“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Uncle sa'yo? Ha?” 

Nagitla naman si Atlas sa sinabi nito sa kaniya. “Huh? A-Anong pinagsasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito. 

“Alam ko na, Atlas. Huwag ka ng magpanggap pa.” Sagot nito sa kaniya habang nagsusuot ng sapatos.

Nasa ganun silang posisyon nang mapansin nila na bigla na lang nagkagulo ang mga tao sa paligid nila. May iba pa na nagtatakbuhan na animo'y nagmamadaling umalis sa lugar o kaya naman ay may tinatakbuhan na nakakatakot dahil sa mga reaksyon nito sa mukha. 

Lumabas si Mirra para tingnan kung anong nangyayari. Sa paglabas niya ay may isang tao siyang nakabanggaan. To her surprise, it was Krissy. The secretary of their school.

“Krissy? Anong nangyayari? Ba't nagtatakbuhan kayo?” 

Hinihingal naman itong tumingin sa kaniya habang may pag-aalala sa mukha, “M-Mirra…” tawag nito sa pangalan niya na para bang may malaking problema. 

“B-Bakit ba? A-Anong problema?” Kinakabahan niyang tanong dito. 

“K-Kailangan nating ilikas ang lahat ng tao sa hospital. K-Kailangan nating bilisan!” 

“Huh? Bakit naman?” 

“A-Ate Mirra! Ate, I think we need to go out of here.” Napalingon naman si Mirra sa tumawag sa kaniya. It was Matt's nephew, Yuhann.

Doon na nanlaki ang mga mata nila. 

“What the h*ck is that?” Gulat na tanong ni Atlas habang pinagmamasdan ang isang mapakalaking oso na nakakatakot ang itsura. 

●∘◦❀◦∘●

Shamil and Miles are casually roaming around the first floor at Quinn's hospital. They're checking the area if may mga tauhan ba o kalaban na nakapasok sa nasabing lugar. When suddenly, they get a call. Pareho nila iyong sinagot. 

“Hello? Wala, hindi namin nakita na bumaba si Luna? Bakit, Sally? Tinakasan ka na naman ba ni Miss Abi?” Panunukso pa ni Shamil sa kabilang linya.

“Huh? Anong pinagsasabi mo diyan Liam? Wala naman e. Wala namang nagkakagulo rit—” Naputol ang sinasabi ni Miles sa kabilang linya nang mapansin ang mga tao na lumabas sa elevator. 

Nagsimulang magtakbuhan ang mga ito. May iilan rin siyang nakita na duguan kaya nalukot kaagad ang mukha niya atsaka sumeryoso. Mabilis niyang hinila si Shamil papalapit sa kaniya. 

“What's the situation? Okay, I get it.” Ibinaba na niya ang telepono at tsaka hinarap si Shamil na seryosong-seryoso na rin. 

“Miles… Luna's been missing, again.” 

“And we also got a problema again.” Ang sabi niya rin. “We need to evacuate the people that are in here, right now. May malalaking halimaw raw na nakakalat sa buong hospital.” 

●∘◦❀◦∘●

Kakarating lang ni Luna sa sinabing lugar ng kaniyang tinatawag na Mama. Karga-karga niya ang dalawang lalaki sa balikat niya na hindi man lang alintana ang mga bigat nito. 

“I'm here, Mama! I brought a gift.” Nakangiti niyang anas kay Lyllian. 

Lyllian smiled at her, “Finally, you came. I told you, Kitty. She will come on her own accord. Haha!”

Kitty on the other hand was shocked. “Don't tell me, you used the…” 

“I did, Kitty. I did.” 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now