Chapter 24

24 4 0
                                    

He

We managed to escape from the cops. Dahan dahan na rin kaming nagpu-pullover sa may waiting shed na malapit sa highway.

I'm not really sure kung nasaan kami ngayon. Bukod kasi dito sa waiting shed, malawak na sakahan lang ng palay at mais na nakapalibot sa amin ang nakikita ko.

Wala ring ibang sasakyang dumadaan at kami lang talaga ang nandito sa parteng 'to.

Sobrang layo na rin nito doon sa pinanggalingan naming gasoline station. Hinabol kasi kami nung dalawang pulis gamit ang motor din nila but Him successfully evaded them.

Tuluyan na rin naming hindi nabalikan yung sasakyan kaya mas nagui-guilty ako.

Bumaba na ako ng motor at ganon din si Him.

"S-Sorry—" pero hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi biglang sinipa ni Him nang pagkalakas-lakas yung gulong ng motor at muntik na 'yon matumba.

Nagulat nga ako.

"Kainis! Bakit ba kasi ang tagal mo don?" I can feel that he's annoyed. Mad even. He's also pacing back and forth na parang nag-aalala.

"S-Sorry, hindi ko kasi napansin na napatagal ako—

–sobrang tagal! Ano ba kasing binili mo don at ang tagal mo?" his words are nothing but questions but his tone is so heavy I can feel every weight of it when he speak.

I tensed on my post at napahigpit yung hawak ko don sa paper bag na may lamang yakult at lollipop.

"M-my..." mahina kong bulong. Kinakabahan kasi ako.

"Ano?" sabay hakbang niya sa'kin palapit na siyang nagpa-atras sa akin ng konti. Ewan ko pero nakakatakot siya ngayon.

"Y-Yakult..." nahihiyang sabi ko't napangiti siya ng sobrang sarcastic.

"Seriously..." napailing siya't nakapamewang. "Nang dahil lang sa yakult?"

"Lintik na yakult 'yan." napapikit ako't napayuko.

Okay, alam ko namang mali ko na nandito kami ngayon at muntikan na kaming mahuli pero bakit ba kasi nagagalit siya ng ganito? Natakasan na rin namin yung mga pulis ah?

"Sorry! I admit that it's my fault, but please, don't be mad anymore. We managed to escape. That's more important now, right?" I tried to be calm and genuine as possible with my apologies and be positive doon sa dulo pero parang hindi umepekto.

"'Yan lang ba talaga ang iniisip mo, He?" napatingin ako sa kaniya at nakitang galit na nga siya.

"Yung sasakyan, sige, paano 'yon ngayon?" naguluhan naman ako sa tanong niya.

Parang kanina lang kaladkarin niya ako paalis kahit na gusto kong balikan yung sasakyan namin. Tapos ngayon?

"P-Pwede naman natin sigurong balikan mamaya, baka nandon pa yun?" again, I tried sounding calm and concern.

Natawa siya. Yung tawang sobrang pakla.

"Tingin mo nandon pa yun? Malamang, kinuha na nila 'yun! Wala na tayong babalikan! Kung bakit ba kasi... kainis!"

Okay, he's not making any sense anymore and I'm really uncomfortable with how he throw his response.

I took a deep breath before responding, "Teka nga lang muna, Him. Bakit ba parang sobrang galit ka?"

"Galit? Bakit hindi? Muntikan na tayong mahuli at naiwan pa natin yung sasakyan. Anong gusto mo maglupasay ako dito sa tuwa?" sagot niya habang dinuduro duro pa yung kalsada.

He for HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon