"Ang KJ mo, papayag ka o hahalikan kita?" natatawa nitong nilalapit ang mukha sakin.

Inilayo ko naman ang mukha ko tapos tinutulak siya, "Wala ka talagang magandang naidudulot sakin, Charlotte!" I yelled, she's still teasing me while laughing.

"Kakanta lang naman tayong apat. Pasalamat ka hindi ka na mag-iisa sa stage n'yan." She stated. Umupo siya sa mesa habang natatawa pa rin.

"I'll think about that." Tipid kong sagot.

"Sige na. We also want you to enjoy our remaining days as a second year student." Huminto ito sa pagtawa tapos tumingin sakin.

"Tinitingin-tingin mo?"

"Alam mo Frey," saad nito.

"Hindi."

"Alam mo ang ganda mo," sambit niya ulit.

"Alam ko."

"Tanga lang," pagkatapos niyang sabihin ay tumalon na siya sa mesa habang tumatawa tapos hinabol ko siya para sikmurahan. Siraulo talaga ang babaeng to.

The day passed quickly, and I soon found myself in my room, pondering over what to pack in my backpack for the upcoming trip. A 3-day, 2-night excursion awaited us, as my parents had informed me after receiving an email from Silvestre. Wala naman silang problema sa field trip as they will be busy with their works. Anticipation tinged with uncertainty filled me. I'm eager for the trip, I couldn't help but feel unsure about how to interact with her. Ilang araw na rin kaming walang conversations, the fact that she was my professor, and likely to be one of our mentors in that field trip, added an extra layer of complexity to the situation.

Umaga na nga at nakaabot na ako sa Silvestre University, madaming bus ang nakapaligid sa parking lot. Marami ring students na makikita dala dala ang mga malalaking bag nila. Some of them have maids na nagdadala ng mga gamit. I thought pwede mag own service lang pero bawal pala after they've announced na lahat ay sa bus sasakay. Hindi ko alam kung saan ako sasakay, nililibot ko ang parking lot habang patingin-tingin sa mga bus baka may signboard na pang art student nang biglang sumigaw si Charlotte sa likod ko.

"Frey!!" nagulat ako sa boses niyang halos mabingi na ako. "Andun lang ang bus natin kasama sila Raya, Savannah is also there along with Catalina. Ikaw nalang hinihintay namin."

May sariling bus pa nga ang mga bruha.

Sumunod ako kay Charlotte dala-dala ang bag ko. Pagkapasok ko ay ngumingiti pa ako, malaki ang bus at may aircon sa loob, sobrang lamig din. Sa hindi kalayuan, nakaupo naman siya. Ma'am Rhea again.
Mag-isa lang siyang nakaupo roon, tumingin siya sakin, iniwas ko ang mga tingin ko at pumunta kina Charlotte. Pero wala yata silang balak na paupuin ako sa tabi nila, ngumisi pa sila sabay turo sa vacant seat katabi ni Ma'am Rhea. Having no other option, I took a seat beside her. She was dressed in a laid-back attire for the day, sporting a white t-shirt that bore the inscription "Silvestre Professor," paired with a sleek black pencil skirt.

Bakit pala nandito siya? Akala ko personal bus to ni Savannah? Tsaka wala si Ma'am Vivien, wala ding ibang professor except from her.

Suspicious din ang tatlo na pasikretong ngumingiti sa may unahan. I rolled my eyes at lumayo sa kanya ng konti.

Nagsimula ng lumabas ang mga bus sa main gate isa-isa. Kami ang pinakahuling bus. Hinahanap ko pa rin mula sa bintana si Ma'am Vivien baka kasi naiwan siya. Hindi ko talaga siya makita.

"Looking for her?" she spoke, ang lamig ng mga boses niya. Her arms crossed the entire time and not even glancing at me. Siguro napansin niyang kanina pa ako pasilip-silip sa bintana.

"Yes." Tipid kong sagot pagkakuway tumigil na sa paghahanap.

"She's at the bus number 3. If you want to go there then exit the bus." She answered, her tone is icy.

Sinking Deep (GL)Where stories live. Discover now