"Yes, it can't be kasi."

            "Uy, ano iyan math lang? It can't be kaya magiging remainder-."

            "Hay naku Diana Rose, nakukulta na ang utak ko kaya pwede ba pagpahingahin mo muna." Pakiusap nito sa kanya.

            "Okay." mananahimik na sana siya pero nakialam na naman ang utak niya kaya naghum nalang siya ng lullaby. Tiningnan siya nito ng masama. "What?"

            "Manahimik ka."

            "Pinagpapahinga ko lang ang utak mo ano ba ang masama doon?" nakasimangot na tanong nito.

            "Lahat! Makaalis na nga."

            "Saan ka pupunta?"

            "Maghahanap ng matinong kausap." At iniwan na siya. Natawa nalang siya nasanay na kasi siya sa kaibigan and besides alam naman niyang hindi talaga ito naiinis sa kanya gusto lang talaga nitong pagpahinga. Nagpatuloy siya sa pagkain, kahit ano nalang kinakain niya and what's worst is talagang tataba siya dahil kahit kumakain na siya ay hindi pa rin siya nabubusog. Parang nilagyan ng drugs ng chief ang mga pagkain na niluluto nito at delikado iyon kaya ang gagawin niya uubusin niya ito lahat para safe ang mga kaibigan niya.

            Kung hindi lang siguro sumenyas si Ainsley na magsisimula na ang kasal ay hindi pa siya titigil sa pagligtas sa mundo sa pamamagitan ng pagkain ng lahat ng pagkaing may droga. Sa kanya lang yata uso ang reception first before the wedding proper.

            Nagsimula na ang 'palabas', it's a surprise wedding for Zyrene kaya nga ng lumabas ito ay halata sa mukha nito ang pagtataka sa kung ano ang nangyayari. Basta lang nila itong hinila sa isang tabi at binihisan, Chloe made their dresses and the bride's dress as well. Kahit na madalian ang naturang kasal ay hindi mo mahahalata, Ainsley will kill someone who will say na ang kanyang mga naorganized kahit na madalian ay pawing second rate lang, because her dear friend wants the best of everything she does, a perfectionist.

            Heinz hired the best organizer in town, although alam niyang namumulubi si Heinz sa halagang hinihingi ni Ainsley. Sabi kasi ni Ainsley dapat lang daw na singilin ng mahal si Heinz kasi hindi naman daw cheap ang mga sisters nila at hindi nila deserves ang mediocre na kasal. Kakaiba talaga mag-isip ang mga mayayaman at mga lumaki sa yaman. Sa part kasi niya hindi naman importante kung saan ang kasal basta ang mahalaga ikakasal ka sa taong mahal mo at gusto mong makasama habang buhay.

            Nairaos naman ang kasal at ano pa ba ang sunod sa kasal kundi ay ang reception na doon lang din dinaos, kaya kumain na rin siya. Ito na rin ang tulong niya sa inang bayan sayang naman kasi kung may matitirang pagkain mas mabuti pang tulungan na niya si Heinz at Zyrene sisiguraduhin niyang wala ng matitira dahil ubos na niya.

            "I'm hungry." Narinig niyang bulong ni Karylle na nasa tabi niya. Gustong-gusto na niya itong tuksuhin kaya lang baka siya ang kainin nito, again... she isn't swinging the other way ayaw niyang maging cannibal ang kaibigan niya. Halata kasi na nagseselos ito sa babaeng kasama ni Colton kanina, ang lalaking naglakas loob na ligawan ang kaibigan nila sa harapan nila na binasted lang din ng gaga.

            "Kumuha ka ng foods." Ani niya. Kaso mali yata ang sinabi niya dahil kahit na gabundok pa ang laman ng kanyang plato ay hinila na siya nito papunta sa mga pagkain. Wala pa naman siyang balak kumuha, sumama nalang talaga siya dahil wala na siyang choice.

             "Hi there pretty lady who likes my panda!" pamilyar sa kanya ang boses na iyon kaya napatingin na rin siya sa lalaki kasi hindi naman pamilyar sa kanya ang mukha nito. Baka isa ito sa mga tao sa mundo na may kaparehong boses lang.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now