Nasa kalagitnaan kaming dalawa ng meeting nang dumating si Shea. Ngiting ngiti pa ang loka-loka habang dala ang isang paper bag at dumiretso sa may gilid ko.

"Love, ito na. Kakain ka ng marami, ah." Bago siya humarap.

"She's my new architect." Tumango naman ang bruha pero nakangiwi.

"Akala ko pogi." Lumapit pa siya't umupo sa tapat ni Val, "We meet again, Val." She smiled at her.

"How are you?"

"I'm fine, how about you?" Tanong pabalik ni Shea.

"Mabuti lang din."

"Death Anniversary ni Cara bukas, pupunta ka ba?" Hindi nakapagsalita si Val.

"Shea, baka hinahanap ka na sa RIM hindi ka pa ba aalis?" Mahinahon kung tanong sa kanya.

"Ay oo nga pala." Tumayo na siya, "Chary, aalis na ako. Ingat ka. Ikumusta mo ako kay Baby Eclair." Nag-flying kiss pa siya bago lumabas.

Nilamon kaming dalawa ng katahimikan. Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Pasensya ka na. Nakagawian niya na ring guluhin ako."

"Ayos lang. She's pretty. Hindi ako magtataka kung minahal siya ni sunshine."

"Sunshine?"

"Peach." Tumango naman ako."Let's continue..."

Pagkatapos ng discussion ay nagpaalam na rin siya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at idinayal ang number ni Wil na kaagad niyang sinagot.

"Yey, sa wakas tumawag ka na rin." Napairap ako. "Alam mo ba na kanina pa hinahanap ni Eclair ang Mama niya?" Sumandal ako.

"Pauwi na rin ako."

"Sige. Ingat ka."

Ini-end call ko na ang tawag ang idinayal ang number ng taong kanina ko pa gustong makausap. Sinagot naman niya ’yon kaagad.

"Tinawagan na ako ni Wil, pupuntahan kita d’yan." Natawa naman ako. "Nag-out na rin ako hintayin mo ako d’yan." I sighed.

"Okay."

"Pagod ka ngayon?"

"Palagi naman."

"Hindi ka ba p’wedeng mag-leave kahit na isang linggo lang para makasama si Eclair?"

"Gusto rin kitang makasama. Maghahanda na ako, mag ingat ka sa byahe okay?"

"Opo, sige na. I love you."

"Sige."

"Wala man lang I love you?"

"Kailangan ba?"

"P’wede namang hindi na pero sa sala ka matutulog mamaya." Natawa ako.

"Oo na. I love you."

She ended the call. Ngumiti naman ako’t inayos ang mga gamit ko, bago ako nagpadala ng mensahe kay Shea na hindi ako makakapunta dahil kailangan ko nang puntahan si Eclair na ngayon ay inaalagaan ni Wilbert.

Hindi ko nga akalain na aabot ako sa ganito. Maya maya pa ay may yumakap sa akin mula sa likuran kaya hinawakan ko ang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko bago ako humarap sa kanya. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko.

"Iniisip mo na naman ako?"Natawa naman ako.

"Palagi kitang iniisip." Mahinang saad ko.

"Thank you." Natawa ako.

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now