“Zizi! I'm not the enemy here. She is— oh fvck!” Gulat na napailag si, Zander. 

May bigla na lang kasing sumulpot na babae na parang x-men ang kamay sa haba ng mga patalim nito. A, that psycho scientist na kumuha ng dugo sa'ming dalawa ni Matt. Akala ko patay na siya. 

“Give us the necklace clock and we will spare your lives, young brąt.” Pananakot nito sa'min. 

I look at her coldly. Necklace clock? As far as I know the necklace has no clock. Is she pertaining to something else?

“Wala kaming alam sa sinasabi ninyo kaya kung gusto mo pang mabuhay matandang scientist ay tumakas na kayo habang pinapahintulutan ko pa kayo.” Sabi ni Zander dito.

“Hindi ako matanda!” 

Hinarangan ko si Luna nang may malakas na kapangyarihan na inilabas ang scientist na ito. Hindi ko siya kilala. Pero sa pagkakaalala ko ay tinawag siyang Kitty ng amo niya. Talagang bagay sa kaniya na sunod-sunuran lang ng amo niyang hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon. 

Tsk!

●∘◦❀◦∘●

Luna's Point of View

Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako. Parang humupa ang galit sa katawan ko at napalitan iyon ng pagkakabigla. Ang akala ko'y wala ni Zyriex ngunit ito't buhay na buhay siya at pinoprotektahan na naman ako. Kapatid niya pala ang misteryosong lalaki na iyon. Kung si Zyriex ay minsan lang ngumiti at tumawa. Itong kapatid naman niya ay palaging ngumingiti at tumatawa. Maihahalintulad ko ang kapatid ni Zyriex kay Matt. Parehong weird-o.

Nang sumulpot si Kitty ay nagsimula na namang maglaban. Nilabanan ng dalawa si Kitty. Ako naman ay nagtaka. Bigla na lang nawala si Lyllian. Alam kong hindi sapat ang pagtilapon niya para mamatay siya. 

Nagulat na naman ako nang bigla na lang magteleport si Dahlia sa tabi ko. “Ang kwentas  Luna. Bilisan mo na bago pa makakuha ng lakas muli si Lian.” Nagmamadali nitong wika sa'kin. 

“Huh? Bakit alam niyo po ang patungkol sa kwentas?” 

“Because I'm the one who made it. Kailangan na natin itong sirain sa lalong madaling panahon—arghh!” 

Napaatras ako sa pagkagulat. Isang bakal na kamay ang lumusot sa puso ni Dahlia, mismo sa harap ko. Pag-angat ko ay nakita ko ang ngumingiti na si Lyllian. 

“MOM!” Umalingawngaw ang boses ni Mirra sa paligid. 

Dahil sa pagkagulat ko ay hindi ko na namalayan na kinuha na pala ako ni Zyriex. Isinama niya ako sa paglaho niya. Inilayo niya ako sa dalawa. Nagmistula akong estatwa habang tinatanaw ko kung paano tusukin ng paulit-ulit ni Lyllian si Dahlia. Hanggang sa bumagsak na nga si Dahlia sa sahig na puno ng dugo. 

“Mom! Mom! You witch!” Sumugod bigla si Mirra kay Lyllian. 

Muntik na akong hindi makahinga nung muntik nang tumama sa ulo ni Mirra ang isang matulis na kutsilyo na ipinalipad ni Lyllian sa direksyon nito. Nagteleport sila sa tabi namin ni Zyriex. 

“Baboya! Neo geunyeoreul mullil su issdago saenggakhae? Naneun anaereul ilheul ppeon haesseo! (Idiot! Do you think you can beat her? I almost lost my wife!) Wika ni Matt kay Mirra na humahangos na ngayon ng iyak. 

“Seems like asking a favor won't do. Then I'm just gonna kill you all. With this last blow of mine.” Biglang binali ni Lyllian ang kaniyang bakal na kamay. “This will be a massive bomb. I think it can destroy one small city. Right Kitty? Kitty? Kitty where are y—” She gasped as she saw Kitty lying on the ground. 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now