"Umuwi ka na at magpahinga." Mahinang saad ko kay Ali. "Galing ka pa sa byahe." Dugsong ko pa.


"I'll stay here." Umiling ako’t hinawakan ang kanyang kamay.


"No need. May kasama naman ako. Isa pa kailangan mo ring magpahinga." Bumuntong hininga naman siya. "I-text mo na lang ako kapag nakauwi ka na." Tumango siya sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya rin ako sa pisngi.



Napahawak naman ako sa aking ulo. Nahagip ang mata ko si Charlotte na nakatingin sa akin pero sandali lang dahil nilapitan niya si Ate Dazel. Lumapit naman ako kay Hailey.

"Kumusta ang kamay mo?"


"Ayos lang ako. Si Shea ang inaalala ko. Ang lalaking ’yon hindi ko siya mapapatawad." Hinawakan ko ang kabilang kamay niya.


"Hailey."



Sinamahan ko lang si Hailey. Sina Jazzfer at Ate Dazel naman umuwi muna. Si Kuya Den naman ay hindi pa bumabalik simula ng umalis dito kanina.



"You should rest." Napaangat ako ng tingin. "It's already 2 am in the morning, ihahatid na kita." Umiling ako't tumingin kay Hailey. "Babalik din ako dito para halilihan ng pagbabantay si Hailey." Ibinalik ko ang tingin sa kanya.



"Ano ba ang nangyari?"



"Sheana, sexually assaulted by her stalker." Napaawang naman ang labi ko. "Flair." Napatingin ako kay Charlotte, hinawakan niya ang kamay ko. "Maayos lang siya. Iniligtas siya ni Hailey." Tumingin ako kay Hailey.


Nang kumalma ang lahat, inihatid na ako ni Charlotte sa condominium, she escorted me hanggang sa unit ko. Nagpaalam din siya pagkatapos, pinaalalahanan niya rin ako na mag ingat. Kailangan pa kasi niyang balikan si Hailey doon, ayaw rin kasing niyang umalis sa tabi ni Sheana.


My phone rang.



"Dad?"




"Hindi pumayag ang ate mo sa proposal ko sa kanya."


"Naipaliwanag niyo po ba ng maayos sa kanya? Hindi naman po panghabang buhay ang kasal ‘di ba? Once na mailigtas ang University nila matatapos na ang kontrata."


"Ipinaliwanag ko na sa ate mo, ayaw niya talaga. Wala tayong magagawa kundi ang—"




"I volunteer, Dad."





CHARLOTTE



Two weeks past, nagkamalay na rin si Sheana. Thank god at maayos na siya. Nakatakas daw si Achior noong gabing ’yon pero nahuli na siya at kasalukuyang nagmamaneho ako papunta doon, sa presinto. Hindi sana ako susunod pero galit na galit si Kuya Den para bang kapag hindi namin siya napigilan maaari niyang mapatay ang lalaking ‘yon. Pinasunod ako ni Sheana, kasabay ko rin si Ate Dazel.



"Where is he!?"



Umalingawngaw ang boses ni Kuya Den sa loob ng presinto kaya naman mabilis kaming tumakbo ni Ate Dazel paloob.



"Where the hell is he!?" Inaawat na siya ng mga pulis, "So, it's you, funk!" He grabbed Montero's collar. "Fuck you!" Bago niya ito sinuntok dahilan upang mapahiga ito sa sahig at dumura ng dugo.




"Den, stop it!" Hinawakan siya ni Ate Dazel at ilang mga pulis.



"You will pay for this, moron! You'll see. Makikita mo ang empyerno dahil sa ginawa mo sa kapatid ko! Tangina mo!" Namumula na ang buong mukha ni Kuya Den, habang ako narito. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko inaasahan ang ganitong scenario. Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nakasaksi ng ganito.



Napatingin ako kay Achior na nakaupo sa sahig. Dumudugo ang bibig niya dahil sa pagkakasuntok sa kanya ni Kuya Den. Maitim ang ilalim ng kanyang mata, para bang hindi siya ang Montero na kaklase namin noon.



"Ilayo niyo ang lalaking ’yan sa akin! Pakiusap!" He begged.



"Sir, kumalma ho muna kayo! Hindi ho ito maaayos kung pagbabantaan niyo ang bata."



"Tangina! Bata ba ’yan? Mukhang tumitira nga ’yan ng droga eh. Mas matanda siya sa kapatid ko, pinagtangkaan niya ang kapatid ko. I swear to god! Mabubulok ka sa kulungan!" Nagwawala siya kaya humakbang ako palapit pero natigilan ako ng tumawa siya habang nakatingin sa akin.


Nakakatakot. Nakakakilabot.



"Andito ka pala, Ms. Reyes." Natigilan sila, nakatingin silang lahat sa akin. "Isusunod pa sana kita pagkatapos ko sa kaibigan mo!" Napaatras naman ako at nanlamig ang buong katawan.



He's a psychopath.



"Tang ina mo!" Bago muling tumama ang kamao ni Kuya Den sa mukha niya. Hinawakan ako ni Ate Dazel.



Tumatawa pa rin siya.



"Gagamutin ko lang sana ang kapatid mo, Mr. San Diego. Ang bango bango niya!" Tumatawang sabi niya, hawak ni Kuya ang kwelyo niya. Marami na ring dugo ang nakakalat sa sahig.



Nakaupo ako rito sa labas ng police station. Nasa loob sina Kuya Den at Ate Dazel. Nagsasampa na sila ng kaso, dumating na rin ang parents ni Montero, nagtalo pa nga ata sila pero hindi nila kaya ang salita ni Kuya Den.



"Charlotte." Napatingin ako sa kanya. Nakasuot pa siya ng PE uniform niya kaya napatayo ako.



"What are you doing here? Lumiban ka ba sa klase na’tin?" Nilapitan niya ako. "Flair."



"Tumawag si Hailey sa akin, sabi niya andito ka raw. Ano ba ang nangyari?" Bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala.



"Wala."



"Eh, bakit ka narito?"



"Sinamahan ko lang si Ate Dazel."



"Nahuli na ba ’yong nagtangka kay Shea?" Bumalik sa ala-ala ko ’yong nangyari kanina. Ang scenario sa loob ng presinto. "Charlotte." Naramdaman ko ang palad niya sa kamay ko.



"Nahuli na siya." Napatingin ako sa kamay niya pero agad niya ring inalis, "Bumalik ka na sa university." Tumango naman siya.



"Sige. Hindi ka pa ba papasok?" Umiling ako.



"Bukas na siguro." Tumango naman siya. "May dala ka bang sasakyan?"



"Oo naman." Umatras na siya. "Mauna na ako sa iyo, see you tomorrow." Tumango naman ako. Naglakad na siya palayo hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan ni Jazzfer at sinagot ko ‘yon.



"Hoy, si Flair andyan ba?" Boses ni Wilbert.



"Kaaalis lang."



"Tingnan mo ang babaeng ’yon. Naiwan kasi ’yong susi ng kotse niya." Natigilan naman ako.



"What do yo mean?"



"Naka-taxi lang siguro siya papunta d’yan. Eh, malapit na ’yong PE nila baka ma-late siya."



"Ah, sige!" Ibinaba ko ‘yong tawag bago tumakbo papunta sa parking lot. "Kahit kailan talaga ang babaeng ’yon, bakit ba siya pumunta dito?"



_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon