura? Putangna panyero! Sila ang magandang gawan ng scandal video!", nandidiring sabi naman ni Tootchie.

Bakanteng Nitso 3Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt