Chapter 7

38 6 18
                                    

He

I arrived at our university at around 9:26 a.m. Yep, I'm 26 minutes late from my class. Thankfully, hindi naman malayo sa Legazpi yung apartment nung mokong. Nasa sentro lang din actually.

Ang kaso, dumaan muna ako sa isang convenient store kanina para bumili ng yakult. Wala din sanang problema pero ang sakit sa ulo ng traffic sa may washington area. May parade daw kasi kaya imbis nang makarating agad sa university, na-hold pa ako ng ilang minuto.

Pagdating ko pa sa campus namin, halos gapangin ko ang hagdan ng Aquilino P. Bonto (APB) building. Pa'no ba naman kasi, nasa fourth floor ang classroom namin.

Kaya pagtungtong ko sa room, halos magmukha akong bagong ligo sa tindi ng tagaktak ng pawis kahit hindi naman ako naligo talaga. Pero wag kayong mag-alala, hindi naman ako mabaho no.

Naghilamos din naman ako kanina sa apartment niya bago nagbihis at lumayas.

Nag-iwan din nga ako ng bente pesos sa paggamit ng tubig.

"Mr. Ignacio! Thought you won't be attending our class today," bungad sa akin ni Prof. Almante. Professor ko sa Life and Works of Rizal.

"Sorry, Ma'am," I said without making any excuses at nagtungo na sa isang bakanteng upuan malapit kay Kite.

And yes, we're in the same class, except Gav na paniguradong busy sa film and directing stuff niya. Nasa iisang klase kami ni Kite kahit iba ang majors namin dahil parehong hindi pa namin nate-take tong subject na 'to.

Nagkaproblema kasi sa class schedule namin dati kaya ngayon lang namin na-take 'to. Mga sophomores nga ang kasama namin dito sa klase ngayon.

"Tinatawagan kita kanina kaso di ka sumasagot. Nakailang katok na rin kami sa pinto ng kwarto mo kaso di mo kami pinagbubuksan," bulong nito sa akin the moment na makaupo ako.

"S-sorry, masyado akong antok kaya di kita binuksan. Late na kasi ako bumalik sa dorm kaya napahaba tulog ko," pagsisinungaling ko habang kinukuha ang yellow pad sa bag.

"Late ba talagang bumalik?" bigla akong napatingin kay Kite.

"O-Oo nga..."

"Eh bakit 'IDEA' ang patch na nakalagay sa uniform mo?" nanunuksong tanong nito habang nakatingin pa sa patch ng uniform ko.

"What do you mean?"

Nagtataka naman akong napatingin sa uniform ko at halos mapamura sa nakitang patch na nakadikit dito.

Pare-pareho kasi ang uniform na required sa university namin, excluding College of Medicine, since may sarili silang uniform. Nagkakaiba lang per campuses base sa I.D. lanyards at kung hindi naman, sa tatak ng uniform na nakalagay sa patch.

Obviously, since Performing Arts - Theater ang major ko, nasa College of Arts and Letters ako, making my uniform patch as CAL. Ang kaso, sa suot kong uniform ngayon, IDEA ang nakalagay which indicates that this is a uniform from the Institute (I) of Design (DE) and Architecture (A).

Wtf. I am always known as a keen observer pero bakit hindi ko napansin na ibang uniform pala ang nahablot ko kanina?!

Kasalanan 'to nung mokong na 'yon!

"A-Ah... kasi ano," shit wala akong maisip na palusot!

"May hindi ka ba sinasabi sa amin ni Gav?" tanong ulit ni Kite while wearing his signature smirk and squinted eyes. Damn, he's teasing me!

"Nahiya ka pa sa amin ni Gav, alam mo namang we always support you no matter what your choices are," lumapit pa sa akin si Kite para mas tuksuhin ako.

"So, who's the lucky guy?"

He for HimUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum