Kabanata 17: bangungot ni Apa

6.3K 243 26
                                    

May pagmamadali sa mga hakbang ni Apa. Kasing dilim ng mga ulap sa langit ang kanyang anyo.

Hindi alintana ang dilim at hamog ng panghatinggabing hangin.

Maging ang nakapangingilabot na alulong ng mga asong gala na sa loob din ng sementeryong iyon nagpapahupa ng matinding hapo sa buong araw na paghahanap ng makakain at masisilungan.

Maging ang mga huni at ingay ng iba't ibang hayup na nagkukubli sa madadawag na damuhan at mga punong hindi niya alam kung ano.

Tiim bagang niyang binabaybay ang daan patungo sa nag-iisang nilalang na inaasahan niyang bukod tanging makakatulong sa kanya.

Buo na ang kanyang desisyon!

Gusto niyang magbago ang lahat!

Ayaw na niyang maging si Apang inutil at duwag!

Galit siya sa grupo ng apat na lalaking nanakit hindi lamang sa kanya kundi maging sa nag iisa niyang kaibigan.

Ang kaibigang hindi niya nagawang ipagtanggol man lamang!

Abnormal kasi siya!

Isang inutil na lalaking ni sarili ay hindi magawang protektahan!

Gusto niyang maging isang normal na lalaki!

Gusto niyang magkaroon ng hustong pag-iisip!

Gusto niyang maging malakas upang makalaban sa mga taong umaapi at aapi pa sa kaniya!

Gusto niyang gumanti!

Gagantihan niya ang apat na lalaking nanakit sa kanya at kay Ada!

Ayaw na niyang maging mahina at mangmang!

Gusto niyang maipagtanggol ang sarili at ang kaibigan sa lahat ng oras at kahit sa anumang panganib!

Ayaw na niyang mapagtawanan at gawing parang gago ng mga tao!

Kung kinakailangang ang kaluluwa niya ang maging kapalit ay hindi na mahalaga pa sa kanya!

Ang importante ay makaalis siya sa impyernong buhay na mayroon dito sa lupa!

"Mula pa ng magkaisip ako ay wala na akong ibang naramdaman kundi ang masaktan.

Palaging ipinamumukha sa akin ng mga tao na iba ako sa kanila.

Na wala akong karapatan sa mundo na parang nilikha lamang para sa kanilang mga normal.

Nang mamatay ang lola ko ay nawalan na rin ako ng ganang mabuhay.

Gusto ko ng mamatay noon pa lang.

Para saan pa at nabubuhay pa ang isang tulad ko?

Para may mapaglalaruan?

Para may mapagtatawanan?

Para may makakayan-kayan ang mga taong akala sa sarili ay sila ang pinakamagaling at ako ay isang kalat lang na titisud-tisurin?

Ilang kapwa ko ba lalake ang nagsamantala sa akin kapalit ng kunwaring tulong?

Mga baboy!

Ilang tao ba ang gumamit at nag-utos sa akin upang mang umit ng kung anu-ano sa loob ng bahay ng may bahay para lamang hindi nila ako saktan?

Nagtiis ako!

Hindi ako nagreklamo ni minsan.

Hinayaan ko na lamang kung saan ako mapadpad at abutin ng kamatayan!

Bakanteng Nitso 3Where stories live. Discover now