Tumingin ako sa kanila, gulat at hindi nila maintindihan ang nangyayari.

"What are you doing here?" Iritang tanong ni Xandrei sa kaniya.

"Why I'm here?" Unti-unting lumipat ang tingin niya sa akin. Ngumisi siya. "I'm here to say... Our hood is returning."

Kumunot ang noo ko, our? Kasama siya? Kasali siya? Paano naman nangyari 'yon?

"Matagal na kaming wala sa hood, makakaalis ka na." Napatingin ako sa nagsalita, si Tinik.

Seryosong-seryoso siya habang nakatingin kay Stella.

"Just want to make it short," Tumingin ulit siya sa akin. "Mas maganda kung hindi ka na makikisali, masyado kang takas gulo."

Napaarko ang kilay ko.

"Apply it to yourself first," Ngumisi ako. "My business is not your business."

Ngumisi siya, pero hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin 'to. Alam ko namang laganap na sa Pilipinas ang nangyari sa akin at sa mga akugaki, siguro ay sinasabi niyang huwag ako maki-alam.

"Get out," Nanlaki ang mata ko nang tumayo si Dylan at basta nalang itulak si Stella palabas. "Huwag ka ring pakailamera kay Drei, limit yourself. You're not his girlfriend anymore, Stella."

Ngumisi ako sa kaniya, inasar ko pa siya, kumaway ako sa kaniya. Masamang-masama ang tingin niya sa akin bago siya umalis.

Pumunta rito para sabihin lang 'yon?

"She's out of her mind." Rinig kong bulong ni Theo. Tumingin ako sa kaniya, busy pa rin siya sa pagpindot sa phone niya.

Napabuntong-hininga ako, naalala ko si Xiarady at si Stella. Magkasama sila no'n sa party, mukhang magkakunchaba pa sila.

Natapos ng mabilis ang klase, mukhang magkakaroon pa ng one week break dahil sa mga reports na natatanggap ng eskwelahan namin. Hindi na rin ako nagtanong kung tungkol saan 'yon.

"Azie." Tumingin ako sa tumawag sa akin, humabol sa akin si Xandrei. "Come with me."

Tumango ako agad, seryoso siya at mukhang importante ang sasabihin niya.

Pagkadating namin sa parking ay naabutan namin si Theo na pasakay ng sasakyan niya, tumingin pa siya sa akin bago umiling at sumakay sa kotse niya at umalis.

"Pabayaan mo yan." Bulong ni Xandrei.

Pumasok na kami sa kotse niya, mabilis siyang nag-drive papunta sa hideout.

Nagmamadali kaming pumasok sa loob, doon ko nakita si Tinik kasama si Frans.

"A-anong nangyari!?" Napatakip ako ng bibig.

Dumudugo ang braso ni Tinik!

Mabilis akong naglakad para kuhanin ang nasa mesa, 'yung first-aid-kit. Lumapit agad ako sa kaniya.

Napailing si Frans. "Hina-hunting nila tayo... Mali! Gusto lang niya na tayo ang lumapit sa kaniya."

Naguguluhan ako sa sinabi niya pero nagtuloy pa rin ako sa paggamot ng braso ni Tinik.

"Aray aray!" Daing niya.

Napaangat ang balikat ko nang suntukin ni Xandrei ang dingding.

"Ano pa bang kailangan niya!? Ginawa natin ang gusto niya bago tayo umalis." Pansin ko sa boses niya ang galit.

"Sino bang tinutukoy niyo?! Nangangapa ako." Pagsingit ko sa usapan nila, tumingin naman sila sa akin bago nagpalitan ng tingin.

"Hindi namin p'wede sabihin kung sino siya," Seryosong ani Tinik. "Pero siya ang Leader ng hood namin."

"Siya rin ang may gawa nito, dahil sunuway kami sa gusto niyang mangyari." Kumunot ang noo ko.

"Ano bang gusto niya mangyari?" Tanong ko.

Si Xandrei ang sumagot sa akin.

"He wants to use us again," Umupo siya sa tabi ko. "Kung wala kami, wala siyang magagawa. In short, he doesn't hold any power when we're not around."

Doon luminaw ang nasa isip ko.

"Teka nga..." Tumingin silang tatlo sa akin. Tinapos ko naman agad ang pagbenda sa braso ni Tinik. "Bakit ba kayo kasali sa Hood na 'yan?"

Tumahimik sila, parang nakikiramdam kung anong sasabihin ni Xandrei. Parang kahit isang salita ay hindi nila p'wedeng sabihin kapag walang pahintulot ni Xandrei.

"I created it unintentionally."

"What?" Napangiwi ako, unintentionally?

Tumango siya. "I won't hide nor lie to you, I am the one who created the hood."

"...And you're not the Leader." Sarkastikong sabi ni Tinik.

Kumunot lalo ang noo ko sa pagtataka, tinaasan ko ng kilay si Xandrei para magsalita pa siya. Mukha kasi siyang napikon sa sinabi ni Tinik, hinawakan ko nalang ang kamay niya.

"Mas matanda siya sa amin," He started. "Since I only have five members in my hood, I mistrust myself. It's the first and last time I mistrust myself, for being a Leader with lack of experience in early age. So I told him to be the Leader, and I will be a member. But the thing is, he's going to follow me in everything I say. Until I got distracted, hindi ko napansin na napapasunod niya na ako. Hanggang sa lumaki ang hood na ginawa ko sa hindi ko malamang paraan."

Betrayal... Ito ang unang pumasok sa isip ko.

"In short, he got betrayed by that animal." Dagdag ni Tinik.

Napabuntong-hininga nalang ako, ang kapal naman ng mukha ng tao na 'yon para balikan pa sila Xandrei. Nang-agaw na nga lang ng pwesto sa pagiging leader.

"Anong gagawin natin, Drei?" Frans asked him.

"Just let them."

Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya.

"Let them do whatever they want. Titigil din siya kapag nakita niyang walang epekto ang ginagawa niya. It's a good thing na ito pa lang ang nagawa niya." Tumingin siya sa sugat ni Tinik.

"Huh!? Good thing? Good thing ba ang magkasugat ng ganito!?" Inis kong hinatak ang braso ni Tinik.

"Zie! Zie! Aray!"

"Yeah," Ngumisi siya. "He's the so-called-Leader, Ashley Zai. The power he has right now can't compare to the power he hold back then."

Tumahimik ako, tama nga siya. Hindi biro ang maging leader ng isang hood. Marami kang nakakaaway at makakasalamuha, p'wede ka pa atang mamatay.

Napakunot ang noo ko bago matuyo ang lalamunan sa aking naisip, parang may pumitik sa utak ko. Siya...

Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang mapatingin ako kay Xandrei, nakatitig siya sa akin bago ako ngisihan.

Napalunok ako. Tinitigan ko siya, hindi ko magawang alisin sa isip ko mukha niyang nakangiti. Hindi ko rin magawang isipin na siya...

Ang katabi kong ito... Walang iba kundi ang gumawa ng hood na iyon. Ang dapat na namamalakad, ang dapat na nasa posisyon ng Leader sa hood na 'yon. Walang iba kundi ikaw...

"Kenth Xandrei Santiago..."



***

The Bad Boys Section (Part II) Where stories live. Discover now