“I mean, Boss Moon.” Napipilitang pagtama ni Matt sa kaniyang sinabi. Palihim naman siyang napa-irap.

“Hindi,” maikling sagot lang ni Luna. “Let's go,”  ani pa nito.

Kumilos na sila nang sinabi iyon ni Luna. Tinanggal kaagad ni Miles ang barricade na nilagay niya gamit ang kapangyarihan niya. And there nagsimula na silang lumabas sa dormitoryo. Paglabas pa lang nila ay marami ng dugo ang nagkalat sa buong lugar. Even the elevators have blood.

Umagang umaga ngunit ni huni ng ibon ay wala silang marinig nang dahil sa tahimik ng paligid.

“Are we even on the right path?” Asked Auilliam.

“We are. This is the safest route for now.” Sagot naman ni Mirra.

They trusted Mirra dahil mas matagal na ito sa paaralan kumpara sa kanila na baguhan lamang.

“Are we really doing this? Para naman tayong tumatakas sa kulungan. Okay lang naman siguro na makita tayo ng mga gwardiya e.” Reklamo ni Elleanor.

Siniko naman siya ni Ellesse, “Umayos ka Blue. Nasa misyon tayo." Seryoso niyang saad sa kakambal niya.

Nabawi kaagad ni Elleanor ang sinabi niya nang mapapitlag silang lahat tsaka napayuko nang may marinig silang tunog ng baril. Kitang-kita nila ang pagbaril ng isang gwardiya sa isang estudyante na kalalabas lang ng cafeteria na may dalang pagkain.

“What the fvck is that?” Wala sa sariling anas ni Shamil.

“This is not even a lockdown anymore. Mukhang kontrolado na tayo ng kalaban ngayon.” Malamig na ani ni Luna sa kanila.

“They want that intel so bad. The question is, are they from the noxious organization or from another mafia organization?” Tanong rin ni Miles.

“We need to move!”

Napukaw ang atensyon nila sa boses ni Matt. Puma-una na si Matt sa kanila. He can't waste any minute. Alam niyang hina-hunting na ni Zyriex ngayon ang principal ng paaralan nila for some personal reason.

“Don't let yourself get caught. We need to hurry.” Damonn said.

Meanwhile…

Olivia is now in their meeting place. Umaga na nang siputin siya ng boss nila. Tumayo siya sa kinauupuan niya at nagbigay galang. Antok pa siya ngayon sapagkat hindi siya masyadong nakatulog dahil sa mga nangyari.

“Did you get it?” Said the woman na naka laboratory coat pa.

Nasa loob siya ngayon sa tinatawag nilang secret room na tanging upper ranks lang ng paaralan ang makakapasok. The truth is, this room is prohibited. This room is only for the rare ones.

“Here, boss.”

Inilahad niya ang nakuha niyang kwintas mula kay Luna. Napangiti naman ang boss niya. Kaagad nitong kinuha ang kwintas na nasa kamay niya. To her surprise ay sinunog iyon ng boss niya. Mismo sa harapan niya. Umawang ang labi niya sa nasaksihan. Nagpakahirap siyang kunin ang bagay na 'yon and then her boss just simply burned it? Sana pala sinabi na lang sa kaniya na sirain ito.

“Boss?” nagtataka niyang tanong.

“We don't need this anymore, Justin. Eto ang nagbibigay ng kaguluhan ngayon sa paaralan natin.” Her boss taps her back.

“Good job again, Justin.” Ang sabi pa ng boss niya.

Hindi nila alam na hindi pala 'yon ang orihinal na kwentas na naglalaman ng intel na hinahanap nila.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now