Chapter 8 // Leader

Start from the beginning
                                    

***

Gaya nang napagplanuhan, umalis kaming lima nina Alexander, Akira, Gabriella, at Cyrus. Binilin ko naman kay Killian na siya na muna ang bahala roon dahil sila ang mga maiiwan. Siya lang naman kasi ang mapagkakatiwalaan ko ro'n. Sinabi ko rin na ituloy nila ang pag-aayos. We need to fortify our hideout. We have no idea about them or how they work. Kailangan naming maging handa palagi.

"You guys ready?" tanong ko sa kanilang apat habang naglalakad kami.

"Yes, we are!" sagot ni Gabriella. She's always full of energy. This raid won't be boring with her.

Nang makalabas kami sa gubat at makarating sa lugar namin, agad kaming dumiretso sa unang bahay. May ilang gamit naman kaming nakuha gaya ng mga gamit sa kusina at sa kwarto at may maliliit ding mga lalagyan na mapaglalagyan namin ng mga bagay-bagay. Walang kahit anong pagkain kaya napagdesisyunan naming pumunta na sa susunod na bahay.

Bingo! The house is almost as good as our house. Hindi magulo at makalat. Siguradong hindi napasok ng zombie ang bahay na 'to kaya ganito. Sa kusina agad kami pumunta para maghanap ng pagkain dahil iyon ang pinaka kailangan namin. And I can say what a lucky day! Parang kagagaling lang sa pamimili ang may-ari ng bahay na 'to mula nang mangyari itong gulo.

Agad naming kinuha ang lahat ng pagkain na kaya naming makuha. Punong-puno agad ang mga lalagyan namin dahil sa sobrang dami. Pwede na nga kaming bumalik ulit sa gubat dahil sa mga dala namin pero sa tingin ko ay maghahanap pa kami. Kakayanin naman siguro naming dalhin lahat dahil wala pa naman kaming nakukuhang mga mabibigat na bagay.

"Guess what I've found." Napatingin kami kay Alexander nang sabihin niya 'yon at agad akong napangiti dahil sa hawak niya. "I guess I'll be driving someone's car," he smirked.

"Nice!" Sabay na reaksyon naman ni Akira at Gabriella at nag-apir pa.

"It's a black Ford Ranger Raptor," sabi ni Cyrus na mukhang kagagaling lang sa garahe. Talaga nga namang sinuswerte kami ngayon.

"Let's check it out," saad ko kaya pumunta kaming lahat sa garahe para tignan. Holy moly! Nice car. Ayan na lang ang masasabi ko dahil bagong-bago ang sasakyan na nasa harap namin ngayon.

"Samariya." Napatingin ako kay Alexander nang tawagin niya ako. "What do you think?"

"It's time to get back to the forest." Napangiti sila dahil sa sinabi ko kaya nilagay na namin ang lahat ng nakuha namin at umalis sa bahay na iyon.

***

We got back to our place safely. Ang sasakyan? Nandito, nakaparada sa harap nila.

"Wow! Nakuha niyo 'to?" Bilib na bilib na sabi ni Franco habang sinisipat ang kotse.

"Hindi ba halata? Nakikita mo na ngang andito," Pilosopong sagot naman sa kaniya ni Gabriella na kabababa lang na may dalang mga pagkain.

"Franco, I need a hand here." Dali-dali namang pumunta si Franco sa direksyon ni Akira na may mga dala ring pagkain.

Nang maibaba na lahat ng nakuha namin at nailagay sa kusina ay lumabas ako para tignan ang ginagawang hall. Naabutan ko ro'n si Killian na nakatayo lang at tinitignan ang buong hall. Sa totoo lang ay gawa na, konting ayos na lang ang kailangan para magamit na namin.

"Hey," I called him. Nang lumingon siya sa akin ay ngumiti siya pero tumango lang ako. "Ayos na pala 'tong hall," sabi ko nang makalapit ako sa kaniya.

"Oo, konti na lang ay pwede na natin 'tong magamit," sagot niya. "What are your plans here anyway?" he asked.

"A typical hall, just for important matters," I answered without looking at him. Hindi na siya nagsalita pa at nanatili lang kaming tahimik sa loob ng hall. Nang tignan ko siya ay diretso lang ang tingin niya. What is he thinking?

RefugeWhere stories live. Discover now