2. Iyak

1 1 1
                                    

"Sa'n ka pupunta?"

"Diyan lang, magpapahangin."

"Bumalik ka kaagad. Gabi na."

"Hmm."

Binigyan ko siya ng isang ngiti bago ipinikit ang mga mata ko. Hinintay kong makaalis siya sa higaan, kapagkuwan ay sa kwarto, bago huminga ng malalim at ibinukas ang mga mata.

Napatitig ako sa kesame. Naiwan akong tahimik rito, mag-isa. Ngunit kahit na ganoon, ni wala man lang akong maramdamang kahit na anong payapa.

Huminga ako ng malalim at pumikit ulit. Matutulog na sana ako nang biglang binalot ng isang tunog ang buong kabahayan. Kaagad akong napabalikwas ng bangon at nagmamadaling bumaba sa hagdanan mula sa kwarto, hinahanap siya.

Ngunit wala akong ibang makita. Narinig, meron. Isang pag-iyak.

Halatang nasasaktan, sigurado rin akong galit ito. Naglakad ako papunta sa sala pero wala akong nakitang kahit na sino. Wala rin siya doon. Nasaan nga ba siya? At bakit siya umiiyak?

May umakyat sa hagdanan. Napatingin kaagad ako doon. Sa isiping siya 'yun, nagmadali akong sumunod, nag-aalala.

Nakita kong may pumasok sa kwarto, sigurado akong siya 'yun. Kaya naman walang pag-aalinlangan akong sumunod habang rinig na rinig ang mga iyak niyang hindi ko na maintindihan.

Nang makapasok ako sa kwarto, nakita ko siyang nakaupo sa higaan, basa ng luha, hawak-hawak ang isang matulis na bagay at puno ng dugo.

Nanlaki kaagad ang mga mata ko at umakmang lalapit. Pero bigla siyang nag-angat ng tingin, umiiyak pa rin.

Nang makita niya ako, kaagad siyang natigilan.

"B-bakit buhay ka pa?" aniya, tumutulo ang luha.

Napatitig ako sa mga mata niya kapagkuwan ay nag-aalalang bumaba ang tingin sa kaniyang duguang katawan, lalo na sa kaniyang puso.

"A-anong ginawa mo?!" Wala akong ibang maramdaman kundi takot, gulat, at pag-aalala.

Ngunit nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya, sa mukha niyang minsan ko nang pinagtaksilan, natigilan ako nang makitang umiiyak pa rin ang kaniyang mga mata.

Pero, hindi lang 'yun ang bagay na sa tingin ko'y ikamamatay ko.

Nakangiti siya habang umiiyak.

-

so, here's some update! tbh i dont really know where this is going but i just wrote it anyway, since feel ko lang at the moment na isulat siya haha. anyway, i hope you like it? it's just short, like the others, since tamad akong magsulat ng mahahaba haha and i think mas maganda if madali lang. i hope u enjoyed it and so sorry if ang tagal kong nag-update dito. busy lang talaga at wala ako masyadong ideas for this hehe.

anyway, lemme grab this opportunity to promote my new story. it's out now and you can check it on my profile po! although it's romance and it's far from mystery/thriller and horror (which is genre ng short stories dito) maybe some of you here likes to read it anyway, so promote na natin haha!

title: i must be yesterday
status: single (chariz haha) on-going pa po siya.

'yun lang! have a good day sa inyong lahat <3

love,
eri

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

the hidden sides of a storyWhere stories live. Discover now