Chapter 8

39 7 33
                                    

He

I'm currently packing my things. At oo, matapos ang halos dalawang oras na pakikipagbuno sa sarili, napagtanto kong mas mabuti nang sumama sa mokong na yon kesa umuwi sa amin.

Kung nagtataka kayo kung may tiwala na ako sa kaniya, pwes hindi. Wala pa rin akong tiwala sa mokong na 'yon pero nararamdaman ko na hindi naman siya yung tipo ng tao na parang may binabalak na masama.

Still, I'm staying vigilant. Hindi pwedeng magpakampante. Marunong din naman ako ng basic defenses because I used to be a taekwondo player kaya malalabanan ko naman siya sa oras na may gawin siyang masama sa akin.

Sinarhan ko na ang backpack ko't chineck for the last time ang laman ng tote bag ko. Hindi ako nagbitbit nang marami kasi ayokong mahassle sa byahe.

Isa pa, walang sinabi yung mokong kung saan ba kami pupunta kaya hindi ko rin talaga matansiya kung gaano karaming damit (at gamit) ang dadalhin ko. Though, he said na one week yung trip, but still.

Wala talagang kasiguraduhan 'tong ginagawa ko at ang weird kasi hindi ako ganito. Bago pumayag o gawin ang isang bagay, hangga't maaari gusto kong alamin lahat ng detalye.

Pero ngayon? Sumusugal ako sa isang bagay na kahit isang patak ng mahalagang impormasyon, wala ako.

Bahala na! Basta, I've got all my essentials with me.

Muli akong napatingin sa oras.

10:48 p.m.

Ilang minuto na lang at mage-eleven pm na. Medyo may kalayuan yung same place na tinutukoy niya na meeting place namin at siguradong hindi ako aabot sa 11 p.m. na call time.

Pero kahit ganon, tutuloy ako. Kung nandon pa rin siya by the time na umabot ako then, good. Kung wala na, edi goods pa rin.

At least, no regrets.

Tiningnan ko ang sarili ko sa full body mirror na nasa kwarto ko.

I am wearing a cap and a black face mask.

Black statement shirt na may nakalagay na 'hello stranger', gray jogger pants, and white rubber shoes. Nakapulupot din sa balikat at waist ko yung white sweatshirt ko.

Tulog na sina Gav at Kite kaya maingat ang bawat ko sa loob ng dorm. Nang matansiyang okay na ang lahat, lumabas na rin ako.  

Agad akong sumakay ng jeep na going to Ayala Mall. Hindi doon ang meeting place namin nung mokong pero dahil late na, kokonti na lang ang mga jeep na pumapasada.

Wala na ring jeep na pumapasada papuntang Rawis, Legazpi kaya sasakay na lang ako ng tricy papunta doon sa same place dahil wala naman akong ibang choice.

Pagbaba sa Ayala, sumakay na ulit ako ng tricycle papuntang Rawis. Ilang minutong byahe pa, pumara na ako sa may kanto at nagdesisyong lakarin na lang yung daan papuntang tulay.

Mula sa pwesto ko, natanaw ko ang isang lalaki na nakapirming nakasandal sa railings ng tulay. Hindi ko alam kung anong oras na but I somehow felt at ease na makita siyang nandito pa rin.

Gaya kagabi, may lollipop ulit siyang kinakain. Weird neto, ang laki na pero ang hilig pa rin mag-lollipop. Mukha tuloy siyang supsop boy.

Hindi siya nakatingin sa pwesto ko kaya siguradong hindi pa niya ako nakikita. Nagsimula na akong maglakad palapit sa kaniya at napansing may nakapasak ding earphones sa tenga niya. Mukhang nakikinig ng music.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at gaya kagabi, suot niya ulit tung kwintas niyang may pendant na letter V.

Naka shorts din ulit siya pero hindi na kulay blue. It's brown. He's also wearing a different shade of hooded jacket. Cream. Bukod don, may saklay din siyang backpack and other than that, wala na.

He for HimDove le storie prendono vita. Scoprilo ora