Chapter 9 // The Organization

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang mga oras na nakatulala lang ako at hindi makatulog. Ang daming bumabagabag sa isip ko, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unahin. Habang tumatagal ay lalong gumugulo ang lahat. Parang gusto ko na lang mawala bigla dahil sa mga nangyayari. Ilang gabi na ring ganito ang nasa isip ko at araw-araw lang nadadagdagan at hindi nababawasan.

I need to let it all out.

***

Dumating ang alas-dose ng hating-gabi at lumabas ako sa warehouse habang mahimbing silang apat na natutulog. Hindi ko rin alam kung ano ba 'tong ginagawa ko pero gusto kong mapag-isa kahit alam kong delikado. Bahala na kung anong mangyari sa akin.

Para akong baliw dahil ako mismo ang nagsabi na ayaw kong makita ang mga nakita namin ni Alexander dahil nakakatakot sila pero ito ako ngayon naglalakad mag-isa sa kalsada. Hindi malabong hindi ko sila makasalubong, baka andiyan lang sila sa paligid at naghahanap ng biktima at sana hindi ako 'yon. Bukod doon ay baka may nagmamanman din sa kaniyang mga tao.

Tahimik ang gabi at malamig hangin. Nakakakilabot. Pakiramdam ko ano mang oras ay bigla na lang may susulpot sa paligid ko para atakihin ako. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ito pa ang naisip kong paraan para ilabas ang mga saloobin ko? Sa dinami-rami ng paraan ay talagang 'yong delikado pa ang napili ko at nasa hukay na ang isang paa. Tsk.

*snarling sound*

I was alerted when I heard the sound. May malapit sa akin ngayon. Damn! Sana normal na zombie lang at hindi ang kinatatakutan ko. Baka ako mismo ang kumitil sa buhay ko kapag nagkataon na sila ang makaharap ko. Parang lalabas na ang puso ko sa lakas at bilis ng tibok nito.

Agad akong nagtungo sa isang eskinita para magtago at obserbahan ang piligid. Habang tumatagal ay lumalakas ang tunog na iyon na lalong nakakapag-pakaba sa akin. Aish! Now, I'm regretting this. Bakit ba kasi ako lumabas?!

Habang nakatingin lang sa daan kung nasaan ako kanina ay nakita ko ang mabagal na paglakad ng isang zombie. Lumilinga-linga ito sa paligid na parang naghahanap ng tao na makakain. Jeez! Sana ay umalis na 'to para makaalis na rin ako at makabalik sa warehouse pero kung minamalas ka nga naman talaga.

I freaking made a sound! I gasped when something attacked the zombie. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko nakita kung ano 'yon. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sarili kong gumawa pa ng kahit anong ingay. Holy moly! I am literally digging my own grave right now. But what scares me the most is that something more dangerous is out there. What the heck is it?

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para dahan-dahang umalis sa pinagtataguan ko para tignan ang nangyari sa zombie na tinitignan ko kanina. Seriously? How brave can I be? Nagugulat na ako sa sarili ko. I know I'm scared and I don't want to die yet but what the hell is going on with me?

Unti-unti kong sinilip ang kung ano mang nangyayari at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. No, no, no... There's no way this is possible! This can't be real. I must be hallucinating. Guni-guni ko lang ito at hindi ito totoo. Panaginip lang 'to. I would trade anything just tell me this isn't true.

Si Papa. He's here. I can clearly see him. Hindi ako pwedeng magkamali, alam kong siya 'to. He looks exactly the same when this apocalypse happened. But something changed... his skin... he became one of them. Kinakain niya rin ang zombie na tinitignan ko kanina. What the heck is happening? Bakit niya kinakain ang kauri niya? It's disgusting.

Habang pinoproseso ng utak ko ang nakikita ay para akong binuhusan ng tubig na puno ng yelo nang tumingin siya sa akin. His eyes are the same with those zombies that I fear. My Papa doesn't have white eyes. His eyes are still those orbs that I admire before, but seeing it now gives shiver down my spine. This is not my father.

RefugeWhere stories live. Discover now