Chapter 4 // Runaway

11 2 1
                                    

Samariya's PoV

Matapos ang mahabang usapan namin ay napag-isipan naming gumawa ng panibagong matutuluyan para kay Alexander. Maaga pa naman at madali lang itong natapos dahil may mga gamit na kami at tatlo kaming gumawa. Balak din naming bumalik kinabukasan para maghanap pa ng mga gamit sa bahay namin at sa mga bahay sa lugar namin.

Tanghalian na ng matapos kami kaya naman napagdesisyunan kong magluto na rin ng pagkain namin. Kailangan na talaga naming manguha ng mga pagkain dahil nadadagdagan na kami. Hindi malabong sa mga susunod na araw ay makahanap pa kami ng iba pang mga nakaligtas.

Mabuti na rin iyon dahil mas makabubuting marami kaming kasama. That way, we will have a greater force in dealing with this event. Mas madali kaming makakakuha ng mga kagamitan dahil marami ang pwedeng tumulong.

"What are your plans?" tanong ni Alexander habang kumakain kami.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Ang totoo ay wala akong plano. Hindi ko alam ang gagawin ko pero ang manatiling ligtas lang naman ang gusto ko. Iyon ang gustong mangyari ni Papa. Iyon ang huling sinabi niya sa huli naming pagkikita bago siya nawala kasama ni Mama.

"We'll search for resources tomorrow," sagot ni Killian.

"And probably look..." Natigilan ako nang biglang pumasok ang imahe ng mga magulang ko sa isip ko. "Look for some survivors in the city."

Napatango naman siya sa sinabi namin. Siguro ay magpapahinga na lang muna kami ngayong hapon dahil sa mga nangyari. Pagod na rin ako simula pa noong nakaraang araw pero hindi ko magawang magpahinga. Pakiramdam ko kasi ay kapag nagpahinga ako, lalamunin ako ng lungkot. What happened is still vivid in my mind. The wound is still fresh.

Kung hindi kami magpapahinga ay baka gagawa ng panibagong bahay. Hindi naman namin alam kung sa pagbalik namin dito galing sa syudad ay may mga kasama na kami. Mas mabuti nang nakahanda na agad. Gusto ko ring ibaling sa iba ang isipan ko para hindi ko maalala ang nangyari. Gusto kong itulak na lang 'yon sa dulong bahagi ng utak ko.

Gusto ko munang kalimutan ang nangyari kahit na alam kong malabo. Malabong makalimutan ko 'yon dahil sa tuwing nakikita ko ang mga nilalang na 'yon, bumabalik sa akin lahat. Gusto ko munang ibaon sa limot. Gusto ko munang makalimot. Ang hirap. Nahihirapan akong magpakatatag kasi gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng bitawan 'yong pangako kong mabubuhay ako.

I feel like I am just existing in this world. Surviving for the sake of my promise. I mean, what's the sense of living if my reasons to live is already dead? Sila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Wala nga akong pake sa iba basta mayroon akong 'sila'. Pero isang araw bigla na lang nawala na parang bula. Everything happened so fast. My everything... was gone. They were gone.

"Hey." Nabalik naman ako sa reyalidad nang ikaway ni Killian ang kamay niya sa harap ko. I spaced out. "Alexander was asking you." Napatingin naman ako kay Alexander dahil doon.

"I was saying, it would be better if we have weapons. Kung balak niyong tulungan ang ibang tao, mas maganda kung may mga gamit kayo para lumaban," saad niya.

"Ate Samariya have weapons in their house," Biglang sabi ni Kean kaya napatingin sa kaniya si Alexander. Right, she saw it.

***

Kinabukasan ay pumunta kami sa bahay namin kung saan nakalagay ang mga armas. This time, Kean is also with us. We can't risk to leave her alone in the forest again. Hindi ligtas ang iwan siya lalo na't baka may mapadpad ulit na zombie roon.

Naging madali ang pagpunta namin dahil halos kabisado na namin ang gubat dahil sa paglabas at pasok namin dito. Wala ring sinyales ng kahit ano sa lugar namin at namamayani ang katahimikan. Nagkalat na mga gamit, mga sirang bahay, nakaparadang mga sasakyan, mga natuyong dugo sa daan, at patay na mga zombie. Walang sinyales ng buhay na tao at zombie.

RefugeWhere stories live. Discover now