Chapter 23

27 4 0
                                    

He

"Orphanage," I don't know if I'm supposed to give him a curious reaction or should I be more jumpy and positive that we're now heading to an orphanage. Medyo naguluhan kasi ako sa sagot niya.

We are on our fourth day of this 'quite unplanned' getaway trip at inaamin ko na habang tumatagal ay nage-expect ako na mas magiging thrilling at exciting ang mga lugar na pupuntahan namin.

To be clear, I don't have any problems with going to an orphanage. Hindi ko lang yata talaga in-expect na ampunan ang sunod naming destination.

I wanted to ask Him why but he doesn't seem like to share and I don't wanna kept messing my very condition kaya tinikom ko na lang bibig ko.

Iisipin ko na lang na baka may importanteng dadaanan kami don o may gagawin ulit kaming charity work gaya ng ginawa namin nung first two days sa plantation.

After all, he's the kind of a guy din who does such noble work kaya I'll just carry on for now hanggang sa makarating kami don.

Tumingin ako sa backseat ng sasakyan para kumuha sana ng yakult kaso napasimangot ako nang makitang wala nang natira doon sa limang pack ng yakult na bitbit namin.

Naipamigay ko rin kasi yung dalawang pack doon sa community na pinuntahan namin habang yung dalawa, naubos ko na at yung isa, hinati namin ni Him.

Just when I badly needed my comfort drink, saka naman ako naubusan ng supply.

"Him?"

"Hmmm?" sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

Ewan ko kung bakit ako medyo kinakabahan pero inaamin ko na nahihiya akong magsabi.

"Pwede ba tayo mag drop by sa malapit na convenient store or mini mart?"

Napatingin naman muna si Him sa dashboard ng sasakyan bago sumagot sa'kin.

"Sige, kailangan na rin natin magpakarga ng gas. Medyo malayo pa kasi dito yung ampunan na pupuntahan natin," nakahinga naman ako ng maluwag.

At least, hindi na siya nagtanong kung bakit.

Not long after, nag-pull over kami sa isang gasoline station na may convenient store.

Unlike the other convenient stores na malapit sa gasoline station, medyo malawak 'tong store nila dito.

Wala ring masyadong tao sa loob like I've already expected kaya halos wala kang ibang maririnig na ingay bukod don sa speakers na mahinang tumutugtog.

I immediately find my way to the fridge and grab some of my yakult drink. Kumuha ako ng dalawang pack at naglakad na papuntang cashier nang madaanan ko ang aisle na may mga candy at chocolates.

Naagaw ng pansin ko yung sachet at garapon ng chuppa chupps. Usually dapat nasa counter 'to pero for some reasons, nakalagay din siya dito sa displayed items ng store.

Napatingin ako sa labas at nakitang naghihintay si Him sa loob ng sasakyan. Nagbabayad na rin siya ngayon doon sa gas-boy.

I think, I want to get to know you more.

Naalala ko na naman 'yon. Sinabi ko ba talaga 'yun? Pero bakit naman? I mean, saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon?

Baka kasi mag-expect 'tong si Him at ayoko rin naman siyang paasahin. Isa pa, willing naman talaga akong makilala pa siya. As a friend. Hindi lang talaga ako ready pa ngayon kasi alam kong kailangan ko rin mag share sa kaniya and I'm not sure if kaya ko nang magshare sa iba.

He for HimWhere stories live. Discover now