Chapter 12

37 5 4
                                    

Him

Nagd-drive na ako papunta sa unang destinasyon namin ni He. Medyo nawe-weriduhan ako sa tawagan namin nitong kasama ko.

Nagkasundo kasi kami kanina na huwag ipaalam ang pangalan ng isa't-isa. At sa totoo lang, pabor naman sa akin. Mas okay 'yun nang hindi kami mailang sa isa't-isa habang nasa getaway trip kaming dalawa.

Wala rin akong balak ipaalam pa ang pangalan ko at saka ko na sasabihin sa kaniya kapag naging komportable na kami sa isa't-isa.

Ini-insist nga niya ngayon na siya na raw ang magd-drive dahil ilang oras na rin akong nagmamaneho.

Thanks for the concern pero kaya ko na 'to. Sa dami ng plates na pinapatumba ko taon-taon, batak na batak na ako sa puyatan.

Isa pa, wala akong tiwala sa driving skills niya 'no. Baka siya pa ang unang maging rason para maudlot 'tong trip namin.

"Ikaw pa talaga ang walang tiwala sa'kin? Eh halos paliparin mo na nga 'tong pick-up truck kagabi!" rason niya.

"I have to. Hinahabol nga tayo di'ba? Anong gusto mo bagalan ko? Edi nahuli tayo non. Ang sabihin mo, takot ka lang," panunukso ko sa kaniya.

"Anong takot? Eh–"

Siyempre todo defend na naman siya sa sarili niya. Kaya gustong-gusto kong tuksuhin ang isang 'to eh. Masyadong maraming pinaglalaban sa buhay.

Akala mo lawyer.

But I kinda like that side of him too. Yung masungit. First time ko yatang makakita ng lalaki na mas masungit pa sa babae. Dinaig pa ang nagdadalagang may daily-period at matandang babae na nasa menopausal stage na.

Minsan nga iniisip ko kung may lahi din ba siyang pusa. Ganon mga pusa eh, attitude.

"–Alam ko naman kasi na kulang ka sa tulog that's why I want to take the wheel dahil baka makatulog ka bigla at ma-aksidente pa tayo. Kaya, let me drive,"

Okay. Medyo nakuha niya 'ko don. Inaamin ko na halos wala pa akong maayos na tulog mula shift ko kagabi at mas lalong nabitin kasi ang ingay niya kanina sa gas station.

Oo, nagising ako nung may tumawag sa kaniya kaya naputol din yung tulog ko. Halos yung 3-in-1 na kopiko brown na lang talaga na ininom ko kanina ang kinakapitan ko ngayon para hindi masyadong antukin habang nagmamaneho.

"May lisensiya ka ba?" tanong ko.

Mula sa peripheral vision ko, nakita kong may kinuha siya sa wallet niya. Maya-maya ay inangat niya yon habang may tinatakpan pang part sa card. Yung pangalan niya ata.

"Meron," napatingin ako sa kaniya at napansin yung itsura niya sa driver's lisence.

Nakasuot siya ng blue polo shirt at eyeglass habang ngiting-ngiti na akala mo ay inawardan ng 'Most Panctual' ng grade school teacher niya.

"Ang bait mo diyan ah, parang hindi nagsusungit," tukso ko habang pinipigilang matawa.

"Sinisimulan mo na naman ba ako?"

Napahinga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa steering wheel, "Kalma, ito naman laging galit. Oo na you can drive. Pero saka na kapag inaantok na ako. Sasabihan na lang kita. Tsaka, hindi mo nga alam kung saan tayo pupunta eh," sagot ko saka maingat na nag-overtake sa kasunod naming sasakyan.

"Hindi ka ba nausuhan ng waze app o kaya google maps?" napaismid ako. Ang rich kid naman nito sa waze app!

"Sige na, sige na. Basta ayusin mo pagmamaneho mamaya,"

He for HimWhere stories live. Discover now