1. Sa Ilalim ng Kama

7 2 1
                                    

sa ilalim ng kama,
naroon siya.

nakahiga,
humihinga,
at nakadilat
ang mga mata.

ni minsan ay
hindi ko sinubukang
sumilip.
ni minsan ay
hindi ko sinubukang
makinig.

sa ibabaw ng higaan,
pinanatili ko ang katahimikan.

ako'y nanatiling
nakahiga,
humihinga,
nakapikit ang
mga mata,
at sarado ang tenga

dahil sa takot at kaba,
sa taong nasa ilalim
ng kama.

•••
i ought to write this story not in a poetic way. pero feel ko mas maganda if ganito ko siya isulat. anyway, hope you like it💚

the hidden sides of a storyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora