1. Ngiti

3 1 1
                                    

"Sa'n ka pupunta?"

"Diyan lang, magpapahangin."

"Bumalik ka kaagad. Gabi na."

"Hmm."

Napasulyap ako sa kaniya bago umalis sa higaan. Nang makitang ipinikit na niya ang mga mata, kaagad akong lumabas sa kwarto dala-dala ang cellphone ko.

Masyadong malaki ang kusina. Una kong nilapitan ang mesa kung saan nakalagay ang tubig. Mula isa hanggang dalawang baso, uminom ako ng may pagmamadali. Inilapag ko kaagad ang baso sa mesa, hinihingal, nakakuyom ang dalawang kamao — ang isa'y hawak ang cellphone na kaagad umilaw dahil sa isang mensahe.

Napatiim ang bagang ko nang makita kung ano 'yun. Isang litrato ng taong kilalang-kilala ko, habang may kasamang iba. Napahigpit lalo ang hawak ko sa cellphone kapagkuwan ay napatingin sa hagdanang binabaan ko kanina sa pamamagitan ng pinto.

Ilang saglit lang ay dumapo ang tingin ko sa parte ng kusina kung nasaan ang matatalim na bagay. Habang kinakain ng galit at poot, walang pagdadalawang isip akong bumalik sa kwarto namin hawak-hawak ang cellphone at ang isang bagay na dala ko mula kusina.

Napatitig ako sa kaniya ng ilang saglit. Napakatahimik. Halatang tulog na. Siguro, payapang-payapa ang pakiramdam niya ngayon. Sa isiping ganoon nga ay mas lalo lang akong binalot ng napakaduming emosyon.

Walang pag-aalinlangan ko siyang nilapitan, kapagkuwan ay pumaibabaw ako sa katawan niya. Habang mahigpit ang hawak sa matulis na bagay, tinitigan ko ang kaniyang mukha. Ilang saglit akong napatitig bago ko itinutok sa puso niya ang hawak.

Ibinaon ko kaagad iyun ng malalim. Napakalalim. Sa bawat paghila at baon ko sa kutsilyo, unti-unti akong nawawalan ng hininga, ng pagmamahal, at ng takot sa dibdib. Hindi na siya gumagalaw.

Akala ko'y patay na siya.

Pero mali ako.

Sa isip ko, huli na 'to. Ibinaon ko ulit ang kutsilyo sa puso niya, balot ng walang ibang pakiramdam kundi selos at galit. Ngunit nang tumigil ako, mga mata'y nasa duguan niyang puso, unti-unti napaangat ang pansin ko sa mukha niyang alam kong napakaganda.

Kaagad akong natigilan nang makitang nakabukas ang mga mata niya, nakatitig sa 'kin. Pero, hindi lang 'yun ang bagay na sa tingin ko'y ikamamatay ko.

Nakangiti siya.

the hidden sides of a storyWhere stories live. Discover now